Share

Once i became a Loser
Once i became a Loser
Author: Chreystel

Chapter 1

"Get the hell out of my face!!" sigaw sakin ni Cedrick habang binubuhos sa ulo ko ang mga cookies na regalo ko sa kanya.

Maaga akong gumising kanina para lang ipaghanda siya ng cookies na i-reregalo ko sa kanya ngayong araw ng kaarawan niya at bumiyahe pa ako rito sa university kung saan siya nag aaral para lang ibigay sa kanya itong simpleng regalo na isusurpresa ko sana sa kanya.

Pero mukhang hindi siya natuwa sa surpresa kong 'yon at sa halip ay ako ang mas na surpresa dahil sa nalaman ko ngayon.

Nalaman ko na may girlfriend na pala siya. At dito rin nag aaral sa University kung saan siya pumapasok at tanging mga mayayaman lang ang pwedeng makapag aral dito dahil sa laki ng tuition fee nila.

Nasa harap ko sila ngayon ng girlfriend niyang sinasabi niyang mas mahal niya kaysa sakin habang pinapahiya nila ako pareho sa harap ng maraming estudyante rito. Pinapamukha niya sakin na hindi ako karapat dapat mahalin dahil mahirap lang ako.

And after all this time, sa loob ng apat na buwan pinaniwala niya akong mahal niya ako. Ginawa ko ang lahat para sa kanya. Nag trabaho ako para lang mabili lahat ng mga bagay na hinihingi niya sakin kasi akala ko mahal niya ako.

Pero hindi pala.

Niloko lang niya ako. Niloko lang nila ako ng girlfriend niya.

Ang sabi pa niya, hindi naman talaga niya ako minahal. Kasi sino namang papatol sa isang mahirap na kagaya ko? Mas sexy raw ang girlfriend niya sakin, at oo mas sexy nga siya, mas maganda nga ang babaeng nasa harap ko ngayon na sinasabi niyang girlfriend daw niya. At hindi ko rin maitatanggi na mas lamang siya sakin ng maraming beses.

Pinanganak lang naman kasi ako bilang isang mahirap na mamamayan. Wala na akong mga magulang at tanging ang lola ko na lang ang kasama ko sa bahay. Nakatira lang kami sa isang maliit at lumang bahay. Oo, mas mahirap pa nga kami sa daga pero masaya naman kami ng lola ko kahit wala kaming pera.

At heto ako ngayon, naka upo sa lupa habang isa isang binabalik ang mga cookies na binuhos sakin ni Cedrick sa lalagyan. Ang isang buwang allowance ko ay sinakripisyo ko sa cookies na 'to para lang sa kanya tapos ito lang ang gagawin niya? Ibubuhos lang niya na parang basura?!

Napakasama niyang tao.

Pinipigilan kong tumulo ang mga luha ko habang inaayos ang buhok kong nakatakip sa mukha ko. May mga naririnig akong tumatawa ngayon sa paligid ko. Ayoko silang tingnan kasi alam ko namang ako ang pinagtawanan nila.

Lumuhod si Cedrick sa harap ko at hinawakan ang baba ko para i angat ang tingin ko sa kanya.

Wala naman akong nagawa kundi ang mapatingin sa mga mata niya.

Nakangisi siyang nakatitig sakin ngayon at nakikita ko sa mga mata niya ang galit.

Hindi ko alam kung bakit siya galit sakin. Dahil ba pinuntahan ko siya rito at nalaman ng lahat na girlfriend din niya ako at napahiya siya na pumatol siya sa isang kagaya kong mahirap lang?

Alam kong pinagbubulungan ako ngayon ng mga nasa paligid ko at naririnig ko ang salitang pulubi.

Pulubi raw ako. Hindi ko alam kung matutuwa pa ako sa mga pinagsasasabi nila tungkol sakin pero nagtitimpi lang ako dahil alam kong wala akong laban sa kanila.

"Hoy, ikaw!" sabi niya nang may malalim na boses. "Ang mga kagaya mo ay hindi nababagay dito. Kaya pwede ba, umalis ka rito!" sigaw niya sa pagmumukha ko at tinulak ako.

