Share

Chapter 2

Pabalik balik ako ngayong naglalakad habang iniisip 'yong sinabi sakin ng matanda kanina.

Magpapanggap ako bilang apo niya?

Papano ko naman gagawin 'yon?

Oo, magkamukha nga kami ng apo niya no'ng pinakita niya sakin ang litrato ng apo niya kanina. Medyo lamang nga lang siya ng ilang ligo pero pwede na rin. Mas matangkad lang siya ng kunti kasi mas matanda siya ng dalawang taon sakin at nasa college na siya.

At kung sakaling pumayag ako na magpanggap bilang apo niya sa harap ng maraming tao, kailangan kong magpanggap bilang isang college student na matalino.

Naks! Hindi ko kaya.

Bakit ba kasi 'yon pa?

Ang magpanggap bilang si Kendall na apo niya sa harap ng family, relatives at sa maraming tao? Feeling ko hindi ko talaga kaya.

Hindi alam ng mga magulang ng apo niya na na aksidente ang anak nila. Car accident ang dahilan ng lahat  at hanggang ngayon hindi pa rin siya gumigising.

Nasa ibang bansa ang mga magulang ni Kendall dahil inaasikaso nila ang kumpanyang pinag mamay-arian nila ro'n at ayaw ipaalam ng matandang 'yon na na aksidente si Kendall dahil ayaw niyang mag alala ang mga magulang nito.

Pero kung ako ang tatanungin, mas mabuting ipa-alam pa rin sa kanila kasi magulang sila at karapatan nilang malaman ang lagay ng anak nila.

Hays, ang mga mayayaman talaga, walang ibang inaatupag kundi puro kayamanan. Mas mahalaga pa  sa kanila ang mga ari-arian kaysa sa anak nila.

Sinabi ko kay Mira lahat ng sinabi sakin ng matanda kanina at kahit siya nagulat rin no'ng sinabi kong kamukha ko ang apo nila. Hindi rin siya makapaniwala kagaya ko.

"Ano na, papayag ka ba?" tanong sakin ni Mira.

"Hindi." sagot ko. "Natatakot ako sa mga ganyan. What if ma bisto ako kasi hindi ko naman alam kung ano ang buhay ng mga mayayaman."

Hinawakan ni Mira ang dalawang kamay ko sabay sabing, "Pero kailangan mo ng pera, Paula."

"Alam ko. Pero maghahanap ako ng trabaho. Marami pa namang ibang trabaho d'yan."

Kinuha sakin ni Mira 'yong contact number na binigay sakin ng matanda kanina at tiningnan 'yon.

"Pero Paula, sinabi mo na nag offer siya ng malaking pera, hindi ba?" tumango ako. "Sa laki no'n, pakiramdam ko ang sahod na kikitain mo pag naghanap ka ng ibang trabaho ay katumbas na ng isang taon no'n."

Napaisip ako matapos sabihin ni Mira 'yon.

May point siya. Malaki nga ang perang inoffer sakin ng matanda kanina. Sinabi pa niyang kapag pumayag ako na magpanggap bilang apo niya, ililipat niya sa magandang ospital ang lola ko. Sagot na rin niya lahat ng gastuhin at wala na akong po-problemahin pa kapag pumayag ako na magpanggap bilang si Kendall.

Kaya lang, hindi ko alam kung magagawa ko bang magpanggap bilang apo niya sa harap ng lahat.

Pakiramdam ko, hindi ko talaga kaya.

Napahilamos ako ng mukha habang nag iisip kung papayag ba ako o hindi.

Kapag tumanggi kasi ako sayang ang pera. Tapos ililipat pa si Lola sa magandang ospital. Sayang ang opportunity kapag tumanggi ako.

Kaso lang kasi ang hirap ng pinapagawa sakin. Magsisinungaling ako sa totoong pamilya ng apo niya at sa maraming tao kapag nagpanggap ako.

Tinapik ako ni Mira sa balikat dahilan para mapatigil ako sa pag iisip at lingunin ko siya.

"Kung hindi ka pa sure, mas okay kung pag isipan mo na lang muna." aniya. "Hindi kita pinipilit na tanggapin mo 'yong offer nila. Pero kung Lola mo 'yong pag uusapan, feeling ko, magandang opportunity na 'yon." dagdag pa niya.

