Share

Chapter 3

Lumabas kami ni Lolo at nag usap saglit. Buti na lang at dumating agad siya para tulungan ako kanina. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ko alam kung nandito pa ako ngayon sa bahay nila o baka pinalayas na ako ng kuya niya. Hindi ko akalain na may Kuya pala siyang gano'n ka pogi. Ibig sabihin siya pala 'yong Flynn na nakasulat do'n sa notebook kung saan kuya ni Kendal. Graduating student na siya this year at hindi magtatagal mamanahin na niya ang kumpanya nila. Ang swerte talaga ng mga anak ng nagmamay-ari ng Teeraphosukarn Group.

Pinalabas ni Lolo na nagkaroon ako ng amnesia hango sa nangyareng aksidente at napaniwala naman niya si Kuya.

Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit alam ng kuya ni Kendall na na aksidente siya samantalang hindi alam ng mismong mga magulang nila.

Dahil sobrang curious ako sa part na 'yan ay hindi ko napigilang itanong 'yon kay Lolo.

"Ah, Lolo. Akala ko po ba walang ibang nakakaalam na na aksidente si Kendall maliban sa inyo?"

"Alam niya na na aksidente ang apo ko. Kasi nakatira sila sa iisang bahay. Natural lang na malalaman niya 'yon. Pero wala siyang alam na hanggang ngayon hindi pa rin nagigising si Kendall." sagot ni Lolo. "Kaya nga sinasabi ko sayo na magpanggap ka muna bilang apo ko para hindi sila mag aalala."

"Pero po, hindi po sinabihan ng kuya ni Kendall ang mga magulang nila?"

Umiling si Lolo sa tanong ko.

"Hindi." sagot niya. "Kasi ayaw rin niyang mag alala ang mga magulang niya. Kaya imbis na sabihin niya, nanahimik na lang din siya at umasa na magising na ang kapatid niya." ngumiti sakin si Lolo pagkatapos, "Kaya hija, sana magkasundo kayo ng Kuya ni Kendall, kasi simula ngayon, magiging Kuya mo na siya."

Tapos may inabot siya sakin. Cellphone 'yon at kung hindi ako nagkakamali, cellphone 'yon ni Kendall.

"Gamitin mo muna itong cellphone ng apo ko. Tinanggalan ko na ng password 'yan kaya hindi ka na mahihirapan."

Kinuha ko 'yon at nagpasalamat sa kanya.

"Ito na rin ang huling beses na dalawin kita rito sa bahay ninyo dahil may mga kailangan pa akong gawin sa opisina ko at magiging busy na ako."

Kung gano'n, kailangan ko na palang tandaan lahat ng mga dapat tandaan tungkol kay Kendall kasi wala nang may tutulong sakin dahil magiging busy na si Lolo.

"Naway maging masaya ka sana rito habang nararanasan mong mamuhay bilang isang mayaman, hija."

Tumayo si Lolo at gano'n rin ako.

"Bukas, papasok ka na sa eskwelahan mo. Pagbutihan mo sana ang pag aaral. Hindi mo kailangan maging matalino, ang importante alam ng lahat na okay ang apo ko. Ayos na sakin 'yon."

Ngumiti ako sa kanya.

"Maraming salamat po, Lolo."

Pagkatapos ng pag uusap namin ay bumalik na ako sa loob. Dumeretcho ako sa kuwarto ko kasi ayokong makausap 'yong Kuya ni Kendall. Nahihiya akong harapin siya ngayon at hindi ko alam kung papano ko siya kakausapin.

Pero no'ng ma bored ako ay napag desisyonan kong lumabas ng bahay at makipag kita kay Mira.

Naghanap ako ng maisusuot na damit sa closet si Kendall. Puro mamahalin at magaganda ang mga damit niya rito at ayokong suotin kasi baka masira at madumihan ko lang kaya hindi na ako nagpalit ng damit. Kung ano 'yong suot ko kanina no'ng nag punta ako rito sa bahay na 'to ay gano'n pa rin ang suot ko ngayon.

Tinext ko si Mira. Alas diyes ng gabi na no'n at buti na lang gising pa si Mira at pumayag na makipag kita sakin nang ganitong oras.

Lumabas ako ng kuwarto ko at bumaba ng hagdan nang makasalubong ko si Kuya Flynn.

Oo, Flynn ang pangalan niya. Grabe, bagay na bagay sa kanya. Ang swerte ni Kendall at may ganito ka gwapo siyang kuya.

