Share

Chapter 4

Dumating kami sa Chi Hao restaurant, naka-book na ang boss ko kahapon pa. Finollow-up ko lang ang reservation namin kaninang umaga. Maaga kaming nakarating sa meeting place wala pa  roon ang client na i-mimeet ng boss ko.

Wala kaming imikan ng boss ko habang hinihintay ang pagdating ni Mr. Chen. Ilang minuto pa ay dumating na si Mr. Chen at may dalawa siyang kasama. Agad kaming tumayo ng boss ko para  batiin sila. Kung di ako nag-kakamali isa sa kanila ang secretary nito.

"Good evening Mr. Villafranco, this is my son Yuan." Pakilala niya sa lalakeng katabi niya, doon ko lang napansin ang pagkakahawig nila.

"I'm glad to finally to meet you Sir Yuan." Magalang na sabi ng boss ko.

"Me to," sagot naman nito saka ngumiti, halos mawala ang singkit na mata nito dahil sa pag-ngiti.

Ang cute!

"Who's this lady you're with?" baling ni Mr. Chen sa akin.

Bigla akong kinabahan, di ko tuloy alam kung ngingiti ba ako o hindi.

"She's Gabriela my new secretary."Pakilala sa akin ng boss ko, nahalata niya ata ang kaba ko. 

"Nice meeting you Gabriela," sabi nito sa akin at inilahad ang kamay sa akin. Agad ko naman iyong inabot para makipag-kamay kinamayan ko na rin si Sir Yuan at ang secretary na kasama nila.

Matapos ang batian ay nagsimula na kaming umupo at sinimulan ang meeting. Isa isa ko silang inabutan ng folders kung saan nakalagay ang printed na proposal na dala namin ng boss ko. Si Sir Xavier ang abalang nag-eexplain ng laman niyon at siya rin ang sumasagot sa mga tanong nila. Nagti-take note lang at nakikinig sa sinasabi ng boss ko.

Akala ko ay dinner meeting iyon pero di pa kami kumakain, naramdaman ko ang gutom ko kaya panay ang inom ko ng tsaa na hinatid sa akin ng  staff doon.

Nakangiti si Mr. Chen hanggang sa matapos ang presentation ni Sir, masasabi kong maganda ang magiging resulta ng meeting na iyon.

Nagki-kwentuhan na sila at nag-order na rin ng pagkain di ko na masyadong naiintindihan ang usapan nila dahil iniisip ko ang tiyan ko na parang anumang oras ay bigla na lang kukulo.

Gutom na talaga ako.

Ilang minuto ang lumipas ay dumating na rin ang mga pagkain na inorder namin sweet and sour pork, Kung Pao chicken, spring rolls, dumplings , at fried rice. Gustuhin ko man na kumain ng marami ay hindi ko magawa dahil nahihiya ako sa kanila. Gusto ko na rin umuwi para makakain ng marami. Madaming natira sa pag-kain, nanghinayang ako sa mga iyon at gusto ko sanang i-take out iyon kaso baka mapalaban ako sa boss ko.

Akala ko pagkatapos na kumain ay makakauwi na ako, gunit biglang nag-aya si Sir Yuan na  mag-hang-out. Di na sumama si Sir Chen dahil di na raw siya bata at gusto niyang mag-enjoy ang anak niya. Pag-alis ni Mr. Chen ay bumuntong hininga si Sir Yuan gay'on din ang secretary nilang si Arthur na kanina ay napaka-seryoso. 

"At last makakhinga na rin tayo."  Nakangiting sabi nito sa amin.

"I know a good place where we can drink,"sabi nito.

Gaya kanina ay sumakay ako sa kotse ng boss ko. Wala akong nagawa kundi ang sumama kung saan man kami patungo. Huminto siya sa pag-dadrive nang makarating kami sa isang Club. Bumaba ako sa kotse niya matapos siyang makapag-park. Pinasadahan ko ng tingin ang labas ng club na iyon Luna's  ang nakalagay sa sign board nun. Nasa labas pa lang ay maririnig na ang malakas na tugtog na nagmumula sa loob nito. Masasabi kong sikat ang Club na ito dahil sa dami ng kotseng naka-park sa harapan nito.

Nakasunod lang ako sa boss ko at sa kanila Sir Yuan at Arthur hanggang sa makapasok kami sa loob. Gaya nang inaasahan ko ay maraming tao roon, malaki rin ang lugar na iyon. May DJ Booth sa gilid sa gitna ay dancefloor sa kabilang parte ay ang bar counter at lounge. Patuloy lang ako sa pagsunod sa kanila hanggang sa makarating kami sa isang bakanteng  lounge. Pakiramdam ko ay para akong batang walang kamuwang-muwang sa mundo.

May lumapit sa amin na waiter at kinuha ang order namin, bukod sa tatlong bucket ng beer at pulutan ay umorder pa sila ng dalawang tower drink. Ewan ko parang gusto nilang magpakalasing, pwede bang umuwi na lang ako?

Nagulantang ako nag dumating ang order nila, sigurado ba silang kaya nilang ubusin ang mga to? 