May punto si Mira. Kapag inilipat si Lola sa magandang ospital, madali siyang gagaling. At matutuwa ako kapag gano'n.

Napatingin ako kay Mira, "Tingin mo, magagawa ko kayang mag panggap bilang si Kendall?" kabadong tanong ko.

Hinawakan ni Mira ang kamay ko ng sobrang higpit at naglabas siya ng isang ngiti bago niya sinagot ang tanong ko.

"Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan." nakangiting sagot niya.

Napa buntong hininga ako at nag isip.

Pinag isipan ko ng maigi lahat lahat. At siguro tama si Mira, hindi ko malalaman kung hindi ko susubukan.

At gagawin ko 'to alang-alang sa lola ko.

Tumayo ako at naglabas ng isang malalim na buntong hininga tsaka ko tiningnan si Mira.

"Nakapag desisyon na ako. At buo na ang loob ko. Pumapayag na ako." sabi ko at napangiti naman si Mira.

Kinuha ko ang calling card na binigay sakin ng matanda kanina tsaka ko siya tinawagan at sinabi sa kanya na pumapayag na ako magpanggap bilang apo niya.

Natuwa naman siya at pinapunta ako sa office niya at tsaka kami nag usap tungkol sa mga gagawin ko.

Binigyan niya ako ng isang makapal na notebook kung saan nakasulat do'n ang pangalan ng mga magulang ni Kendall, birthday ni Kendall, course ni Kendall at lahat ng tungkol kay Kendall na kailangan kong tandaan.

Pinapunta niya ako sa ospital kung saan naka confine ngayon si Kendall. Nakita ko siyang nakahiga na parang natutulog lang. Tama nga, magkamukha nga kami. Pero mas maganda siya kaysa sakin. Siguro isa siya sa mga kamukha ko rito sa mundo. Kasi sabi nila marami naman talaga tayong mga kamukha rito.

"Siya ang apo ko." saad ng matanda. "Matalinong bata si Kendall at wala siyang ibang inaatupag kundi ang pag aaral niya at pangarap niyang ipagpatuloy ang business na nasimulan ng family niya balang araw."

Napatingin ako sa matanda matapos niyang sabihin 'yon.

Nakakainggit naman ang apo niya. Balang araw mamanahin niya ang business nila nang walang ka proble-problema. Samantalang ako hindi ko alam kung ano nga ba ang pangarap ko at kung saan ako mag t-trabaho balang araw.

"Pero... Wala po akong alam sa mga ganitong bagay. Hindi rin po ako matalino kagaya ng apo ninyo. Wala po akong alam tungkol sa business kagaya ni Kendall—" napatigil ako sa pagsasalita no'ng tumawa ang matanda at sumenyas na parang himihindi.

"Sa ngayon, hindi pa pinapahintulutan si Kendall na magkaroon ng mga gawain sa kumpanya. Pag aaral ang pina-priorities sa kanya ng mga magulang niya. At 'yon lang ang gagawin mo." paglilinaw niya.

Bigla akong kinabahan. Papano pala kung grade conscious itong si Kendall? E, hindi pa naman ako gano'n ka talino para mapantayan ang galing niya pagdating sa pag aaral.

Lalo na't business ang course niya. Wala akong alam sa mga gano'n dahil nasa highschool pa lang ako.

Muli akong napatingin sa matanda.

"Ah, Lolo, bakit po pala ayaw niyong ipa-alam sa mga magulang ni Kendall na na aksidente ang anak nila?" nagtatakang tanong ko.

Naguguluhan kasi ako kaya ako napapatanong ngayon.

"Ayokong mag alala sila. Lalo na't pagod rin sila sa pagt-trabaho at pag aasikaso sa kumpanya sa Thailand." sagot ng matanda. "No'ng nalaman kong na aksidente ang apo ko, natakot ako sa kung ano ang mangyayare sa kanya, hindi rin alam ng mga doctor kung kailan siya magigising. At hindi ko muna sinabi sa mga magulang niya ang tungkol sa nangyare. Kaya no'ng makita ko ang video mo, nakaisip ako ng paraan, since walang pinaglayo ang mukha niyo ng apo ko, naisipan kong kausapin ka para mag panggap bilang apo ko habang hinihintay ko siyang magising." pag ku-kwento niya.