Dahil sa pagtulak niya sakin at lalo akong napa upo sa upo at nangibabaw na naman ang tawanan ng lahat ng mga nakapalibot samin. Pero ang may pinakamalakas na tawa sa kanilang lahat ay walang iba kundi ang girlfriend niya.

Matagal na palang sila ng girlfriend niya, bakit pa niya ako niligawan? Para lang may paglaruan siya? Dahil lang ba sa bored siya?

Ang sama nilang dalawa.

Pinilit kong itayo ang sarili ko tsaka ko masamang tinitigan ang girlfriend niya.

Pero ano nga ba ang laban ko sa kanya? Siyempre, mayaman siya, kahit sampalin at hilahin ko ang buhok niya ngayon ay kaya niya akong ipa-demanda. At wala akong laban do'n.

"Ano? Lalaban ka?" mataray na sabi sakin ng girlfriend niya. "Look at your face, kaawa-awa na nga 'yang itsura mo, nag tatapang tapangan ka pa." lumapit siya sakin at tinulak tulak ako.

Wala akong magawa kundi ang mapa atras sa tuwing tinutulak niya ako.

Gusto kong lumaban para ipagtanggol ang sarili ko pero wala akong magawa.

Sinara ko ang kamao ko habang nagtitimpi. That time, nagsimulang tumulo ang mga luha ko habang hinahayaan ko siyang itulak tulak ako hanggang sa dumampi ang kamay niya sa mukha ko.

Hindi lang isang beses. Kundi maraming beses niya akong sinampal. Gusto kong gumanti pero hindi ko magawa.

Oo na, inaamin ko nang talo ako ngayon. Pero ngayon lang 'to, kasi ipapangako ko na sa sarili ko na lalaban na ako sa susunod.

"Know your place, bitch!" dagdag pa niya at itinulak ako ng malakas dahilan para matumba ako.

Napalakas ang pagtumba ko kaya napa 'Ah' na lang ako dahil sa sakit. Pero imbis na tulungan ako ng mga nanonood samin ay pinagtawanan nila ako. Nagmukha akong tanga at katawa tawa sa harap ng lahat at sa buong University na 'to. Napahiya ako ng husto dahil sa dalawang taksil na 'to. At ipinapangako ko na hinding hindi na ako babalik pa eskwelahan ng mga mayayaman lalong lalo na rito.

Tumayo ako at tumakbo palabas ng University nila habang nag pupunas ng luha.

Habang tumatakbo ako, isa lang ang nasabi ko sa sarili ko, hindi na sana ako nagpunta sa University niya para hindi na ako napahiya.

Pumara ako ng tricycle dahil 'yong pinarahan kong taxi hindi ako pinasakay at sa halip ay sinabihan pa akong wala raw siyang barya.

Isa lang ang gusto kong klaruhin sa lahat at 'yon ay ang hindi ako pulubi.

At kung sakaling maging pulubi man ako, hinding hindi ko 'yon ikakahiya. Sa katunayan, mas gugustuhin ko pang maging isang pulubi kaysa maging isang mayaman na may kasamang ugali kagaya nila.

Mas nakakahiya sila.

Pag uwi ko ng bahay, sinalubong agad ako ng kaibigan kong si Mira. Sinabi niya sakin na may nangyare raw sa lola ko.

"Paula, 'yong Lola mo sinugod siya sa ospital kanina lang." natatarantang sabi ni Mira.

Agad ko namang nabitawan ang cookies na dala ko nang marinig ko 'yon at basta basta na lang namanhid ang katawan ko at hindi makagalaw dahil sa hindi ko inasahang mangyayare 'yon kay Lola.

"Saang ospital?" tanong ko kay Mira.

Matapos sabihin ni Mira kung saang ospital sinugod si Lola ay agad kaming kumaripas ng takbo papunta roon para makita ang lagay ni Lola.

Ang sabi ng doctor, lumalala na ang sakit ni Lola at mahina na ang katawan niya. Kailangan ko nang makahanap ng malaking halaga ng pera para sa gamot niya at pambayad sa ospital lalo na't magtatagal siya rito sa ospital.

