Share

Chapter 11

Kinabukasan, late na ako nagising. Siguro kasi sobrang napagod ako kagabi sa paglalakad pa uwi rito. Ang daming nangyare kaya late na ako nagising. Bumangon ako at naghanap ako ng pwedeng kainin dito sa bahay. Pero kahit anong hanap ko, wala akong nahanap na pwedeng kainin dito.

Bigla kong naalala no'ng nando'n pa ako sa bahay nina Kendall. Ang sarap ng buhay do'n. Pag gising mo babangon ka na lang tapos naka ready na ang pagkain mo at hindi mo na kailangan mamroblema. Ibang iba talaga ang buhay na meron sila sa totoong buhay na meron ako.

Kinapa ko ang bulsa ko para sana maghanap ng barya pambili ng noodles na makakain ko nang bigla kong makapa 'yong cellphone ni Kendall sa bulsa ko. Hindi ko alam na nadala ko pala 'to pa uwi.

Kinuha ko 'yon at tiningnan saglit. Dapat iniwan ko na 'to do'n. Hindi naman kasi akin 'to.

Nilapag ko ang cellphone na 'yon sa ibabaw ng lamesa at kumuha ako ng bente pesos sa bulsa ko tsaka ako lumabas ng bahay para sana bumili sa isang malapit na sari-sari
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status