Share

Chapter 6

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko. Alas otso na rin no'n at buti na lang at weekend ngayon at walang pasok. Bumangon ako at tsaka ko inayos ang sarili ko. Napatitig ako sa isang malaking salamin sa kuwarto ni Kendall at pinagmasdan ang repleksyon ko.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang ako na 'to. Ang laki ng pinag bago ko. Dati, sobrang stress ng itsura ko. Tipong mukhang kulang sa tulog at nangingitim ang ilalim ng mata dahil kailangan kong magising ng maaga para lang pumasok sa school tapos gabi na ako natutulog dahil nag pa-part time ako para kumita ng pera para samin ni Lola. Pero ngayon, kahit late na ako magising okay lang. Hindi ko na rin kailangan problemahin ang pera dahil mga magulang na ni Kendall ang nag p-provide no'n para sakin.

Ang swerte ni Kendall at hindi niya napag dadaanan ang mga pinagdaanan ko noon. Ang sarap ng buhay niya simula no'ng bata pa lang siya.

Pero ayon nga kay Kuya Flynn, hindi siya 'yong tipo na nag pupunta sa mga party at tanging pag aaral lang ang inaatupag niya. Hindi siya 'yong tipo na ginagawa lahat ng mga bagay na gusto kong gawin kung sakaling ako ang nasa lugar niya. Kasi kung ako 'yong nasa kinatatayuan niya tapos mayaman ako, hindi ko na sisipagan ang pag aaral at mag e-enjoy na lang ako habang nabubuhay pa ako.

Pero may mga tao naman talagang kagaya ni Kendall na kahit mayaman na, hindi niya sinasamantala ang mga gano'ng bagay.

Ang bait niyang anak sa mga magulang niya at gano'n din si Kuya Flynn.

Napangiti ako bigla sa harap ng salamin no'ng maalala ko si Kuya Flynn. Ang gwapo talaga niya at ang bait pa. Kung hindi man siya mapapa sakin, thankful pa rin ako kasi kahit papano naging Kuya ko siya kahit sa ganitong paraan lang.

Kinuha ko 'yong ponytail ko at tinali ang buhok ko bago ako lumabas ng kuwarto. Bumaba ako ng hagdan at pagkatapos nakasalubong ko si Kuya Flynn na bihis na bihis na animo'y pupunta ng prom.

Hindi ko alam kung saan ang punta niya ngayon at ang pormal ng suot niyang damit.

No'ng makita niya ako ay napatingin agad siya sa suot kong damit na pantulog.

"Hey, bakit hindi ka pa nagbibihis?" gulat na tanong niya no'ng makitang pantulog pa ang suot kong damit.

"Ha? Anong sinasabi mo, Kuya?" nagtatakang tanong ko.

"Wait, don't tell me kakagising mo pa lang?"

Tumango ako sa tanong niyang 'yon.

Bakit parang nagulat siya dahil kakagising ko pa lang?

May hindi ba ako nalalaman?

"Bakit, Kuya? Anong meron at bihis na bihis ka ngayon?"

"Hindi mo alam?"

Umiling ako sa tanong niyang 'yon.

"H-hindi." sagot ko habang hinuhulaan kung anong meron.

Ano ba kasi ang meron? May pupuntahan ba kami na hindi ako inform? O baka naman may special occasion?

Napakamot ako sa ulo ko habang nakatitig sa baba.

"Sorry, hindi ko alam." nahihiya kong sabi.

"Birthday mo ngayon. Nakalimutan mo ba?"

Natigilan ako sa sinabi niya.

Birthday ko??

Teka, birthday ni Kendall ngayon?

Inalala ko ng maigi 'yong nakasulat sa listahan na date kung kailan 'yong birthday niya at no'ng mapagtanto ko na ngayong araw 'yon, parang gusto ko na lang sampalin ang sarili ko dahil nakalimutan ko.

Sabagay, hindi ko naman masisisi ang sarili ko kung nakalimutan ko 'yon.

Hindi ko naman kasi totoong birthday 'yon at ang tanging tanda ko lang ay ang birthday ko at hindi ang birthday ni Kendall.

Pero... Since ang alam ni Kuya ay may amnesia ako, pwede naman akong magpanggap na nakalimutan ko ang birthday ko.