Halos mabaliw ako sa kakaisip kung saan ako kukuha ng malaking halaga ng pera. Ang dami kong problema ngayong araw at dumagdag pa ang walang hiya kong boyfriend na ngayon ay ex boyfriend ko na dahil sa niloko niya lang pala ako.

Napahilamos na lang ako dahil sa pinaghalo halong problemang iniisip ko ngayon at napansin 'yon ni Mira.

"Okay ka lang ba?" nag aalalang tanong niya sakin.

Si Mira ang kababata kong naging kaibigan ko na since pa no'ng mga bata kami. Magkaklase kami ngayon at nasa highschool pa lang kami. Oo, highschool pa lang ako at si Cedrick ay nasa college na.

Papano naging kami? Matagal ko na siyang kilala dahil isa siyang Wattanamontree. Anak siya ng nagmamay-ari ng Wattanamontree Group na isang malaking kumpanya rito. May itsura siya at matalino kaya maraming nagkakagusto sa kanya. Pero no'ng kinausap niya ako isang beses, naisip ko na ang bait bait niya sakin at iba siya kung tratuhin niya ako.

Pagkatapos no'n, tinanong niya ako kung pwede niya akong maging girlfriend. Pumayag naman ako kasi may gusto na rin ako sa kanya no'n. At ang akala ko gustong gusto talaga niya ako pero kanina lang birthday niya at pinuntahan ko siya sa university nila para supresahin pero imbis na siya ang ma surpresa, ako pa 'yong na surpresa sa nalaman ko na niloloko lang pala niya ako.

Sinabi pa niyang hindi siya papatol sa kagaya ko. Akala ko pa naman iba siya sa lahat, 'yon pala pakitang tao lang.

Ibang klase ka talaga, Cedrick!

Napabuntong hininga ako bago ko kuwenento kay Mira 'yong mga nangyare kanina at laking gulat niya no'ng malaman ang mga 'yon.

"Seryoso?! Pinahiya ka niya kanina?" hindi makapaniwalang sabi niya.

"Oo." sagot ko. "Silang dalawa ng girlfriend niyang malandi." inis kong sabi.

Hanggang ngayon hindi maalis sa isipan ko ang image ng babaeng 'yon habang sinasampal sampal ako. Kung sampalin ba naman itong mukha ko parang siya ang nagpapakain sakin ng tatlong beses sa isang araw.

Bwisit siya.

"Aba! E, manloloko pala 'yang Cedrick na 'yan! Naku, kung nando'n lang ako kanina, baka nasampal ko na 'yon ng sampong beses!" sabi ni Mira.

Natawa naman ako sa kanya kasi with action pa habang sinasabi niya 'yon.

"So ano na ang plano mo?" tanong pa niya dahilan para lingunin ko siya.

"Sa ngayon, si Lola muna ang aasikasuhin ko." sagot ko. "Wala na akong pakialam kay Cedrick. Magsama sila ng girlfriend niya kung gusto niya at wala na akong pakialam do'n." napabuntong hininga ako ng sobrang lalim bago ulit nagsalita. "Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera."

Tinapik ako ni Mira sa likuran ko para pagaanin ang loob ko. "Wag kang mag alala, tutulungan kitang makahanap ng trabaho." saad niya.

Ngumiti naman ako sa kanya ng pilit pagkatapos.

Hindi ko alam kung saan ako makakahanap ng trabaho ngayon. At baka nga tumigil na lang muna ako sa pag aaral para magtrabaho. Ang hirap ng ganitong klase ng buhay. Si lola na lang ang kasama ko sa buhay at ayokong mawala pa siya. Kasi pag nagkataon, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

Umuwi muna si Mira sa bahay nila kasi marami pa siyang kailangang gawin. Ako naman nag stay lang sa ospital para bantayan si Lola.

Wala pang isang oras simula no'ng umalis si Mira ay bumalik agad siya. Hindi ko alam kung bakit kasi wala naman siyang sinabing dito siya matutulog ngayong araw para samahan ako kaya naman napatanong ako.

