Share

Chapter 2

Kanina pa naiinis si Rhezi. She looked at her phone and pouted. She even tapped the table in front of her. She sighed. She was very impatient, especially if the thing was related to food.

Nasa canteen sila ng eskwelahan. Pagkatapos ng huling subject nila kanina ay agad na silang nagtungo roon. Malaki ang lugar at maraming bakanteng mesa at upuan. Malinis din itong tingnan dahil sa kulay puti nitong interior. Glass wall din ang dingding nito kaya kita ng dalaga ang tanawin mula sa kanilang kinaroroonan. 

She looked around the canteen and saw her best friend Mics at the counter, ordering food for them. Nasa unahan ito sa linya ng mga kakain ding estudyante. Iyon nga lang, mukhang matatagalan ito dahil sa dami ng pila ng mga estudyanteng naroon. 

“Ayos ka lang, Rhezaliza?” 

Sumimangot siya at binalingan ng tingin ang isa pa niyang kaibigang si Carmina. She rolled her eyes on her too. Kung hindi lamang ito Muslim ay aawayin na niya ito. She hated to be called by her first name. Mas gusto niya ang kaniyang palayaw na Rhezi. More classy and appealing. 

“Stop calling me that, Carmi!” may inis sa boses niyang wika sa kaibigan. 

Natawa naman ito ng mahina at inayos ang hijab nito. “Sorry, Rhezi.”

Rhezi sighed, again. Gutom na gutom na siya dahil hindi naman siya kumain ng lunch kanina. Bukod pa roon ay sinadya niya talagang hindi kumain. May dahilan siya kung bakit niya ginagawa iyon. Isang magandang dahilan. 

Sa naisip ay napangiti na lamang ang dalaga. Namumungay ang mga mata na tila ba nananaginip ng gising. Tumitibok-tibok din nang mabilis ang kaniyang batang puso. Kapagkuwan, ay magaan ang pakiramdam na nakapangalumbaba siya sa mesa habang may ngiti sa labi. 

“Kumain ka ba kanina, Rhez? Bakit mukha kang baliw d’yan?” tanong ng isa pa niyang kaibigang si Tin. Hindi na namalayan ng dalaga na pati ito ay nasa mesa na rin nila. 

Apat silang magkakaibigan sa kanilang eskwelahan. Ang Saint Benilde College na isang private school. Eksklusibo lamang ito sa mga mayayaman at kabilang na nga sila sa nabiyayaan ng swerte kapag pera ang pag-uusapan. 

Rhezi’s family owned a chain of hotels. Habang ang kaniya namang kaibigan na si Carmina ay isang Muslim princess na mula sa Malaysia. Her other friend Mics was a politician's daughter, while Tin's family was an old rich from the Visayas. 

Pawang matatalino rin ang grupo nila. They excelled in every curriculum in Grade Twelve. They competed in every competition outside their school. Regional or even international competition. They won because they were smart. At siya ang pinakamatalino sa lahat. Iyon nga lang, siya rin ang pinakamabigat. 

Sinamaan ni Rhezi ng tingin ang kaibigang si Tin. Tumaas rin ang kilay niya, kapagkuwan. Natawa muli ang kaibigan niyang si Carmina kaya maging ito ay binalingan niya ng tingin at tinaasan ng kilay. Surely, Tin and Carmina were both beautiful. May kaniya-kaniyang ganda ang mga ito at style. Even her friend Mics was also beautiful. 

“Why are you here, Tin? Akala ko ba may date kayo ng jowa mo?” mapang-asar na tanong niya dito. Nang natigilan ito ay natawa siya ng mahina. “Break? Poor boy!” dagdag pa niya. 

Ito naman ang tumingin sa kaniya ng masama. “He cheated on me. What  should I do? Hindi ako martyr, noh!” inis na sagot naman nito. 

Nagkibit-balikat si Rhezi. Tiningnan niyang muli ang kinaroroonan ni Mics at nakitang papalapit na ito sa kanila. She smiled when she saw the large-sized pizza that Mics was holding and a coke in the can. Tiyak niyang masisira na naman ang plano niyang mag-diet. Wala munang diet-diet dahil gutom na talaga siya. 

“Ang tagal mo, ah!” salubong kaagad niya sa kaibigan na kakaupo pa lamang sa kaniyang tabi. 

Inilapag muna nito ang box ng pizza bago siya tinampal sa braso. “Ikaw kaya pumila roon. Alam mo nang gitgitan. Buti na lang, crush ako ni Kuyang cashier,” kinikilig na wika nito. 

“Eww!” sabay na sabi ng tatlo. 

“Tseh! Mga KJ!” sagot naman nito. 

Natatawa na lamang si Rhezi habang sinusulyapan ang lalaking tinutukoy ni Mics. Napapailing din ang dalaga dahil sa kaniyang naiisip. Payat kasi ang lalaki sa counter at hindi naman gaanong kagwapuhan. Malayong-malayo sa bago niyang crush. Napailing na binalingan na lamang ng dalaga ang pagkain. 

They ate in silence. Parang may kaniya-kaniyang mundo at hindi magkakakilala. Kaniya-kaniyang kuha sa pizza na nasa kanilang harapan. Walang pansinan o imikan. Halatang gutom mula sa mahabang klase. 

