Share

Chapter 23

Sumapit ang bukas hanggang sa gumabi na. Kinabahan na ako kasi susunduin nga ako ni Cedrick dito sa bahay kagaya ng sinabi niya kahapon sa text.

Kaninang umaga pa ako nag iisip ng palusot kung anong sasabihin kong excuse sa kanya para hindi na siya matuloy pero kahit anong piga ko ng utak ko e wala akong maisip na magandang dahilan. Kung meron man, puro waley lahat.

No'ng makatanggap ako ng text galing kay Cedrick na papunta na raw siya rito sa bahay e nag panic na ako. Sa hindi malamang gagawin, naghanap na lang ako ng masusuot na damit na para bang wala na akong choice kundi ang pumayag na lang na kumain sa labas kasama siya.

Pagkatapos kong mag bihis, lumabas ako ng kuwarto ko at bumaba. Saktong nakasalubong ko si Kuya na naglalaro ng online games sa phone niya nang mapatingin siya sakin at sa suot kong damit.

"San ka pupunta nang ganitong oras?"

Magsisinungaling pa sana ako at sasabihin kong pupunta ako kay Mira nang bigla kaming makarinig ng busina ng sasakyan sa labas ng bahay.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status