"Sa'n punta mo?" nagtatakang tanong sakin ni Kuya.

"D'yan lang sa labas." sagot ko.

"Sa labas? Hindi ka naman lumalabas ng ganitong oras, ah."

Hindi ba?

Kung gano'n, tuwing ganitong oras hindi na pala umaalis ng bahay ang totoong Kendall.

Pero gusto kong makausap si Mira ngayon. Marami akong gustong i kwento sa kanya. Kaya bahala na.

"Babalik din ako saglit, Kuya." sagot ko.

"Sigurado ka bang okay ka na?" panigurado niya. "Kakalabas mo lang ng ospital, hindi ka dapat umaalis lalo na sa ganitong oras, delikado."

Napangiti ako bigla.

Hindi lang pala siya gwapo. Maalalahanin rin pala siya. Ang swerte talaga ng totoong Kendall at may ganito siyang kuya.

Sa katunayan mas okay pa 'to kaysa do'n sa ex kong halimaw na akala mo kung sinong gwapo. Though, hindi ko naman maitatangging hindi siya gwapo kasi totoong gwapo naman talaga siya. Pero pagdating sa ugali, jusme! Ang panget!

"O? Bakit ka nakangiti?"

Nagulat ako sa tanong niyang 'yon dahilan para alisin ko ang mga ngiti ko sa labi.

Hala! Ba't pa kasi ako ngumiti? Nakakahiya tuloy.

Ikaw Paula, ha, masyado kang halata!

Kaya lang siya nag aalala dahil kapatid ka niya. Kapatid ang akala niya sayo kaya wag kang masyadong marupok, okay?

"Masaya lang ako kasi... I mean, may naisip lang akong nakakatawa." palusot ko.

Pero mukhang na missunderstood yata niya.

"Sino? Boyfriend mo?"

Boyfriend?

And speaking of boyfriend, may boyfriend ba ako? I mean, 'yong totoong Kendall?

If oo, sino?

Wala 'yon sa listahan and I'm sure baka kung sakaling may boyfriend nga si Kendall, hindi niya sinasabi sa family niya.

At papano ko naman malalaman kung may boyfriend nga siya?

Dibale na, tsaka ko na pro-problemahin 'to. Sa ngayon kailangan ko munang makaalis dito dahil hinihintay na ako ni Mira.

"Ah, hindi ah." pagtanggi ko kay Kuya. "Ano ka ba Kuya, may naalala lang akong nakakatawa kaya ako napangiti." saad ko. "Siya nga pala, alis na ako. Hinihintay na kasi ako ng kaibigan ko." dagdag ko pa.

"Sinong kaibigan?"

Naks! Oo nga pala. Sinong kaibigan? Hindi ko pwedeng sabihin ang pangalan ni Mira dahil I'm sure hindi niya 'yon kilala.

"Si Katelyn." sagot ko.

Buti na lang kinabisado ko na 'yong mga pangalan ng kaibigan ni Kendall.

Nakasulat din 'yon sa listahan kaya alam ko.

"Okay, bumalik ka agad pagkatapos."

Ngumiti ako matapos niyang sabihin 'yon.

"Okay, thank you, Kuya." sabi ko bago ako lumabas ng bahay.

Nagkita kami ni Mira sa isang kainan sa sidewalk. Nilibre ko siya since nakakahiya naman na pinapunta ko siya rito nang ganitong oras. Kumain kami habang nag uusap. Kuwinento ko sa kanya lahat pati na rin ang Kuya ni Kendall.

"Seryoso? May Kuya siya?" hindi makapaniwalang tanong niya habang kumakain.

Tumango naman ako.

"Oo at sobrang gwapo, Mira!!!" kinikilig kong sabi.

"Ay talaga? Uy, ano pangalan? Search ko sa f*."

Itong si Mira parang piniga dahil sa kilig.

"Flynn ang pangalan niya. Promise, pag nakita mo siya sa personal, hindi ka maniniwalang may gano'n ka gwapong nilalang sa mundo."

"Wow, exag mo." sabi niya habang hinahanap sa f* 'yong account ng Kuya ni Kendall. At no'ng nahanap na niya ay napatakip ito ng bibig. "Hala! Totoo nga!! Grabe, ang pogi!!" sigaw niya habang kinikilig.

Natawa naman ako sa naging reaksyon niya kasi ngayon ko lang siya nakitang ganito.

"Omg! Alam mo, mas pogi pa siya kaysa sa ex mo."

