Mga bandang alas onse na ng gabi no'ng hindi pa rin bumabalik si Cedrick. Tatlong oras na ang nakalipas simula no'ng mag away kami kanina kaya nag aalala na ako. Inaantok na ako kaso hindi ko maiwasang hindi isipin kung anong ginagawa niya ngayon sa labas o kung natutulog na ba siya? At kung natutulog na nga siya, saan siya natutulog?Wala nang available na room kaya impossibleng kumuha siya ng isa pang room para do'n matulog. At kung nagpapahangin man siya sa labas para magpalamig ng ulo, impossible namang aabutin siya ng tatlong oras do'n.Parang hindi na yata tama 'to. Iba na 'yong kutob ko, e.Hindi ko rin alam kung bakit pinag aalala ako ng isang 'yon ngayon.Bumangon ako bigla sabay sabing, "Baka naman nakitulog siya sa friend niya?"Nang maisip ko 'yon ay muli akong bumalik sa pagkahiga tsaka sinubukang matulog pero nang hindi pa rin ako matahimik sa kakaisip sa kanya ay bumangon ulit ako at lumabas para mag masid masid sa paligid. Baka kasi nando'n lang siya habang nag papala
Isa lang ang tanong na nasa isip ko ngayon.Walang iba kundi ang 'Anong ginagawa nila rito?'Parang wala naman akong nabalitaang susunod sila rito. Kasi in the first place, wala namang sinasabi sina Mama na susunod si Kuya rito at kahit siya wala ring sinabing susunod siya rito. Kasi sa pagkakaalam ko, hindi naman siya interesado sa mga ganito."Bakit nandito kayo?" tanong sa kanila ni Cedrick.Kagaya ko, nagulat rin siya no'ng makita sila rito. Lalo na no'ng makita niya si Jennie.Lumapit naman si Jennie sa kanya sabay hawak sa braso niya sabay sabing, "Of course, na miss kita kaya ako sumunod dito." sagot ni Jennie.Napatingin naman ako kay Kuya na hanggang ngayon magkasalubong pa rin ang mga kilay habang nakatitig sakin na animo'y lalamunin ako ng galit. Hindi ko tuloy alam kung anong klaseng kasalanan ang nagawa ko at galit na galit ang mga titig niya.Siguro kasi hanggang ngayon hindi niya makalimutan na sinagot sagot ko siya kagabi no'ng nag video call kami."Bakit nandito ka,
Napatayo ako ng dis oras matapos niyang sabihin sakin na dito kami magpapalipas ng gabi dahil wala kaming masasakyan pa uwi."Pero hindi naman pwedeng dito tayo magpapalipas ng gabi. Pwede naman tayong mag commute na lang muna."Umiling si Cedrick sa sinabi ko. No'ng una akala ko umiiling lang siya kasi hindi siya sumasang-ayon sa sinasabi ko pero mas malala pa pala do'n."Wala na tayong masasakyan papunta sa resort nang ganitong oras." sagot niya na ikinagulat ko naman.Ano raw? Wala na kaming masasakyan nang ganitong oras? "Bakit naman? Impossible naman 'yon.""Wala ng bus na bumibiyahe rito nang ganitong oras, ano."Napatingin ako sa relo ko. Mga bandang alas sais na rin 'yon.At talaga bang wala ng bus na bumibiyahe nang ganitong oras?Naks! Ang malas naman, o!"So san tayo magpapalipas ng gabi?" tanong ko sa kawalan ng pag asang makakabalik pa kami ng resort."May alam akong hotel dito. Kaso lang malayo. Lalo na't maglalakad lang tayo."Napahilamos ako sa mukha, "Bakit ba kasi n
Kinaumagahan, kinuha na namin 'yong cellphone ko sa repair shop at pagkatapos no'n ay umuwi na kami. Mga bandang alas diyes ng umaga no'ng makabalik kami sa resort.Pagdating namin, wala si Kuya do'n at tanging si Jennie lang ang nando'n. Nag usap sila ni Cedrick at ako naman deretcho lang sa room at nagpahinga dahil sa sobrang pagod sa biyahe. Maya maya pa ay pumasok si Jennie at nagtaka naman ako kung bakit siya naka ngiti kaya naman napatanong ako sa kanya."Ba't ka nakangiti?"Biglang takbo sakin si Jennie at niyakap ako sabay sabing, "Okay na ulit kami!!" nang nakangiti.Natuwa tuloy ako dahil sa narinig ko mula sa kanya. Hindi ko alam kung anong nakain ni Jennie at niyakap ako bigla. E, hindi naman kami ganito ka close para yakapin niya ako nang ganito. Pero okay na siguro 'yong ganito kami, at least, alam kong hindi na rin umiinit ang ulo niya sakin."Bati na kami, kinausap niya ako ngayon lang. Sobrang saya ko, Kendall!!" dagdag pa niya bago niya inalis ang mga yakap niya at