Naks! Ang talino ko talaga.

Napahawak ako sa ulo ko na kunware nakalimutan ko talaga.

"Sorry, Kuya. Nakalimutan ko na birthday ko ngayon. Hindi ko talaga alam." pagsisinungaling ko.

"It's okay." tapos lumapit siya sakin at niyakap ako.

Hala!! Niyakap niya ako at ang bango bango niya.

Naks! Wag mo nga siyang amuyin, Paula. Mag focus ka sa birthday mo, okay.

"Maligo ka na at magbihis. Hintayin na lang kita para sabay na tayong pumunta sa hotel dahil hinihintay na nila tayo ro'n."

Hotel?

Anong gagawin namin sa hotel? Parang party ba na do'n gaganapin?

Omg! Ito 'yong mga nakikita ko sa mga movies. Grabe! First time kong mag birthday sa isang hotel!!

At excited na akong ma experience 'yon mamaya.

Umalis siya sa pagyakap sakin at hinarap ako na parang may sasabihin pa. Pinakinggan ko naman 'yon kasi mukhang importante.

"Nga pala, uuwi ngayon sina Mom at Dad. You should be ready kasi may sasabihin sila sayo." dagdag pa niya na ikinagulat ko.

Uuwi ang parents nila?

Hala! Hindi ako prepared.

Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung papano ko sila kakausapin mamaya. What if ma se-sense nila na hindi ako ang anak nila? Siyempre magulang sila, alam nila at kilala nila ang tunay nilang anak.

Kinakabahan ako dahil baka katapusan ko na once na malaman nila ang totoo na hindi talaga ako si Kendall.

Pero ano nga pala ulit ang pangalan ng parents niya?

Margaret at Somchai Teeraphosukarn. Ang cool! Thai ang dad niya kaya Teeraphosukarn ang apelyido nila. Kailangan kong tandaan 'to para hindi ako magkamali at hindi ko makalimutan.

Ilang beses kong inulit ulit ang pangalan ng mga magulang ni Kendall sa isip ko para hindi ko 'yon makalimutan at nagpa alam na rin ako kay Kuya Flynn na umakyat na sa taas pero no'ng tumalikod ako ay nagulat ako sa natumbang Flower vace dahilan para mabanggit ko ang pangalang nasa isip ko.

"Ay Margaret at Somchai Teeraphosukarn—" natahimik ako no'ng napagtanto kong nabanggit ko pala ang pangalan ng mga magulang niya at nagtaka naman siyang napatingin sakin.

"Bakit mo binanggit ang pangalan nina Mom at Dad?" nagtatakang tanong niya sakin.

Siyempre ako agad nag isip ng palusot para hindi ako mabuking.

"Na miss ko lang kasi sila, Kuya." tapos nagkunware akong malungkot para maniwala siyang na miss ko nga sila Mom.

Sana naman maniwala siya.

"Me too." sagot niya dahilan para mawala ang kaba ko. "Maligo ka na para makaalis na tayo."

Umakyat ako sa taas para maligo. Pagkatapos naghanap pa ako ng maisusuot na damit sa closet ni Kendall pero may hinandang damit 'yong katulong nila para sakin na 'yon daw ang susuotin ko para sa birthday ko.

Cocktail dress 'yon na kulay violet at maraming kumikinang kinang na designs. Sobrang ganda no'n at mukhang mamahalin pa. Parang ayaw ko tuloy suotin dahil baka madumihan ko lang.

Pero since Birthday naman ni Kendall, kailangan kong gampanan ang role ko bilang siya.

Hinawakan ko ang cocktail dress na 'yon habang nakangiting nakatitig do'n. Nakasuot na ako ng mga ganito dati, pero hindi kagaya nito na sobrang mahal. Ako kasi nakakabili lang ng mga ganito sa ukay-ukay. Tapos kailangan ko pang labhan at lagyan ng mga detergents para matanggal ang mga dumi at mantsa.

Pero itong cocktail dress na nasa harapan ko ngayon, bagong bagong at halatang gawa ito sa isang magandang tela.

Sinuot ko ang cocktail dress na 'yon at minake over nila ako at inayos ang buhok ko.

Pagkatapos no'n, umalis na kami ni Kuya at nagtungo sa hotel kung saan gaganapin ang Birthday ko.

