" Guys, alam niyo na 'yong balita? Uuwi raw pala ng bansa si Sir Nicolas? " ang bungad saamin ni Jana nang sabay-sabay kaming maupo sa paborito naming mesa sa cafeteria." May welcoming party daw sa Saturday kaya half-day lang tayo noon. Night pool party daw. True ba? "" Night pool party? Saan mo naman nakalap 'yang balita na 'yan? " Natatawang tanong ni Ruiz. " Company dinner ang mangyayari, walang party. "Nawala ang liwanag sa mukha ni Jana. " Ay we? Akala ko ba naman party. Nag-iisip na ako ng outfit ko sa Saturday, eh. Muntik na akong mag order ng swimsuit. "Hindi ko maiwasang matawa. " Semi-formal dinner 'yon, Jana. Sige, try mo mag suot ng swimsuit, may pool naman sa venue. Malay natin, baka puwedeng maligo roon? Tumalon ka na lang. "" Baka kapag ginawa ko 'yon, kinabukasan wala na akong trabaho. " Napanguso si Jana. " My gosh, kinakabahan na ako sa susunod na linggo pa lang. Imagine, dalawang Delgado na ang nandito sa office natin? Nakakatakot huminga. "" Bakit ka naman na
" Stepsister niyo si Jullie? " hindi ko napigilan ang sarili na magulat sa rebelasyon mula sa isang Delgado tungkol sa sikreto ng pamilya niya. " So, ibig sabihin si Ma'am Jazmine ay..." " Step-mom ko, " pagpapatuloy ni Sir Joaquin. " Seven years old ako nang mamatay ang real mom ko. Ilang months lang, lumitaw bigla si Tita Jazmine kasama si Jullie na two years old na noon—anak nila ni Papa. " Umawang ang bibig ko. Hindi ko inakala na malalaman ko ang sikreto ng pamilyang Delgado na galing pa mismo sa bibig ng isang Delgado. Ang alam naming lahat, isang perpekto at masayang pamilya ang mayroon si Sir Nicolas dahil sa totoo lang, mabait naman si Ma'am Jazmine noong mga panahong bumibisita ito sa kompanya noong nandito pa sila. Si Jullie naman, kaya hindi ko siya agad nakilala noong nakaraang araw ay dahil ang laki ng pinagbago niya. Iba nga ang hangin sa ibang bansa. " So, ang dahilan kung bakit ka sinuntok ni Sir Nicolas ay dahil sa kanila? " paniniguro ko dahil sa totoo lang, hind
Kagaya ng inaasahan, naging mailap nga saakin sina Mama at Papa kinabukasan. Hindi nila ako kinakausap, pero nang mag umagahan, pinatawag ako sa kuwarto para sumabay kumain sa kanila. Naging tahimik ang mesa, ramdam ko 'yong awkwardness kaya binilisan ko ang pagkain para makaalis agad ako at bumalik ang nakasanayang sigla sa hapag-kainan.Maghapon akong nagkulong sa kuwarto, si Zachary at si ate Zekainah lang ang kumakausap saakin. Si Papa, pinapansin naman ako pero nanginginig ako sa lamig ng pakikitungo niya saakin. Si Mama, ni hindi ako tinatapunan ng tingin at para lang akong hangin sa bahay. Wala naman akong reklamo doon dahil kasalanan ko naman kung bakit naging ganoon ang pakikitungo nila saakin. Alam kong huhupa rin ang galit nila, pero hindi ko alam kung hanggang kailan sila mananatiling ganiyan." Tendy..." Napatingin ako kay Colleen na may hawak na balat ng candy. Wala ngayon si ate Zekainah, abala sa paglalako ng mga paninda niya kaya saakin muna pinaalagaan ang anak niya.