Alam ko na ang totoong ikaw, Paula.Nagpaulit ulit sa tenga ko ang sinabi ni Cedrick ngayon lang.Hindi ako makapaniwalang alam na niya ang totoo na hindi ako si Kendall.Hindi ko alam kung saan o papano niya nalaman 'yon. Pero natatakot ako ngayong alam na niya kung sino nga ako kasi baka ipagkalat niya 'yon sa lahat. At baka isipin pa niya na kaya ko kinakalaban si Jennie noon dahil gumaganti ako sa kanila which is totoo naman talaga 'yon.Pero ngayong alam na niya, hindi ko na alam kung papano ko lulusutan 'to.Lalo na't siya itong kaharap ko ngayon, ang ex ko na isa sa mga naging dahilan kung bakit ako pumayag na magpanggap bilang si Kendall sa kagustuhan kong makaganti.Pero ang tanong, bakit niya ako niyakap ngayong alam niyang ako si Paula? May dahilan ba para yakapin niya ako nang gano'n? Kasi in the first place, wala naman. Ang ine-expect ko pa nga kapag nalaman niya ang totoo ay magagalit siya sakin, ipapahiya niya ulit ako sa harap ng maraming tao at sabihing nagpanggap a
Agad na binitawan ko ang cellphone ko at muling nagpatuloy sa pagkain nang hindi nililingon sina Kuya na kanina pa pala nakatitig samin ni Cedrick habang busy kami sa pag uusap sa text.E, kung bakit ba kasi nawala sila sa isip ko bigla? Nakalimutan ko tuloy na kumakain pa pala kami at tanging ang focus ko lang ay nasa cellphone ko.Hindi ko tuloy alam kung obvious ba na ka text namin ang isa't isa.Tumawa pa kami nang sabay habang nakatitig sa kanya kanyang cellphone, hindi ba't parang obvious 'yon?Arrgg!!Tinusok ko ng tinidor ang karneng nasa plato ko dahil sa na badtrip ako. At dahil do'n, mas lalo kong naagaw ang attensyon nila."Okay ka lang?" tanong sakin ni Jennie habang nakatitig sa karneng tinusok ko gamit ang tinidor.'Yong reaksyon ng mukha ni Kuya e, parang walang gana sa buhay habang nakatitig din do'n.Napalunok ako ng laway tsaka pilit na ngumiti sa kanila sabay tango."Oo naman. Hehe." sagot ko kay Jennie.Buti na lang at hindi na niya tinanong kung may galit ako sa
Pahikab hikab ako habang nagliligpit ng mga gamit para umuwi na. Tapos na ang araw ng bakasyon namin ni Cedrick dito at ngayong araw na ang balik namin sa kanya kanyang bahay.Tumawag pa sakin 'yong Mom ni Kendall kanina at kinakamusta 'yong bakasyon namin ni Cedrick. Siyempre, ako itong isang dakilang magaling magsinungaling para lang lusutan at pagtakpan lahat ng mga nangyare dito habang nasa bakasyon kami. Sinabi kong ayos lang ang lahat at sobrang ganda ng lugar. Dinagdag ko pa 'yong sobrang sayang kasama ni Cedrick para lang matuwa ang parents niya sa naging feedback ko kahit na hindi naman talaga totoo mga sinabi ko. Ang ganda ng place pero hindi naman talaga ako nag enjoy. Para ngang hindi bakasyon itong pinunta ko rito, e. Hindi man lang ako nakapag relax at nadagdagan pa problema ko. Pagkatapos kong mag ligpit ay lumabas na ako dala dala ang maleta ko at nagpunta na sa kotse na naka abang sa labas. Wala pa si Kuya at feeling ko nagliligpit pa siya ng mga gamit niya hanggang
Hindi ko alam sa sarili ko pero bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko no'ng sinabi niya 'yon.Bakit ba kasi kailangan 'yon pa ang sasabihin niya no'ng nalasing siya kung hindi naman pala 'yon totoo? Kung ano ano na 'yong mga inisip ko dahil sa sinabi niyang 'yon tapos sa huli malalaman ko lang na kaya niya 'yon nasabi kasi lasing siya?Ang sakit. Ang sakit sa pakiramdam na mabigo ka sa expectations mo. 'Yong akala mo totoo na, hindi pa pala.Dapat pala kasi hindi agad ako nag assume. Dapat hindi ko sineryoso 'yong sinabi niya kasi lasing naman siya no'n at may possibility na hindi totoo 'yon. Pero heto ako, nag assume at nag expect na totoo 'yong sinabi niya na nagseselos siya samin ni Cedrick. Ang tanga ko. Umabot pa sa point na inisip ko na baka gusto nga niya ako. Isa akong malaking tanga pagdating sa karupukan. Ngumiti ako ng pilit sa kanya para matakpan itong sakit na nararamdaman ko at para ipakitang ayos lang ako. "Kuya, bakit nag e-explain ka?" kunware natatawa kong s