Share

KABANATA-3

KINABUKASAN--

Mismong si Ma'm Monique ang pumasok ng kuwartong tinulugan ni Celia upang sana’y gisingin ito. Upang sabay sabay na silang mag-almusal at ito na lamang ang wala sa mesa. 

Only to be greeted with the most surprising event of a lifetime—the most disgracful birthday presence she ever had had. The biggest scandal ever came about the Sandival mansion. 

Dalawang taong estranghero sa isa’t isa ang magkatabi sa iisang kama sa iisang kuwarto at hubu’t hubad pa man din. Sa pagkabigla sa nakita ay napasigaw si Ma’m Monique. Na siyang naging dahilan upang mabulabog ang buong kabahayan ng Sandival mansion. 

Ang mga naninilbihang naroon sa mansion. Mga kaibigan at katrabaho ni Celia. Ilang kaibigan ni Jarred na nag-overnight din pala sa mansion. Lahat sila ay tinunton ang sigaw ni Ma’m Monique. Curious for what could have happened.  

Huli na nang mapagtanto nina Celia at Jarred ang nangyayari. Dali silang nagtakip kapwa ng kumot. Lahat ng tao ay nasa may pintuan sa may doorframe. Iba ay nakapasok na talaga ng kuwarto. Nakikiusyoso. Matamang nakamasid sa kanilang dalawa at sa krimeng naganap. Tila ba isang katatapos na eksena sa isang p**n movie ang nangyari.

Dala na rin marahil ng pagkahapo at pagkalasing kayat tila kapwa pa rin sila may bahid ng pagiging lutang ang isip. 

Sina Lizbeth, Lulu at Ma’m Monique—everyone was all eyes on them. Undoubtedly, the biggest embarrassment in Celia’s supposedly morally sound life. 

Hiyang-hiya siya sa kanyang sarili. Hiyang-hiya siya sa kanyang mga kaibigan. At hiyang-hiya siya kay Ma’m Monique. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nilang lahat tungkol sa kanya. Tungkol sa nangyaring iskandalo. Wala na siyang mukhang ihaharap pa sa kanila. At ayaw na niyang magpakita pa sa shop. 

So she straight away resigned from work the next day. Dahil sa walang mukhang ihaharap ay nakiusap na lamang siya kay Lizbeth na iparating kay Ma’m Monique ang tungkol sa kanyang pasya. Hindi na siya pumasok pa ng gadget shop mula nang mangyari ang insidenteng iyon. Hindi na muling nagpakita pa sa mga kasamahan. 

   

Samantalang ang kanyang bestfriend na si Lizbeth ay nanatili sa kanyang tabi. Hindi niya ito maaaring iwasan dahil magkasama sila sa apartment. Mabuti na lang at full support ito sa kanya. Walang sawa sa pagpapalakas ng kanyang loob at sa pagpapakalma sa kanya sa tuwing malulugmok sa panlulumo. 

Higit kaninuman ay ito ang mas nakakakilala sa kanya. Naniniwala itong hindi niya kasalanan ang nangyari. Na ang impluwensiya ng alak marahil ang nagdala sa kanya sa sitwasyon na iyon. Na hindi siya mababang uri ng babae na basta na lamang papatol sa isang lalaki. Na kapwa sila lasing marahil ni Jarred kayat maaaring naimpluwensiyahan ng epekto ng alkohol ang mga utak para maging mapusok. Kayat hindi nakapag-isip ng lohikal.  

  

Kung puwede lamang burahin ang lahat sa kanyang alaala. Siguro ay mas madali para sa kanya ang bumalik sa dating normal na buhay. Ang makapag-move on. But there was no such thing. Mananatili ng marka sa kanyang buhay ang pangyayaring iyon at hindi na mabubura pa kailanman. 

More than a week na siya sa paghahanap ng trabaho. Kung mamalasin nga naman, itlog na naman ang resulta. Nganga na naman siya. She took a breather for a while in front of a canteen beside the street she was walking on. Nauuhaw na siya. She politely asked for a glass of water. Wala na siyang pambili ng pagkain. Kapos na siya sa budget. 

   

Anyway ay nakakain na naman siya ng limang hopia kaninang tanghalian. Yes, hopia ang kanyang pananghalian. Talagang higpit ng sinturon ang ginagawa niya. Buhay kapos nga naman. 

After drinking a glass of water, bigla na lamang siyang nakaramdam ng pagkahilo. Buti’t mabait ang may-ari ng canteen at mga tauhan doon at dinaluhan siya. Pinaupo at pinagpahinga. 

In-offeran pa siya ng pagkain. She refused dahil wala na siyang perang pambayad. But the owner insisted. Okay lang daw at huwag na siyang magbayad. Libre na. Namumutla raw kasi siya at marahil ay nalipasan ng gutom kayat nahilo. Humingi siya ng pasensiya sa ale at malugod na tinanggap ang kanyang pagmamagandang loob. She smiled sweetly back to her. 

