Share

KABANATA-4

Patuloy pa rin siya sa paghahanap ng trabaho. Patuloy pa rin ang buhay. Now, more than ever, was the high time for her to find a job. She needed to have one the soonest.  Kailangan na niyang umpisahang mag-ipon. Ilang buwan na lang ay lolobo na ang kanyang tiyan. Ilang buwan pang lilipas ay kailangan na niyang huminto sa trabaho para sa kanyang panganganak. 

Paano pa kung maging tuluy-tuloy ang pagiging maselan ng kanyang pagbubuntis? 

Minsan minsan ay nakakaramdam pa rin siya ng bahagyang pagkahilo. Ramdam niya ang pagiging maselan ng kanyang first trimester. But coulnd’t afford to take a rest and stop hunting for a job. She was like racing against time. Paubos na ang ipon niyang pera. At talagang minamalas pa siya sa paghahanap ng trabaho. Ni hindi pa nga siya nakakapagpa-check up sa isang ob-gyne dahil sa kakapusan. 

Naglalakad sa isang secondary road sa isang business district para maghanap pa rin ng trabaho. Lahat ng online application niya, ni isa hanggang ngayon ay wala pa ring nagre-respond. Either malas lang talaga or super tight lang ang kompetisyon sa mga job opportunities. Malaki ang supply ng workforce, kaunti ang opportunities. Samahan pa na second year college lang ang inabot niya. 

Pakiramdam niya ay parang mahihilo na naman siya. Wala pa namang tao sa paligid niya. Who would attend to her if in case? Nakita niyang sa kabilang side ng daan ay may mga taong nag-uumpukan. 

Maiging doon siya sumpungin ng hilo kung sakali. Hope for a good Samaritan to lend her a hand if ever something happened. 

Dali siyang lumakad upang makatawid ng daan bago pa tuluyang mahilo. 

But in the middle of the road, right off, she felt a sudden jerk of dizziness—massive dizziness. Seeing everything like spinning around. Hindi na niya magawang humakbang pa. Hindi na siya makagalaw. Until she straight away fell on the pavement. Like fainting. Mabuting natantiya pa niya ang kanyang pagbagsak at hindi tuluyang nabagok ang ulo.  

"Krisanto!, Diyos por santo, nasagasaan mo yata ‘yong babae.” 

“Senyora hindi po. Bigla na lamang pong natumba sa harap ng kotse.” 

“Vamos! Bumaba ka at buhatin mo. Dalhin natin sa ospital.” 

Iyon ang ingay na maririnig sa paligid. Narinig niya ngunit walang malinaw na salita na rumehistro sa kanya. Sinubukan niyang magmulat. Ngunit sobrang umiikot ang nakikita niya sa paligid. Hindi niya kaya kayat muli ay pumikit na lamang siya. Until she totally lost consciousness. She passed out. 

Nagising na lamang siyang nakahiga na sa kama. Mabigat ang pakiramdam. Ginala niya ang paningin at ang paligid ay puro puting dingding ang makikita. Sa kanyang kamay ay may nakatusok na catheter na nakakabit sa intraveinous fluid at nakasabit sa 4-hook stand. 

Nabaling siya sa may couch at may nakaupong isang mestisahing matandang babae. Maganda at pusturang nakakaangat sa buhay. She was holding a magazine and very much occupied reading. Nang mapansin siya nito. 

“Oh, hija, buti you’re awake now.” 

Wondering who the lady was. “N-Nasaan po ako? Ano’ng ginagawa ko rito...at s-sino po kayo?” 

“Nahilo ka sa daan hija at nawalan ng malay. Dinala ka namin dito sa ospital. No worries. Nothing serious happened with your baby. Congratulations, buntis ka pala?” nakangiting sabi ng magandang matandang bababe. Magaan ang aura nito. 

Oo nga pala. Buntis nga pala siya. Pinaalala nito. Kung puwede lang kalimutan. 

Saka niya napagtantong oo nga’t nasa ospital nga pala siya. Agad siyang akmang babangon at tatayo. Wala siyang perang pambayad. 

“Oh hija!, what are you doing?,” nagulat ang matanda sa naging agarang kilos niya. 

She looked straight into her eyes. “Kailangan ko na pong umalis. Wala po akong pambayad ng ospital.” 

“No!, stay. You don’t have to worry, nabayaran ko na ang hospital bills mo.” 

“Po?" 

“Just take a rest,” saka ay kinuha ng Senyora ang isang prepared food tray sa ibabaw ng side table. “You have to eat. Baka gutom ka na.” 

Gulat siya. “Po? 

N-Nakakahiya po yata.” 

Like she didn’t hear her. Ignoring her and continiously preparing her food. 