Hanggang tatlong bote lang ng San Mig light beer ang kaya kong inumin. Di naman talaga ako umiinom ng hard drinks. 

Akala ko kapag mabilis kong naubos ang laman ng baso ko ay pwede na akong di uminom, mali pala ang ginawa ko dahil agad na nilalagyan ni Arthur ng laman ang baso ko ng kulay blue na inumin galing sa tower dispenser. Pagkatapos kong makainom ng tatlong baso ay saka ako nakaramdam ng bahagyang hilo. 

Nagtatawanan silang tatlo habang nagkwekwentuhan pero di ko malaman kung anong pinagkikwentuhan nila, nakikitawa na lang din ako. Nilantakan ko na lamang ang sisig na pulutan namin.

"Gabriela, lasing ka na ba?" dinig kong tanong sa akin ni Arthur agad naman akong napatingin sa kanya.

"So balak niyo talaga akong lasingin, Sir Xavier! kasalanan mo 'to," sigaw ko sa kanila at muli nila akong pinag-tawanan.

Mukha ba akong clown?

Nagdadasa na lang ako na sana pag-uw ko mamaya ay tulog na si kuya. Nagpaalam ko na late ako makakauwi pero di ko sinabing iinom ako.

"Gabriela, kanina mo pa hawak yang baso mo, nanadadaya ka na ata." Nakakalokong sabi ni Arthur kaya  inubos ko agad ang laman ng baso ko para wala na siyang masabi.

Pakiramdam ko ay malapit ng umikot ang paningin ko, natulala na lang ako at pinakiramdaman ang sarili ko. Pinasya kong magpunta sa CR para mahimasmasan ako. Katatayo ko pa lang ngunit pakiramdam ko ay matutumba na ako. Mabuti na lamang ay nakaya kong makarating sa banyo ng di nadidisgrasya.

Pinagmasdan ko ang itsura ko sa salamin, maayos pa naman ang itsura ko kahit papano. Umuhi lang ako at tumambay ng ilang minuto sa loob ng cubicle. Hinubad ko rin ang blazer na kanina ko pa suot dahil naiinitan na ako, epekto na rin siguro iyon ng alak. Hindi naman siguro masama kung huhubarin ko ang blazer ko.

Paglabas ko ng CR ay may nasalubong akong naglalampungan, umiwas ako sa kanila para di sila maistorbo. Di ko maiwasan ang mahiya para sa kanila, pero di ko nman sila dapat pakielaman.

Di ko inasahan na pagbalik ko ay may kasama na silang mga babae. Nag-hi lang ako sa kanila at saka umupo ulit, nag-hang-out lang daw sila at nakita a ang talo kong kasama kaya nakishare na lang sa westo. Para kaming nagkaroon ng kanya kanyang mundong apat. Ilang minuto pa ang lumipas ay nagkayayaan na silang sumayaw. Nagpa-iwan na lang ako dun dahil hilo pa rin ako pinanood ko na lang sila habang nagsasayaw sa dancefloor.

Di ko maiwasan ang mainis habang pinanpanood ko ang boss ko na nakikipag-sayawan sa kasma niyang babae halos magkiskisan na ang mga katawan nila. Di ko tuloy mapigilan ang mapainom ulit.

Di ko namalayan ang paglapit sa akin ng isang lalaki, napatingin ako sa mukha niya gwapo naman siya sa paningin ko. Di ko alam kung magbabago ang tingin ko sa kanya kapag di na ako nakainom.

"Hi I'm Nick." Pagpapakilala niya sa akin, sabay lahad ng kamay niya upang makipag shake hands.

"Gabby," tipid kong sagot sa kanya.

Kailan pa naging Gabby ang panagalan ko?

"May I join you?"tanong niya niya sa akin.

Hindi pa ako nakaka-sagot ay umupo na siya sa tapat ko.  Nagsimula siya makipag-usap sa akin. 

"Madalas ka ba dito?" tanong niya.

"No, sadyang andito lang ako because of work," explain ko sa kanya.

"This is part of your work?" Nagtatakang tanong niya.

"Oo," kumpirma ko, sabay tingin sa direksyon ng impakto kong boss.

"That guy is my boss and that one is our client, business matters." Turo ko sa kanila.

"I see, akala ko kanina boyfriend yung tinuro mong boss mo." Patango-tangong sabi niya na tila may nakumpirma.

"'Yun, naku talagang nagkakamali ka." Paglilinaw ko sa kanya.

"Good then." Nakangiting sabi niya, tasak uminom ulit sa basong hawak niya.

"Would you mind if i buy you a drink?" Tanong niya sa akin.

"Ikaw ang bahala," sagot ko sa kanya.

Okay naman siyang kausap para sa akin. Di naman siya mukhang mayabang o ano pa man. Sa pag-uusap namin di ko namamalayan na natatawa na ako sa mga jokes niya kahit pa korni ang mga iyon. Nang maka-order siya ay nagpatuloy kami sa pagkikwentuhan. In fairness di siya boring kausap.

"Care to dance?" Pag-aaya niya sa akin.

Mapapasubo pa ata ako.

