Share

Chapter 110

Hihiga na sana si Andrea sa kanyang malambot na kama nang biglang tumunog ang cell phone niya na kaagad naman niya na kinuha. Pangalan kaagad ni Martin ang nabasa niya sa screen ng cell phone niya dahilan upang bumilis ang tibok ng puso niya. Nanlaki pa ang mga mata niya sa nakikita niya. Hindi siya makapaniwala na tatawagan siya ni Martin. Nakaramdam tuloy siya nang sobrang pagka-miss para kay Martin.

"Bakit ka napatawag? May problema ba?" mahinang tanong ni Andrea kay Martin sa kabilang linya na narinig niya na nagpakawala muna nang malalim na buntong-hininga bago tuluyan na sumagot sa tanong niya.

"Wala namang problema, Andrea. Kumusta ka pala?" sagot ni Martin sa kanya. Maging ang boses nito ay na-miss niya. Gusto niyang makita ang lalaking tinitibok ng puso niya ngunit wala namang dahilan upang magkita pa sila. Magkausap lang sila sa cell phone at wala siyang kaalam-alam kung bakit tumawag ito sa kanya.

"Maayos naman ako, Martin. Bakit ka nga pala napatawag ngayon, huh? Akala
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status