Habang nasa biyahe ako ay kabado ako habang iniisip kung papano ko i a-approach 'yong mga relatives nila mamaya. Ni hindi ko nga sila kilala.

Wala akong idea kung anong sasabihin ko sa kanila. Kung mag h-hi ba ako tapos i be-beso ko sila like mga gano'n? Wala talaga akong alam kung papano nila ina-approach ang isa't isa.

What if tanungin nila ako ng mga bagay bagay tungkol kay Kendall tapos hindi ko ma sagot? Anong gagawin ko?

Hays, bahala na nga.

Pagdating namin sa hotel, nakasunod lang ako sa Kuya ko. Kung sino 'yong mga binabati niya 'yon din 'yong mga binabati ko. Wala naman kasi akong choice. Isa pa, hindi ko sila mga kilala. At halos lahat ng mga nandito hindi ko kilala. They are all wearing expensive dresses, bags, earings at kung ano ano pa. Nakikita ko pa lang ang mga kumikinang kinang nilang hikaw naawa na ako sa sarili ko dahil mas mahal pa ang halaga no'n kaysa sa buhay ko.

Pero di bale na. Ang importante sa ngayon ay ang ma lampasan ko itong birthday party na 'to. Parang kanina lang excited ako pero ngayon kinakabahan ako at parang gusto ko nang matapos ang event na 'to.

Binati nila ako ng happy birthday tapos nag bibigay sila ng regalo sakin. Pero hindi ko man lang ginagalaw ang mga 'yon dahil alam kong wala akong karapatan galawin 'yon dahil hindi naman talaga ako ang nagmamay ari ng mga regalong binibigay nila.

At itong hotel kung nasaan kami ngayon ay pang sosyal ang dating. Pakiramdam ko gawa sa ginto ang mga gamit dito. Pati na rin ang mga chandeliers. Hays. Ang bongga. Ngayon pa lang ako nakapunta sa ganitong lugar.

Nakatayo lang ako sa gilid habang pinagmamasdan ang mga bisitang nandito. Ayoko namang maglakad lakad kasi baka makasira lang ako ng gamit. Isa pa, hindi ako sanay sa mga ganitong lugar. Pakiramdam ko hindi ako nababagay dito. Ni hindi nga ako makagalaw ng maayos.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at nakita ko si Mira.

Hindi siya isa sa mga bisita ko rito kundi nag t-trabaho siya sa hotel na 'to bilang Butler.

Ang alam ko, tinanggal kasi siya sa dating store na pinagta-trabahuhan niya. Baka dito na siya nagta-trabaho ngayon.

Hindi niya ako nakita dahil busy siya sa ginagawa niya. Lalapitan ko sana siya para kausapin nang bigla akong tinawag ni Kuya kaya wala akong choice kundi ang lingunin siya. Nakita kong may kasama siya no'n, isang babae at isang lalake. Siguro ito na 'yong mga magulang nila if hindi ako nagkakamali.

Kabado ako pero hindi ko lang pinapahalata habang papalapit ako sa kanila ngayon. Ang ganda ng smile sakin ng Mommy ni Kendall. Siguro akala talaga niya na ako ng anak niya.

Hindi ako kumportble na magpanggap bilang anak nila ngayon. First time ko silang makita pareho at kinakabahan ako na baka ma sense nila na fake ako.

Hindi pa naman ako magaling makipag usap sa mga nakakatanda. Mahiyain kasi ako. Pero bahala na, kakayanin ko 'to.

No'ng nasa harapan na nila ako ay lumunok ako ng laway at ngumiti sa kanila kahit halatang kabado ako.

"Hello, Mom." kabadong sabi ko tsaka ako napatingin sa Dad nila. "Hello po." sabi ko sa daddy nila.

Dapat bang tinawag ko rin siyang dad? Obvious kasi na parang fake lang ako dahil hindi ko siya tinawag ma Daddy.

Kaso lang nahiya ako bigla no'ng naka eye to eye ko 'yong daddy nila. Para bang hindi ko deserve na maging si Kendall at dapat kong ilugar ang sarili ko sa kung saan talaga ako nababagay.

