Share

Chapter 29

Hindi na ako magugulat pa sa inaasta sakin ngayon ng Mommy niya. Kung iniisip niyang pera lang ang habol ko, pwes! nagkakamali siya.

Nanginginig ako ngayon habang kaharap ang Mommy ni Flynn. Pero nilalabanan ko ang takot ko para ipakitang hindi ako basta bastang napapa Oo nang dahil sa pera.

Hawak hawak ko ngayon ang cheque at hindi ko alam kung anong gagawin ko rito.

Natatakot ako ngayon pero hindi ko lang pinapahalata sa kanya. Imbis na matahimik lang ako dahil sa sinabi niyang layuan ko ang anak niya ay humugot ako ng lakas ng loob para sagutin siya.

Huminga ako nang malalim, inangat ko ang mga ulo ko at binigyan ng masamang tingin at nakipaglabanan ng mga titig do'n sa mga titig niya.

"Pasensya na po kayo, pero hindi po pera ang habol ko sa anak ninyo." saad ko at napangiwi naman ang Mom niya.

Nakita ko sa mukha nito na hindi siya naniniwalang hindi pera ang habol ko kay Flynn.

"Kung hindi pera ang habol mo sa anak ko, impossible 'yon. Baka naman kasi kulang pa ang isang milyon
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status