Share

Kabanata 61

"P're, gumising ka na naman, oh! Napagkamalan na tayong magsyota. Nasisira na ang emahe ko!"

Niyugyog ko siya, baka sakaling magising, pero hindi talaga.

"Kapag hindi ako napag-asawa, ikaw talaga ang may kasalanan, P're!" Pukaw ko pa ulit sa kan'ya.

Bumuntong-hininga ako. Buhay nga siya. Humihinga ng maayos, pero hanggang ngayon, ayaw pa rin niyang magising. Comatose pa rin.

Maski ang mga doktor, hindi alam kung bakit hindi pa rin siya magising. Wala na namang ibang komplekasyon sa katawan niya. Ilang araw din siyang nanatili sa ICU, dahil nga nag-stop ang puso niya, pero lumaban pa rin siya. Tumibok pa rin ang puso, kahit katawan niya ay halos bumigay na at lantang-lanta na dahil sa gagawan ng hayop na si Romeo.

Sinuwerte lamang itong kaibigan ko at nagkataon na may mga diver na nakakita sa kan'ya. Dahil kung wala, sigurado akong tuluyan na siyang naglaho sa mundong ito.

Wala kasing nagawa ang paghabol namin dahil hindi pa rin kami umabot. Ni hindi na nga namin nakita ang yate kun
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status