"Mira, bakit bumalik ka? May naiwan ka ba?" tanong ko sa kanya pero may mga taong pumasok kasama niya kaya nagtaka ako.

Tumabi sakin si Mira at napatingin naman ako sa tatlong lalakeng kasama niya.

'Yong isa matanda na, tapos 'yong dalawang lalake parang bodyguards niya.

"Sino sila?" bulong ko kay Mira.

"Hindi ko rin alam." bulog sakin pabalik ni Mira.

"Pag uwi ko kanina hinahanap ka nila sa bahay niyo, tapos dinala ko sila rito kasi kailangan ka nilang makausap."

Hindi ko alam kung ano ang pakay nila sakin at hindi ko sila kilala kaya naman bigla akong kinabahan na baka Lolo pala 'to ng girlfriend ni Cedrick tapos nandito sila ngayon para i demanda ako.

Bigla akong kinabahan kaya nag isip ako ng pwedeng gawin para wag na nilang ituloy ang demanda o kung ano man 'yon dahil kailangan pa ako ng lola ko.

Napalunok ako ng laway bago ako lumuhod sa harap nilang tatlo at humingi ng tawad.

Pero nagulat ako no'ng itinayo ako ng matandang lalake at tinanong kung bakit ako lumuhod sa harap nila at humingi ng tawad.

Ibig sabihin no'n, hindi 'yon ang pakay nila?

Kung hindi 'yon, e, ano?

Lumabas kami at kinausap ako ng matanda saglit. Hindi ko alam kung tungkol saan ang pag uusapan namin pero nagulat ako no'ng may pinakita siyang video sakin.

Ito 'yong video kanina na naganap sa University nina Cedrick habang binubuhusan niya ako ng cookies at pinagtawanan ng girlfriend niyang halimaw.

Hindi ko alam kung sino ang kumuha ng video na 'to at kumalat pa talaga sa social media.

Pagkatapos kong panoorin ang video ay ibinalik ko sa matanda ang cellphone niya. At naiwan naman ang isang tanong sa utak ko kung bakit nga ba niya pinapakita sakin 'to?

"Hija, hindi ko ipinakita sayo ang video na 'yan para ipagalitan ka. Sa katunayan, wala ka naman talagang kasalanan d'yan. Ginawa lang nila 'yan para may pagkatuwaan sila." sabi ng matanda.

Kumunot naman 'yong noo ko habang inaalam kung bakit nga ba niya sinasabi ang mga ito. Pero imbis na tanungin ko siya ay hinayaan ko na lang na siya mismo ang magsabi.

"No'ng kumalat ang video na 'to ay nagulat ako sa nakita ko." napatingin sakin ang matanda, "Kamukha mo ang apo ko." sabi niya.

Kumunot ang noo ko dahil hindi ko siya maintindihan sa sinabi niya.

"Ano po ang ibig niyong sabihin?" tanong ko.

"Ang apo kong si Kendall ay nasa ospital ngayon dahil sa coma. Ilang araw na siyang natutulog at hindi alam ng Doctor kung kailan siya magigising, kaya naman nagpapasalamat ako no'ng makita ko ang video na 'to."

At natigilan ako no'ng marinig ko pa ang mga susunod niyang sinabi.

"Ikaw lang ang makakatulong sakin, hija."

Nanlalaki ang mga mata ko at napasigaw na lang bigla sa gulat.

"Ano po?!" sigaw ko. "Anong maitutulong ko?"

Ngumiti sakin ang matanda bago nagsalita,

"Nabalitaan kong kailangan mo ng malaking halaga ng pera para sa lola mo. At handa akong tulungan ka para do'n."

Napa isip ako bigla,

Papano niya nalaman na kailangan ko ng malaking pera para sa lola ko?

Pero dibale na, kailangan ko ng pera para sa lola ko.

Napalunok ako ng laway bago ako nagtanong sa kanya.

"Ano po ang gagawin ko?" tanong ko sa matanda.

"Magpapanggap ka bilang apo ko." sagot ng matanda na ikinagulat ko ng husto.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status