공유

Chapter 9

Kasama ko ngayon si Cedrick sa hotel room niya dahil nakipagkita ako ngayon sa kanya. Nagpunta ako sa hotel nila kasi gusto ko siyang makausap ngayon. Gusto ko lang kumpirmahin kung sila pa ba ni Jennie pagkatapos ng mga ginawa ko at kung sakaling oo man, hindi ko na alam kung ano pa ang pwede kong gawin para mapaghiwalay silang dalawa.

Wala siyang ideya kung ano ang dahilan kung bakit nakikipag kita ako ngayon sa kanya. Siyempre, hindi ko naman pwedeng sabihing 'Nandito ako kasi gusto kong kumpirmahin kung kayo pa ba ni Jennie' baka kasi magtaka siya. Kaya nag isip ako ng ibang idea.

Besides, gusto kong unti unting mahulog ang loob niya sakin at makalimutan si Jennie. 'Yon ang isa sa mga dahilan kung bakit ako nakikipag kita sa kanya ngayon.

Naka upo ako ngayon sa couch ng room niya habang siya naman nakatayo habang hawak ang cellphone niya na tila may ka text.

Hmm. Siguro si Jennie ang ka text niya.

Hinayaan ko lang siya hanggang sa nilapag na niya ang cellphone niya sa side table
잠긴 챕터
앱에서 이 책을 계속 읽으세요.

관련 챕터

최신 챕터

DMCA.com Protection Status