“In love yata itong si Rhez. Kanina pa nakangiti, eh. Adik lang!” komento ng kaibigan niyang si Tin. 

Bago sinagot ang akusasyon nito ay isinubo niya muna ang huling piraso ng pizza na kaniyang hawak. Uminom din muna ang dalaga ng kaniyang coke bago ito hinarap. Kaagad ang pagtaas ng kaniyang kilay. 

“What do you mean?” inosenteng tanong niya sa kaibigan. Sinulyapan niya rin ang dalawa pang kaibigan na tapos na rin sa pagkain. 

“You keep on blushing and smiling like an idiot, girl. Duh!” Pinaikot nito ang mga mata. “Sinong crush mo? Baka pwedeng pa-share?” dagdag pa nito. 

“Ayaw ko nga!” 

Mabilis na natutop ng dalaga ang bibig. Kinagat niya ang pang-ibabang labi at tiningnan ang mga kasama sa mesa. Pawang mga nagulat ang mga ito at laglag ang panga. Gusto sanang matawa ng dalaga ngunit hindi sa pagkakataong iyon. Buking na siya sa sekretong gusto niyang itago sa mga ito. 

“Who?” tanong ni Mics. Halata ang kuryusidad sa mga mata nito.

Walang nagawa si Rhezi kundi sabihin ang lahat sa mga kaibigan. Ikinuwento niya sa mga ito ang unang beses na nakita niya ang kaniyang crush. Kung paano nito nagawang mapabilis ang tibok ng kaniyang puso at kung gaano ito kagwapo. Perpekto pa nga para sa kaniya. Iyon nga lang, pitong taon ang tanda nito sa kaniya.

“Amazing!” wika ni Tin na tila kinikilig. 

“Tsk! Magkakagusto ka na lang sa imposible pa! Hay, naku! Umuwi na nga, tayo!” suhestiyon naman ni Mics. 

Sumimangot ang dalaga. “Walang imposible, noh! I am Rhezaliza Lagdameo. Nothing is impossible to me. Remember that!” 

“Taray! Magpapayat ka muna!” sagot naman nito. 

“Why are you like that, Mics? Nakakainis ka!” reklamo ng dalaga. Umakto pa itong nasasaktan.

Biglang tumayo si Rhezi. Totoong mataba siya dahil mahilig siya sa chocolate. Bukod pa roon, mahilig din siya sa softdrinks at heavy meals. Hindi naman siya ganoon kataba. She was chubby, not obese. 

“Let’s go, guys!” aya ni Tin habang bitbit ang mamahaling shoulder bag

Naunang maglakad si Rhezi papalabas ng canteen. Sumunod din ang kaniyang mga kaibigan na umiiling na lamang na nakatanaw sa dalaga. Alam ni lang bad mood na naman ito dahil sa kanilang ginawa. They were just teasing her but she was very serious. Lalo na kapag ang timbang ang pag-uusapan. 

Bitbit ang mamahaling shoulder bag at mga gamit sa eskwelahan ay naglakad ang apat na magkakaibigan. Pinagtitinginan kaagad sila ng mga kapwa estudyante sa campus. They were wearing their school uniforms. Puting polo shirt na may logo ng kanilang school sa may dibdib at isang plain navy blue skirt na hanggang itaas ng tuhod ang haba. Exception nga lamang ang kaibigan nilang si Mina dahil slacks ang suot nito. 

“Mauna na ako sa inyo. May pupuntahan pa kasi ako,” wika ng kaibigang si Mina. Kakarating lamang nila sa waiting area ng school. 

Rhezi was sitting on the chair and looked at her Swarovski watch. Regalo iyon ng kaniyang Mommy noong nanalo siya sa Quiz Bee ng eskwelahan. Nakita ng dalaga na mag-aalas-singko na rin ng hapon. She looked at Mina and nodded. Maging ang dalawa niyang kaibigan ay tinanguan niya rin. Alam niyang malapit na ang sundo niya kaya mauuna na siyang magpaalam sa mga kasama. 

“Where are you going, Mina? Hindi ka pa ba tapos d’yan sa pagiging fanatic mo sa banda ni Uno?” nakakunot ang noong tanong ng dalaga sa kaibigan. 

Umiling ito. “Mauna na ako.”

Tinanaw na lamang ng dalaga ang papalayong pigura ng kaibigan. Bitbit nito ang shoulder bag habang mabilis ang mga hakbang. Halata sa kilos nito ang pagmamadali. Napailing si Rhezi. Mina was in big trouble. Kung totoo man ang hinala niya. 

               Natigil ang anumang iniisip ni Rhezi nang tumunog ang kaniyang cellphone. Nang tingnan niya iyon ay isang hindi nakarehistrong numero ang kaniyang nakita. She canceled the call, but the caller was very persistent that she didn't have a choice but to answer it. 

               “Hello?” tanong ni Rhezi sa kabilang linya.

               “Where are you?”

                Tumigil ang pagtibok ng puso ng dalaga. Napakurap siya at tiningnang muli ang screen ng kaniyang cellphone. Hindi man niya nakikita ito, kilala naman niya ang boses niyon. Sino ba namang hindi? Naging habit na niya ang pagiging stalker ng bago niyang crush. Ang dahilan kung bakit siya magpapapayat. Ang dahilan nang pagbilis ng tibok ng kaniyang batang puso. 

                Si Kraius Montreal.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status