Despite of the miserable life she’s in, nakakataba ng puso na makatagpo ng mga taong may mabubuting puso. The thought made her smile amidst misfortune. Her heart swelled. Maluha-luha na nga siya.  

Then it sinked into her. ‘Gutom ka siguro kaya ka nahilo.’ Napaisip siya sa tinuran ng ale. This was her second time getting dizzy. Noong isang gabi ay nahilo rin siya. Ngunit hindi katulad ngayon ay katatapos lamang niyang maghapunan noon. Napaisip tuloy siya. May biglang kabog na naramdaman sa kanyang dibdib. P-Posible ba na….? 

No! Madiin siyang umiling. Imposible! Minsan lang naman iyong nangyari. Then straight away she decided to quit thinking about it. 

    

Matapos kumain ay nagpaalam at nagpasalamat na siya sa ale. Bahala na siguro ang Diyos na gumanti sa kabutihan nito. 

   

   

Dalawang linggo na rin siya sa paghahanap ng trabaho, ngunit wala pa ring suwerte. Si Lizbeth muna ang umaako ng kanilang gastusin sa bahay. Nahihiya man siya rito dahil alam niyang nagpapadala rin ito ng pera sa pamilya sa probinsiya ay wala naman siyang magawa. Talaga kasing kapos lang siya. Babayaran na lamang niya ito at babawi rito kapag nakahanap na siya ng trabaho. 

Anyway ay in-assure naman siya ng kaibigan na wala siyang dapat alalahanin. Na willing itong tumulong. Isa pa’y ‘what friends are for’ dagdag pa nito. Ito na nga lamang ang puwede niyang takbuhan na itinuturing na rin niyang pamilya. 

Sa gitna ng paghahanap niya ng trabaho, while walking on a hallway at a busy commercial district, muli na naman ay nakaramdam siya ng pagkahilo. Buti at may security guard na dumalo sa kanya at dinulutan siya ng bangkong mauupuan. 

Gabi. Habang naghahapunan kasama si Lizbeth sa mesa ay muli na naman siyang nahilo. Dinaluhan siya ng tubig nito. 

“Okay ka lang?,” habang hinihimas ang kanyang likuran nito. 

Tumango siya. 

“P-Pangalawang beses mo nang mahilo sa harapan ko ha. Madalas ka bang mahilo?,” the concerned look on her face. 

Napaisip siya. Bigla ay nag-alala sa tanong ni Lizbeth. Then, confusion was written all over her face. Saka ay tumango siya bilang tugon. 

“S-Sa tingin mo ba….ay…. hindi ka buntis?” 

    

The shock of her life! Hindi lang pala sa kanya sumasagi sa isip ang bagay na iyon. Instantly, she was lost in space. Stunned. Paano na kung sakali? Her heart beating rapidly. She had been blocking the thoughts in her head. Denying it would be possible. Hindi posible at lalong hindi maaari. At hindi niya matatanggap kung sakali.   

   

But it was like a drop of bomb. Para maisip din iyon ni Lizbeth. Ngayon tuloy ay nagdadalawang isip na siya. Sobrang kinakabahan. Hindi na sigurado sa sitwasiyon. Diyos ko! Huwag niyo naman po sanang pahintulutan. She was so scared to death. 

   

“T-Tingin ko bessy mas mabuting mag-take ka na ng p-pregnancy test. Mas mabuti na ‘yon. Mas mabuting alam natin ang kalagayan mo.” 

   

“Hindi!,” takot siya sa posibleng resulta. “H-Hindi ako buntis Lizbeth. Imposible,” she wanted to believe she was off the hook. 

   

Tinabihan siya ni Lizbeth at naupo. Held her hand. Niyapos iyon. 

“Alam ko. Alam kong hindi mo gugustuhin. Pero paano…?” 

   

“A-Anong paano?!,” she was getting more and more scared. Parang sa pananalita nito ay mas kumbinsido itong posible siyang buntis. 

   

“M-Mas mabuting sigurado kasi tayo. Para alam natin kung ano ang gagawin,” tumayo ito upang yapusin ang kanyang likuran. Upang kahit papaano ay mapakalma ito mula sa tensiyong lumulukob dito. 

   

Silence momentarily covered the space between them. Malalim na pag-iisip ang nangibabaw sa pagitan nilang dalawa. 

   

“N-Natatakot ako bessy. Paano kung….?,” si Celia ang bumasag ng panandaliang katahimikan. Held Lizbeth’s hand tightly. 

“Paano  k-kung…b-buntis nga ako?” hindi niya ma-imagine kapag naging positibo ang resulta. “Hindi ko talaga alam ang mangyayari. A-At natatakot ako.” 

   

“Hindi pa naman tayo sigurado Celia. Kaya nga magte-take ka ng pregnancy test. Para na rin malaman natin ang tunay mong kalagayan. If negative, at least hindi ka na mag-aalala pa.” 