Naging tahimik ang mesa namin matapos kong sabihin sa mga kasama ko ang sitwasyon ko ngayon. Lahat ay nagulantang maliban kay Terrence. Hindi sila makapaniwala na ganoon kalaki ang sinekreto ko sa kanila sa loob ng apat na buwan. " So, sino 'yong ama? " tanong ni Jana matapos ng ilang minutong katahimikan. Mukhang hindi pa nga nag s-sink in sa kaniya ang lahat dahil lukot pa rin ang hitsura ng mukha niya. " Hindi ko pa masasabi sainyo kung sino siya. Baka kasi maging uncomfortable at awkward sa opisina kapag nalaman niyo kung sino siya. " " Ha? So, ibig mong sabihin, nasa company natin 'yong lalake? " Takhang tanong ni Ruiz. " Sino doon? Saang department? " " Hindi ba si Terrence? " sunod na tanong ni Jana saka tumingin kay Terrence. " Hoy, baka ikaw 'yong lalake ha? Aminin mo na. " " Jana, hindi si Terrence, " saad ko, " Hindi ko pa puwedeng sabihin sainyo kung sino siya dahil hindi ko pa rin nasasabi sa kaniya 'yong tungkol dito. " " Bakit hindi pa? Anong hinihintay mo? " ta
" Tungkol sa nangyari saatin noong gabing 'yon, mayroon kayong dapat na malaman... " Binalik ko 'yong takip ng garapon sa pinagkuhanan ko ng sunflower seeds. Huminga ako nang malalim bago muling tumingin sa kaniya. Hindi ko alam kung anong sunod na mangyayari pero nakahanda akong tanggapin kung ano man ang magiging desisyon niya. Nakahanda akong tanggapin kung anong magiging daloy ng usapan namin. " Zenaida, anong ginagawamo rito? Naglilihi—oh, sorry..." kapwa kami napatingin ni Sir Joaquin sa pinto sa biglaang pagpasok ni Jana. Para siyang nakakita ng multo nang makita kung sino ang kausap ko. " N-Nandito pala kayo, Chief—este, President. Magandang umaga sainyo... " Kita ko ang bagot sa mukha ni Sir Joaquin na tumango lang kay Jana bago ilipat ang tingin saakin. " Sinong naglilihi? " Napalunok ako. Hindi sa ganitong paraan ko gustong malaman niya ang tungkol sa pagdadalang tao ko! " A-Ako po. Naglilihi ako. " Nagtaas ng kamay si Jana saka lumakad palapit saakin. " Nagpasabay po
Isang casual interview lang naman ang nangyayari pero propesyonal at pormal pa rin kung magsalita ni Sir Nicolas sa bawat tanong na binibitawan ko. Solo niya lang ang ang spotlight, sa kaniya nakatutok ang ilaw at camera pero ako 'yong tensed sa kinauupuan ko habang hawak ang isang papel kung saan nakalatag ang mga questionnaire. Sa library namin napiling pumwesto dahil bukod sa tahimik, habol rin ng mga kasama ko 'yong magandang background. " Next question po. Ano 'yong pinaka memorable na documentary na ginawa ninyo sa ilang dekada bilang isang mamamahayag? " sunod kong itinanong. " All of them. " Mabilis niyang sagot. " Lahat ng ginawa ko ay memorable saakin. Kung tama ang pagkakaalala ko, nasa 65 ang lahat ng documentary films na nagawa ko simula noong pasukin ko ang field na ito—kasama na sa bilang na 'yon ang mga naging proyekto ko noong nasa kolehiyo pa pa lang ako. Bawat tao, may kuwento. Sa bawat kuwento, may aral. Lahat ng 'yon, may espesyal na puwang sa puso ko. " " Pero
Naghari ang halos isang minutong katahimikan sa kuwarto kung nasaan kami ngayon. Diretso ang aking tingin sa mata ni Sir Joaquin na mababakas ang gulat at kalituhan sa binitawan kong tanong. Ngumiti ako at lumakad palapit sa sopa para maupo roon. Hindi pa rin siya nagsasalita, mukhang hindi niya inaasahan 'yon kaya muli kong dinugtungan ang tanong ko. " Anong plano mong gawin saamin? Pananagutan mo ba ako o itatanggi mo—" " S-Sandali nga. Magkaliwanagan tayo, Zenaida. " Hinarap niya ako at umalis mula sa pagkakaupo niya sa swivel chair. " May katotohanan ba 'yang tanong na binibitawan mo? " " Ano sa tingin niyo? " " Zenaida, huwag mo akong sagutin ng panibagong tanong. Oo o hindi lang ang isasagot mo, " kitang-kita ko ang tensyon sa mukha niya. Malikot ang mga matang nakatingin saakin habang may butil-butil na pawis sa noo niya. " Ako ang unang nagtanong sa'yo, Joaquin. Hindi mo pa nga 'yon sinasagot, 'di ba? " Kalmado kong wika habang nakatingin nang tuwid sa kaniya. " Uulitin
" Hindi tayo magsasama? " hindi ko alam kung bakit nagulat siya sa sinabi ko. Ano bang inaakala niya? Magsasama kami sa isang bubong dahil nabuntis niya ako? " Hindi ba't pabor naman sa'yo 'yon? " tanong ko pabalik saka umayos ng paagkakaupo sa sopa nang hindi inaalis ang tingin sa kaniya. " Technically speaking, iyon naman talaga ang dapat na gawin natin, pero alam kong hindi ka naman papayag doon. " " Tinanong mo muna ba 'ko bago mo nasabing hindi ako papayag? " Kumunot ang noo ko. " Gusto mo bang matali sa taong hindi mo naman mahal? Nakahanda ka bang bitawan ang buhay-binata mo oras na ipakasal tayo at magsama sa iisang bubong?" Hindi niya magawang sumagot. Parang ang dami niyang gustong sabihin pero hindi niya alam kung paano ito ilalabas. " Joaquin, binibigyan na kita choice dahil ayokong mauwi sa magulong buhay ang magiging anak natin. Hindi mo ako kailangang pakisamahan o pakasalan dahil pareho naman nating alam na one night stand lang ang nangyari saatin. Sapat na saaki