Natahimik ako nang banggitin ni Mira 'yon. Bigla ko na naman kasing naalala si Cedrick at 'yong babaeng sinasabi niyang girlfriend niya na kung maka sampal sakin parang anak niya ako. Shutangina! Sino ba siya para gawin sakin 'yon?

Pinahiya nila ako pareho, humanda sila sakin dahil kapag nagkaroon ako ng oras, maghihiganti talaga ako.

"Sorry," mahinang sambit ni Mira nang makitang natahimik at natulala ako.

Ngumiti ako ng pilit sa kanya para ipakitang okay lang ako.

"Hindi, ano ka ba, ayos lang. Hindi mo naman kailangan mag sorry." sabi ko.

Oo na, affected pa rin ako sa lahat. Minahal ko kasi talaga si Cedrick at inakala ko rin na minahal niya ako. 'Yon pala hindi. Kaya nga naiinis ako sa kanya dahil niloko lang niya ako.

Sabagay, hindi ko naman siya masisi dahil sino nga ba naman ang magmamahal sa kagaya kong mukhang pulubi?

"Kamusta na 'yong Lola mo?" pag iiba niya sa usapan.

"Nasa mabuting kinalalagyan na siya ngayon. Masaya ako kasi alam kong magiging okay siya at hindi ko na kailangan pang problemahin ang perang pambabayad sa ospital."

Ngumiti sakin si Mira at hinawakan ang kamay ko.

"Basta, kapag kailangan mo ng taong makakausap, wag mong kakalimutan na nandito lang ako, ha?"

Ngumiti ako sa kanya at tumango.

Pagkatapos naming mag usap ay bumalik na ako ng bahay at nagpahinga.

Kinabukasan, pumasok ako sa University. Itong school na 'to ang pinaka naiinisan ko sa lahat dahil dito ako napahiya. Pero dahil nagbago na ng kunti ang itsura ko at hindi na ako mukhang pulubi sa mga mata nila ay hindi man lang sila nagkaroon ng kahit kunting idea na ako itong babaeng pinagtawanan nila no'ng binuhusan ako ng cookies ni Cedrick at sinampal sampal ako ng walang hiya niyang girlfriend.

Well, mas mabuti nang hindi nila ako makilala sa gano'ng itsura at hahayaan kong kilalanin nila ako bilang Kendall nang sa gano'n ay mag mukha silang tanga dahil niloloko ko sila sa paraang hindi nila alam.

At maghintay kayo Cedrick. Masyadong maliit itong University para sating tatlo ng girlfriend mo. Magkikita kita tayo rito at maghihiganti ako sa inyo.

Tiningnan ko ang schedule ng klase ni Kendall at pumunta ako ro'n. Medyo nahirapan ako kasi hindi ko kilala  lahat ng mga ka blockmates niya. Basta ang alam ko lang ay ang kurso niya at kung anong subject ang klase niya ngayon. Si Batman na ang bahala sa iba. Pero nahihirapan pa rin ako dahil kahit itong lesson nila ngayon ay hindi ko maintindihan.

Pagkatapos ng klase ay sinalubong ako ng mga kaibigan daw niya. Tatlo sila. May matangkad at dalawang kasing height ko lang.

Alam ko ang mga pangalan ng tatlo niyang kaibigan pero hindi ko alam kung sino sa kanila si Katelyn, Jessica at Iris.

Pero kung magpapahalata ako na hindi ko sila kilala, baka magkaroon sila ng clue na hindi ako ang totoong Kendall. Kaya mas mabuti nang mag panggap na kilalang kilala ko sila kaysa naman mabuking ako rito ng wala sa oras.

"Hi." bati ko sa kanilang tatlo.

"Hello, sissy!" bati sakin ng matangkad na straight ang buhok. Hindi ko alam kung sino siya, si Katelyn ba, si Jessica o si Iris pero bahala na.

Wala namang mawawala kung umarte ako na parang kilala ko siya.

At dahil nabanggit niya ang salitang Sissy, nagkaroon ako ng idea na baka ito siguro ang callsign nila. Kaya tinawag ko na rin siyang gano'n.

"Kamusta ang klase niyo, Sissy?" tanong ko sa kanila.

"Ayos lang, Sissy! Nga pala, matutuloy ba tayo mamaya?" tanong sakin ng isa sa mga kaibigan niya.

Hindi ko alam kung anong sinasabi niya.

Matutuloy? Saan?