Grabe! Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung bakit nga ba ayaw niyang sabihin sa magulang ni Kendall ang tungkol sa nangyare sa anak nila kahit na nasagot na niya ng dalawang beses ang tanong ko. Though, hindi ko naman dapat problema 'to pero nag o-overthink pa rin ako tungkol dito.

"Simula ngayon, Lolo na ang itatawag mo sakin." tapos napaturo siya sa makapal na notebook na hawak ko kung saan nakasulat do'n lahat ng tungkol kay Kendall, "At tandaan mo lahat ng mga nakasulat d'yan, dahil simula ngayon, hindi na ikaw si Paula at mamumuhay ka na bilang apo kong si Kendall."

Kagaya ng sinabi ng matanda, tinandaan ko lahat ng mga nakasulat sa notebook na 'to.

Simula ngayon, ako na si Kendall na anak ng isang mayaman. Isa na akong college student at hindi na highschool. 19 years old na ako at hindi na sixteen. Lalong lalo na, pumapasok ako sa isang University kung saan ako napahiya.

Pambihira!

Sa dinami rami ng University sa mundo, bakit do'n pa?!

Hmm... Sabagay, mga mayayaman lang ang nakakapag aral sa University na 'yon. At hindi na ako magtataka kung bakit do'n nag aaral si Kendall.

Hindi ako nababagay sa lugar na 'yon sabi ni Cedrick no'ng tinaboy niya ako. Pero ngayong sigurado na akong makakabalik ulit ako sa empyernong unibersidad na 'yon, humanda siya sakin.

Dahil maghihiganti ako.

Hindi man ako nakaganti noon bilang si Paula na mukhang pulubi sa paningin nila, magbabalik naman ako ro'n bilang si Kendall na isang anak mayaman.

Once I became a loser, but now i promise to myself na hindi na ako magpapatalo.

Pinapunta ako ng matanda sa isang magandang spa kung saan mag rerelax ako ngayon. Pagkatapos no'n, inayos nila ang buhok ko. Ginupitan nila ng maikli tapos kinulot at nilagyan ako ng manipis na bangs. Tapos mina-nicure nila 'yong kuko ko at nilagyan pa ng fake nails. Nag reklamo pa ako kasi baka maging useless lang kapag naglaba ako ng mga damit ko pero sabi ng matanda, hindi raw ako ang maglalaba ng mga damit ko sa bahay dahil meron na raw gumagawa no'n.

Ngayon ko lang naisip na ang sarap pa lang magkaroon ng isang kumportbleng buhay kagaya nito ngayon.

Minake over nila ako sa loob ng halos isang oras. Nilagyan pa ng contact lense 'yong mata ko. Hindi ako sanay sa ganito pero no'ng makita ko ang itsura ko sa salamin sobrang nagulat ako sa pinagbago ng itsura ko.

Ang buhok kong parang hindi nakaranas ng suklay dati, ngayon ay sobrang naka ayos na. May manipis na bangs ako at sobrang cute no'n. Tapos 'yong kilay ko hindi na nagiging parang sad kung titingnan dahil binawasan nila 'yon tapos 'yong mata ko naka contact lense na at ang ganda kung titingnan.

Habang pinagmamasdan ko ang repleksyon ko sa salamin, isang tanong lang ang nasabi ko sa utak ko. 'Yon ay ang 'Ako na ba 'to?'

Grabe! Talagang hindi ako makapaniwala!

Habang nasa biyahe kami papunta sa bahay nina Kendall, sinabi na ng matanda sakin na pinalipat na nila sa magandang ospital si lola. At natuwa ako dahil sa wakas hindi ko na pro-problemahin ang perang ipambabayad sa kanya. Tapos inilipat din si Kendall sa ibang ospital kung saan malayo sa lugar dito nang hindi nalalaman ng lahat. Para na rin maging safe ang pag papanggap ko bilang siya habang naka confine siya ro'n.