Binati nila ako ng happy birthday tapos binigyan nila ako ng gift. Ayoko sanang buksan 'yon kasi alam ko naman na wala akong karapatan dahil hindi akin 'to pero pinilit nila akong buksan 'yon sa mismong harap nila kaya wala akong choice kundi ang buksan 'yon.

Nanginginig pa ang kamay ko habang tinatanggalan ko ng balot ang regalo nila sakin at muntik ko nang mabitawan 'yong regalo nilang bag no'ng makita ko ang nakalagay na price tag.

Ang mahal no'n.

Pinagpawisan ako no'ng makita ko 'yong halaga no'ng bag na 'yon pero pinilit ko pa ring ngumiti sa harap nila at nagpanggap na sobrang natuwa sa gift nila tsaka ko sila niyakap at nagpasalamat. Pagkatapos no'n, kinamusta nila ang pag aaral ko. Sinabi kong ayos lang naman at sinabi nila sakin na may i a-announce sila mamaya tungkol sakin.

Hindi ko alam kung ano 'yong i a-announce nila pero gaya ng sinabi sakin ni Kuya kanina, meron silang sasabihin sakin. Siguro ito na 'yon.

Pero hindi naman ako interesado at hindi ko na dapat pino-problema 'to kasi hindi naman talaga ako si Kendall.

Kunting tiis na lang at kapag gumaling na si Lola, aalis na ako rito. Titigil na ako sa pagpapanggap bilang siya at babalik na ako sa dating buhay ko.

Umalis muna ako habang nag uusap usap sila ng mga ka relative's nila. Hindi naman kasi ako nakakarelate sa pinag uusapan nila. Hinanap ko si Mira dahil gusto ko siyang tanungin kung bakit siya nag ta-trabaho rito at no'ng makita ko siya sa isang sulok ay nilapitan ko siya at kinausap. Nagulat naman siya no'ng makita ako.

"Mira!" tawag ko sa kanya at niyakap siya.

"Paula?" hindi makapaniwalang niya.

Matapos ko siyang yakapin ay nakangiti akong hinarap siya.

"Ako nga." sagot ko at napatingin naman siya sa suot ko.

Nakita kong napa nganga siya no'n dahil sa gulat no'ng makita ang suot kong damit.

"Anong meron? Bakit ganyan ang suot mo?"

"Birthday ni Kendall ngayon." sagot ko. "Actually, muntik ko nang makalimutan na birthday pala niya ngayon. Late na nga akong nagising kanina."

"Wow! Ang ganda mo, alam mo ba 'yon?" nakangiti niyang sabi. "Bagay sayo ang dress mo. Hindi tuloy agad kita nakilala."

Ngumiti lang ako matapos niyang sabihin 'yon.

"Siya nga pala, nag t-trabaho ka rito?" tanong ko sa kanya at tumango naman siya.

"Oo. Tinanggal ako sa unang trabaho ko kaya dito na ako nagpa-part time ngayon."

"Seryoso ka?"

"Oo." sagot niya. "Kamusta ka naman?"

Napabuntong hininga ako bago ko siya sinagot.

"Ayos lang naman." sagot ko. "Medyo nahihirapan pa rin akong mag adjust. Alam mo kasi ang layo layo ng pinagkaiba nila sa buhay na meron tayo." napabuntong hininga ako ng sobrang lalim bago ulit nagsalita. "Sana lahat na e-experience ang ganitong buhay." dagdag ko pa.

Tinapik naman niya ako sa braso ko pagkatapos.

"Ang swerte mo nga kasi na e-experience mo 'yan ngayon."

Umiling ako sa sinabi niya, "Na e-experience ko nga, pero pakiramdam ko hindi naman ako nababagay sa mga ganitong lugar."

"Alam mo, Paula, wag mo nang problemahin ang ibang bagay. Sa ngayon, enjoyin mo na lang ang buhay na meron ka at—"

"Kendall!"

Natahimik kami pareho ni Mira nang bigla akong tawagin ni Kuya.

Pareho kaming nagulat at napalingon sa gawi ni Kuya kung saan siya nakatayo habang galit na nakatitig samin ni Mira.

Hindi ko alam kung kailan pa siya nakatayo sa kinatatayuan niya at kung narinig ba niya ang pinag usapan namin ni Mira.

Pero isa lang ang nararamdaman ko ngayon...

Kinakabahan ako sa mga titig niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status