Share

Chapter 106

Inilagay muna ni Andrea ang dala niyang bag sa may desk niya bago tumungo sa taas kung saan ang opisina ni Mr. Rodriguez na boss nila. Sa kanya pa rin nakatingin ang mga katrabaho niya ngunit hindi naman niya pinapansin pa 'yon. Ang kailangan niya na gawin ay makausap ang boss nila at masabi niya ang kailangan niyang sabihin dito na hindi naman siya ang nagpakalat ng balitang 'yon. Magkasama silang tumungo sa taas ni Gretta. Wala sa labas ng opisina ni Mr. Rodriguez si Ella Marie. Wala silang ideya kung nasaan ito ngunit nakabukas ang computer na nasa harap nito at may mga nakakalat na mga folder sa desk nito.

"Nasaan kaya si Ella Marie?" tanong ni Gretta kay Andrea nang dumating sila sa labas. Andrea shrugs her shoulders and said, "Hindi ko alam kung nasaan siya, Gretta. Siguro baka may pinuntahan lang saglit 'yon." Tumango si Gretta pagkasagot ng kaibigan niya sa kanya.

"So hihintayin natin siya na dumating, huh?" tanong nito kay Andrea na napakagat labi sa harap niya.

Andrea nodde
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status