Pagdating namin sa isang malaking bahay, o kung pwedeng tawaging mansyon dahil sa laki at ganda nito ay hindi ko mapigilang hindi mapa mangha.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong bahay, sobrang ganda. Hindi ko akalain na makaka apak ako sa ganitong lugar. Na kung dati lang ay sa mga story book ko lang nakikita ang mga ganito. Hindi ko akalain na meron pa lang ganito sa totoong buhay.

Nakakainggit naman ang totoong Kendall.

Sinabi sakin ni Lolo kung nasaan ang kuwarto ko. Pumasok ako ro'n at nilagay ang isang maliit na bag na dala ko. Hindi na niya ako pinadala ng mga damit dahil simula ngayon mga damit na raw ni Kendall ang susuotin ko. Medyo nahiya pa ako kasi alam kong wala akong karapatang suotin ang mga damit niya lalo na't wala akong pahintulot sa kanya na suotin ang mga 'yon. Pero sabi nga ni Lolo, wag daw akong mag alala dahil siya na ang bahala sa lahat.

Sa ngayon ay ang gagawin ko lang ay ang mag panggap bilang totoong Kendall.

Tinuro niya sakin ang mga katulong at sinabi 'yong mga pangalan para makilala at matandaan ko sila. Tapos tinour niya ako sa buong bahay nang hindi nalalaman ng mga katulong. Kasi sa totoo lang, ako at si Lolo lang ang nakakaalam ng tungkol sa hindi talaga ako si Kendall. At ngayong nagbago na ang itsura ko, hindi na rin sila magdadalawang isip na hindi ako si Kendall dahil sa make over at hairstyle na ginawa sakin. Ginaya kasi ang hairstyle ko sa hairstyle ni Kendall kaya mas lalo ko siyang naging kamukha.

Bumalik ako sa kuwarto ni Kendall, umupo ako sa makapal at malambot niyang kama habang nakatingin sa picture ng Lola ko.

"La, kunting tiis na lang... Gagaling ka rin. At kapag nangyare 'yon, aalis na ako rito para magkasama na ulit tayo." sabi ko habang nakatitig sa picture ni Lola.

Maya maya pa ay tumayo ako at nagpunta sa isang malaking closet at binuksan 'yon. Halos mapanganga ako sa gulat no'ng makita ko ang nagagandahang damit ni Kendall sa loob no'n. Halos mamahalin lahat at hindi ko ma a-afford ang mga 'yon kahit pag ipunan ko pa sa loob ng isang taon.

Grabe! Napaka swerte talaga niya at nagkakaroon siya ng mga ganito ka mamahaling damit. Siguro kapag ako ang pinanganak na ganito, matutuwa ako ng bonggang bongga.

Hindi na niya kailangan problemahin ang pera sa araw-araw para pambili ng pagkain dahil may kinakain na siya. Hindi na rin niya kailangan magluto dahil may taga luto na sila. Ang sarap siguro ng ganitong buhay 'no. Sana pinanganak rin akong mayaman.

Lumabas ako ng kuwarto at para mag cr thought alam ko namang may cr do'n sa kuwarto ni Kendall. Trip ko lang puntahan ang ibang sulok ng bahay.

Habang naglalakad ako para hanapin 'yong banyo, may nakita akong bukas na pinto sa dulo na parti ng bahay. Hindi ko alam kung anong meron do'n kaya sumilip ako ng kunti.

Nakita kong sobrang dilim ng lugar na

'yon at may naaamoy akong pintura. Hindi ko alam kung may namimintura ba sa loob pero sa sobrang curious ko ay pumasok na ako para tingnan kung ano meron do'n.

Sobrang dilim pero nakabukas 'yong isang maliit na ilaw na nakapatong sa isang study table kaya kahit papano ay nakikita ko pa rin ang nasa paligid ko.

Nakita kong may painting do'n na mukhang kakatapos lang ipinta. Ito siguro 'yong naaamoy kong pintura.

Lumapit ako sa study table at nakita kong nakabukas ang isang pahina ng libro.

Hmm. Sino naman ang nag aaral dito?

Napatingin ako sa isang laptop kung saan may nakatatak na sticker do'n at nakalagay ang pangalan ni Kendall. Siguro laptop ni Kendall 'to—

"Ay kabayo!" sigaw ko sa gulat nang biglang bumukas ang ilaw.