Naks! Hirap talaga kapag nagpapanggap ka lang. Hindi ko alam kung malalampasan ko ang mga ganitong bagay sa loob ng maraming panahon. Kung ngayon pa ngalang nahihirapan na ako, ano pa kaya kapag tumagal ako rito?

Pero dibale na, para kay Lola kakayanin ko 'to. Siya na lang ang pamilyang meron ako. Kapag nawala pa siya, hindi ko alam kung kakayanin kong mamuhay nang mag isa.

At dahil wala akong idea kung ano ang tinutukoy niya ay nagkunware ako na parang nakalimutan ko.

"Teka, ano nga ulit 'yon? Sorry, ha. Nakalimutan ko, e. Marami kasi akong iniisip." pagkukunware ko.

"Nakalimutan mo na ba? Birthday ko ngayon." sagot naman niya. "Dapat pumunta ka, okay?"

Birthday pala ng isa sa mga kaibigan niya.

Well, since friend siya ni Kendall at ako na rin ngayon si Kendall, wala nang rason para tumanggi ako.

Tumango ako sa kanya, "Sige. Pupunta ako." sabi ko at natuwa naman sila.

"Omg! Makikita mo mamaya ang ultimate crush mo!" kinikilig na sabi ng isa niyang kaibigan.

Ultimate crush?

Sino naman?

Bigla tuloy sumagi sa isip ko ang tanong na kagabi ko pa natanong sa sarili ko. 'Yon ay kung may boyfriend ba si Kendall? Ayoko namang tanungin ang mga kaibigan niya tungkol do'n kasi baka magtaka sila. Besides, hindi nila alam na na aksidente ako. Kung si Kuya alam niya, pwes sila hindi. Buti sana kung alam nila para ipalabas na rin na nagka amnesia ako. Nang sa gano'n ay pwede akong magtanong tanong sa kanila tungkol sakin.

"Ultimate crush?" gulat na sabi ko at tumango naman sila.

"Si Cedrick!" sagot ng matangkad niyang kaibigan. "Diba, dead na dead ka sa kanya."

Si Cedrick??

Ang ex kong halimaw ay ultimate crush ni Kendall?

Teka, baka naman hindi lang crush? Baka mas higit pa ro'n?

"Teka, si Cedrick?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanila.

"Oo." sagot nilang tatlo.

"Hello? Bakit parang nagulat ka?" tanong naman ng isa.

Matapos niyang sabihin 'yon ay nagkunware ako na parang normal lang at hindi mukhang gulat na gulat.

"Ha, hindi ah. Ano lang, kinilig lang ako." palusot ko. Sana naman mag work. "Kasi makikita ko na naman ulit siya mamaya." dagdag ko pa.

Tama! Makikita ko nga siya mamaya!

At sa tingin ko, oras na para maghigante ako sa kanya.

"Sandali, may ipapahula ako sa inyo." saad ko at tumango naman sila.

Sana lang makakuha ako ng clue sa naisip kong paraan.

"Sa tingin niyo, ano ba kami ni Cedrick? May napapansin ba kayong something samin?" tanong ko sa kanila at nakita ko naman na parang naguluhan sila sa tanong kong 'yon.

Alam kong weird na tinanong ko 'yon sa kanila. Pero gusto ko lang makakuha ng sagot kung may something ba kay Kendall at Cedrick. Baka kasi hindi lang pala ako ang niloko niya kundi pati na rin si Kendall kung sakali.

Pero nawala ang pag aalala ko nang umiling silang tatlo.

"Of course not!" sagot ng isa.

"Wala 'no! Hindi naman ikaw 'yong tipo na nagpapahalata sa isang lalake na may gusto ka sa kanila. Lalo na kay Cedrick. Crush mo nga siya pero secret naman 'yon." sagot naman ng isa.

So ibig sabihin, walang alam si Cedrick na may crush si Kendall sa kanya.

"Don't tell me, umamin ka sa kanya?" tanong naman sakin ng isa.

Umiling naman ako, "Hindi ah." sagot ko. "Hindi ako aamin sa isang 'yan!" dagdag ko pa.

"Wait, bakit parang galit ka? Galit ka ba kay Cedrick?"

Kinalma ko ang sarili matapos niyang tanungin sakin 'yon.

Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko na hindi magalit. Sino ba naman kasi ang hindi magagalit sa taong minsan ka lang niloko at pinahiya?

Kaya nga humanda siya pag nagkita ulit kami.

And this time, hindi na si Paula ang makakaharap niya.

Kundi, si Kendall na nagkakagusto sa kanya secretly.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status