   

“K-Kung po…sitive? Paano na?” 

   

“Tatagan mo ang loob mo. Narito naman ako’t tutulungan kita. Saka lahat naman tayo ay pihadong darating sa pagiging nanay. Magbubuntis. Just in case, nauna ka lang.” 

   

She couldn’t believe this was happening. She’s lost for words. Nangyayari ba talaga ito? Matapos ng iskandalong iyon, akala niya ay doon na iyon matatapos. Ngayon ay magkakaroon pa yata ng second wave ang trahedyang iyon. Why this sudden chain of turmoil in her life? May nagawa ba siyang pagkakasala at pinarurusahan siya? 

  

“Ipagdasal na lang natin na hindi idulot ng Diyos. Pero kung sakaling hindi umayon ang kapalaran sa kagustuhan natin, take it Celia. Be positive. In the end blessing pa rin iyang masasabi.” 

   

Gusto niyang umiyak. Dahil sa samu’t saring emosyong lumulukob sa kanya. Litung-lito. But in spite of everything, still there’s something to be grateful about. Ang palagi na ay nariyan si Lizbeth sa kanyang tabi. Always lifting her spirit up and showering her with much positivity. 

Wala man siyang pamilya ay itinuturing na niya itong kapatid. And she had always showed her love and care. Specially everytime she’s in trouble. She really just hoped God would spare her from this. Huwag naman sana. Kahit ito lang sana ay ibalato na sa kanya ng Poong Maykapal. 

Moment of truth. This day was so nerve-rocking. Bumili si Lizbeth ng dalawang brand ng pregnancy test kit. Para raw mas sigurado. For doule-checking purposes. Paano na lang kung positive ang unang result pero negative sa pangalawa? Mas reliable ang dalawang positive o negative results. 

   

Isa ay kailangang i-dip ang strip sa ihi in a small plastic container. Samantalang ang isa ay injecting two droplets of urine sa hollow or well part ng test strip. Kailangang maghintay ng five to ten minutes both for the result. 

   The waiting was like forever. Mabilis ang kabog sa dibdib ni Celia. In anticipation. Gayun din naman si Lizbeth. Ang kanilang mga kamay ay magkahawak. Ramdam ang tensiyon sa pagitan ng dalawa. And they crossed their fingers resting on their sideways. ‘Negative, negative, negative. Oh Lord, please, huwag mong ipahintulot,” taimtim nitong dasal. 

   

Within the five minutes required time ay unti-unting naging visible ang mga linya sa dalawang test kits. The suspence was killing them. 

   

And the mere complete showing of the lines, agad ay parang mapapatda ang kanilang mga ulirat. Lalo na si Celia. Nanlumo at very much disappointed. 

Napaupo na lamang siyang bigla sa may dining chair. Still, couldn’t digest it. Ano na ngayon ang kapalarang naghihintay sa kanya? Dahil ang dalawang test kit ay kapwa naglabas ng tig-dalawang linya—positive! Buntis nga siya. 

  

Patuloy lang ang paghimas at pagpapakalma ni Lizbeth dito. 

“O-Okay lang ‘yan bessy. It’s a blessing. Ang batang ‘yan ang makakatuwang mo sa buhay. Kakayanin mo ‘yan. Be positive.” 

   

Hinawakan ni Celia ang kamay ng kaibigang nakadantay sa kanyang balikat. Kung pwede lang ilipat ang lahat ng positive mindset nito sa kanya. Dahil siya’y patuloy na hindi matanggap ang mga nangyayari. 

   

“Y-Yan ang mag-aalaga sa ‘yo sa ‘yong pagtanda,” si Lizbeth at saka ito naupo upang tabihan siya. Both were teary-eyed. 

   

Saka ay tumulo na nga ang mga luha ni Celia. 

   

“S-Saka bessy, finally, you will have a family. Hindi ba pangarap mo iyon? Ang may matawag na pamilya,” si Lizbeth na lumuluha na rin. Non-stop in boosting her morale. 

   

She’s crying a river now. Still in the process of digesting these chain of miserable events. In nine months time ay magiging ina na siya. And she wasn’t prepared…at all. 

   

An hour past. Unti-unti na ring napoproseso sa utak niya ang lahat. Tama naman si Lizbeth. Her pregnancy wasn’t at all a curse. 

Pinaka-importante sa lahat ay may matatawag na rin siyang pamilya o kadugo na nabubuhay sa mundo. Sa wakas, pagkatapos ng ilang buwan ay masasabi niyang hindi na siya ulilang lubos na walang nagmamahal. That mindset somehow motivated her 

   

Sa wakas ay nagawa na niyang tanggapin ang lahat. Niyayakap na niya ang kanyang kapalaran. Ang pagkakataong maging isang ina. She had no other recourse anyway. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status