Napatingin ako sa bandang pinto at nakita ko ang isang matangkad na lalakeng napaka puti at may matangos

na ilong.

Sino siya?

"Anong ginagawa mo rito?" malamig na boses niyang sabi nang makita ako.

Bigla akong kinabahan nang tanungin niya ako at hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.

Dahil sa kaba at nataranta na nararamdaman ko ngayon ay wala sa sariling kinuha ko ang laptop ni Kendall na nakapatong sa study table tsaka ko siya sinagot sa tanong niya.

"Kinuha ko lang 'to." kabadong sagot ko.

Lumapit siya sakin at umupo sa isang upuan sa harap ng study table at napatingin sakin.

Kinabahan ako no'ng magtama ang mga tingin namin kaya umiwas agad ako ng tingin.

Hindi ko kilala ang lalakeng 'to. Wala naman kasi siya rito kanina no'ng isa isang tinuro at pinakilala sakin ni Lolo ang mga kasambahay kaya hindi ko pa siya kilala.

Pero kung titingnan ko ang itsura niya, hindi naman siya 'yong tipo na nag t-trabaho rito. Sa gwapo niyang 'to, ang labong maging katulong lang siya.

"Sige, alis na ako." dagdag ko pa pero pinigilan niya ako.

"Sandali," pigil niya at napatigil naman ako sa paglalakad para lingunin siya.

Tinigil ko ang paghinga ko habang kabadong hinihintay ang kung ano mang sasabihin niya.

Pero isa lang ang masasabi ko ngayon...

Kinakabahan ako sa sasabihin niya.

Kasi papano kung medyo halata na hindi ako si Kendall? What if napapansin niya na iba ako sa totoong Kendall tapos itatanong niya sakin kung sino ako, ano na ang sasabihin ko?

"Kumain kana?" tanong niya na ikinagulat ko.

Naglabas ako ng isang malalim na buntong hininga pagkatapos tsaka ko siya sinagot.

Tumango ako, "Oo, tapos na." sagot ko.

Tapos tumalikod na ulit ako para umalis na sana bago pa man niya ako tanungin ng kung ano nang bigla siyang magsalita ulit dahilan para mapatigil ako at muling hinarap siya.

"Pwede ko bang hiramin 'yan?" tanong niya sabay turo sa laptop na hawak ko.

Hihiramin? Bakit, sino ba siya?

Dibale na, papahiram ko na lang 'to para makaalis na ako rito.

"Oo." sabi ko at lumapit sa kanya at mabilis na pinatong 'yong laptop sa study table. "Sige, alis na ako." pa alam ko para umalis na sana nang bigla na naman niya ulit akong kinausap.

Hay naku! Kailan ba matatapos 'to?

Pa salamat ka, gwapo ka.

Pero ang tanong niya sakin ay ang tanong na hindi ko alam ang sagot.

"Ano ang password ng laptop mo?"

Patay!

Napatingin ako sa laptop ni Kendall.

Anong gagawin ko? Hindi ko alam ang password ng laptop niya. Wala rin 'yon sa listahan ng notebook. I'm sure hindi rin 'yon alam ni Lolo at tanging si Kendall lang ang nakakaalam ng password ng laptop niya.

Anong gagawin ko?!

Bigla akong pinagpawisan habang nag iisip ng pwedeng irason sa lalakeng kaharap ko ngayon.

"Uhm..." sabi ko habang nag iisip ng sasabihin. "Ano kasi... Ang totoo niyan, hindi ko alam." sagot ko na ikinakunot ng noo niya.

Naks!

Hindi ko dapat sinabi 'yon. Baka makakuha siya ng clue na hindi ako si Kendall.

"Anong hindi mo alam?" kunot noong tanong niya. "Sarili mong password hindi mo alam?"

Napayuko ako sa hindi malamang gagawin nang biglang may nagsalita sa likuran namin.

"Nagka amnesia ang kapatid mo dahil sa aksidente, hijo." gulat akong napalingon kay Lolo matapos niyang sabihin 'yon. "Intindihin mo sana ang kapatid mo." dagdag pa niya na ikinagulat ko.

Kapatid?!

Itong poging lalakeng nasa harap ko ay kapatid ni Kendall?

Na ngayon ay magiging Kuya ko?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status