"Asahan mo nang 'di ako magaling sumayaw," babala ko sa kanya saka tumawa.

"Hayaan mo na, sila din naman." Tukoy niya sa mga taong nagsasayaw sa dancefloor.

Nagpatianod na lang ako sa paghila niya sa akin papunta sa dancafoor. Doon napansin na may katangkaran siya dahil hanggang bibig na lang ako. Hindi ko alam ang gaawin ko kaya ginaya ko na lang ginagawa ng mga sumasayaw sa paligid namin. Di ko na pinanasin kung maayos pa ang pinag-gagagawa ko. Sabi nga nila kapag nakainom ay lumalakas ang loob.

"Akala ko ba dika magaling sumayaw?" Bulong sa akin ni Nick.

"Patawa ka!" Pambabara ko sa kanya habang tumatawa.

"How are you doing it?" tanong niya.

Nagtaka ako sa kung ano ang ibig niyang sabihin kaya di ko naiwasan ang magtanong.

"Ang alin, ang sumayaw? Di ko di ko alam? espirito ng alak," nakangising sagot ko sa kanya at patuloy na nag-syaw sa saliw ng musika.

"No," sagot niya sa akin.

"Ehh ano?" Kunot-ang noong tanong ko sa kanya.

Nahihilo na nga ako dahil sa nainom pinag-iisip niya pa ako.

"How can you look cute and sexy at the same time?" nakangiting sabi niya.

Napatingin ko sa kanya pakiramdam ko ay naghang ang utak ko sa sinabi niya. Lasing na nga siya kasi kung anu-ano na ang kanyang sinasabi.

"Loko-loko anung pinag-sasasabi mo, lasng ka na nga." Natatawang sabi ko pero medyo medyo naasiwa ako.

"Naka-inom lang, but I'm not drunk." Paglilinaw niya.

"Weh?" Sagot ko sa kanya.

Muli na naman niya inilapit ang bibig sa tenga ko.

"I think you are my type," bulong niya sa tenga ko. 

Tumindig ang mga balahibo ko sa katawan dahilsa ginawa niya. Di ko alam kung anong ibig niyang sabihin, naguguluhan ako.  Dahil siguro nakainom siya kaya niya nasabi ang mga iyon.

"Are you trying to hit on me?" Pabirong tanong ko sa kanya.

"Umupo na nga tayo, kung anu-ano na kasi sinasabi mo." Pag-aaya ko sa kanya saka ako  huminto sa pag sasayaw. Tatalikuran ko na sana siya nang pigilan niya ako.

Bigla niyang hinapit ang aking bewang gamit ang isa niya kamay upang mapalapit ako sa kanya. Ang isang kamay niya ay dumako sa batok ko, Di ko inasahan ang mga sumunod na nangyayari, Namalayan ko na lamang na magka dikit na ang aming mga labi.

Di ko nabilang kung ilang segundo ang lumipas bago ko mapagtanto ang ginagawa niya. Pilit ko kong inilalayo ang sarili ko mula sa kanya ngunit sobrang higpit ng hawak niya sa akin. 

Na-alarma ako nang maramdaman ko ang paggalaw ng labi niya sa labi ko. Lalong ko siyang pilit na pingatutulakan palayo.

Pakiramdam ko ay naharrass ako sa ginagawa niya. 

Naisip ko na lang na tapakan ang paa niya ng takong ng heels na suot ko. Naging epektibo naman iyo at lumuwag ang pagkakawak niya sa akin at buong pwersa ko siya itunulak palayo sa akin.

Tinitigan ko siya ng masama, at nakita ko ang sumisilay na ngiti sa labi niya. 

Shit!

"Don't look at like that, I know you liked it." Nakangiting sabi niya.

Gago ka! Bwisit!Sira ulo!

Sa sobrang inis ko sa sinabi niya ay di ko na napigilan ang paglipad ng kamao ko sa mukha niya. Malakas ang pagkakasuntok na ginawa ko sa kanya dahilan para mawalan siya ng balanse at mapaupo sa sahig sa lakas ng suntok ko.

Nakuha no'n ang atensyon ng mga nagsasayaw sa paligid naming dalawa.

"Gago ka!" Malakas na sigaw ko sa kanya. Pakiramdam ko ang umakyat ang dugo go pataas.

Kitang-kita ko ang  gulat sa mukha niya, iniwan ko siyang nakatulala sa sahig.

Bwisit!

Wala na akong pakielam sa mga tao sa paligid niya na alam kong sinundan ako ng tingin. Bumalik ako sa kinauupuana namin kanina. Di ko na alam kung anong expression ng mukha ko nakatingin lang sa akin ang Boss kong impakto, si Sir Yuan at si Arthur. Marahil ay nakita nila ang ginawa ko kaya ganun ang itsua nila.

"Excuse me, uuwi na ako." Wlang emosyon na paalam ko sa kanila.

Tumango naman si Sir Yuan sa akin. Hindi ko na hinintay ang sagot ng boss ko, agad na lamang akong lumayas sa harap nila at lumabas sa lugar na iyon. 

End of Chapter Four

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status