Nilagang baka. May condiments na soy sauce and siling labuyo on the side. Nakalagay iyon sa isang small green plastic cap. And fresh buko juice and its meat. 

She smiled sweetly at her. “Kaya mo bang kumaing mag-isa?” 

Couldn’t believe it. Napakabait naman ng senyorang ito. Tumango siya bilang tugon. And on to eating the food. 

Ang totoo ay gutom naman talaga siya. And for goodness sake! Napakasarap ng pagkain. Kailan nga ba siya nakatikim ng karneng baka sa tanang buhay niya? 

“Careful,” anang matanda. Fighting the urge to giggle. 

Paano ay subo lang siya nang subo. 

Ramdam niya kasi ang gutom. Not to mention, napakasarap ng pagkain. 

Finished eating in no time. Feeling so heavy and full. Ngumiti siyang may bahid ng hiya sa matandang nakamasid sa kanya. Batid niyang nagmukha siyang patay gutom habang walang puwang sa pagsubo. 

Ginantihan din naman siya ng ngiti nito. 

Matapos ay napatingin siya sa nakakabit sa kanyang instrumento. 

She noticed her. “Sabi ng doktor ay may ilang low electrolyte levels ka kayat may IV fluid kang nakakabit. Bukas ka pa makakauwi. Don’t worry about the expences, I’ll shoulder it. Akala ko pa naman nasagasaan ka ng driver ko. Nawalan ka pala ng malay sa harap ng kotse,” she said caringly and smiling ever sweetly. 

“Pasensiya na po sa abala. Hindi ko sinasadya.” 

“No, it's nothing. That’s not what I meant,” klaro nito. 

“D-do you actually eat properly? S-Sorry ha hija sa tanong. Payat ka kasi at namumutla ka kanina. Tapos parang gutom na gutom ka habang kumakain. Buntis ka pa naman.” 

Concealing the sad contemplation. Forced a smile. “Nagtitipid po kasi ako. Paubos na po kasi ang pera ko. Wala pa akong trabaho.” 

“A-And where’s the f-father?,” the question was calculated. 

Hindi siya makasagot. Just looking at her puzzled. Lost of words to say. 

“I-Im sorry, maybe that’s too personal,” apologetic nitong sabi. 

Agad siyang umiling. 

“H-Hindi po. Okay lang.” 

Ramdam naman niyang may genuine soft heart ang matanda. That she meant no harm. And she already had her trust. “W-Wala po kasi siya. A-Ah, I’ll be a single mom. Sarili ko lang po ang aasahan ko.” 

“Mahabaging Diyos!,” she blurted out. “Men really nowadays. Hindi katulad noong panahon namin. Mga responsible ang mga lalaki. Ngayon ay hanggang pakikisiping lang ang alam gawin. Sarap lang ang gusto. And leaving women behind broken hearted and pregnant,” being very opinionated about it. 

“I should know, w-well, nakakahiya mang aminin, my unico hijo is one cut from the same cloth. Pagsabihan ko man, he wouldn’t listen. Patuloy pa rin siya sa mga hanky panky business niya. Very much disappointing,” litanya ng senyora. 

She faked a smile. Perhaps ay mali ang impresiyon ng matanda sa kanyang sinabi. Ang tungkol sa ama ng kanyang ipinagbubuntis. Na para bang sadya siyang iniwan na lang basta. Inabandona. But it’s anyway too complicated to expound. Kayat pinili na lamang niyang manahimik. 

“May magbabantay ba sa ‘yo sa ospital kung sakali?,” the old woman. 

“Ulila na po akong lubos. May kaibigan akong kasama ko sa apartment. Pero malamang ay nasa trabaho po siya ngayon. Huwag na po kayong mag-alala. Kaya ko naman po ang sarili ko. Kaya kong mag-isa. Until tomorrow sa sched ko ng paglabas.” 

She exhaled a sympathetic breath. A kind, caring smile after. 

And it’s melting her heart with the authentic concern. Saka ay banayad nitong isinuklay ang mga kamay sa buhok nito. Like a motherly gest. “Poor little girl.” 

Masarap sa pakiramdam. Warm her heart. Kailan nga ba niya huling naramdaman ang haplos ng isang ina? Pitong taong gulang siya ng mamatay ang kanyang ina. 

“Naghahanap ka ba ng trabaho hija?,” when the old lady turned and had a glimpse at her things on the bedside. Clear plastic envelope at sa ibabaw ay makikita ang kanyang resume. 

“Naghahanap po ako ng trabaho bago ako nawalan ng malay sa harap ng kotse niyo.” 

“Really?,” napaisip ang matanda. “Wanna work in our hotel?” 

Surprised all of a sudden. Easily her facial expression lit. “Talaga po?,” hindi siya makapaniwala. Buhay nga naman. This was much of a blessing for a day. Ang sunud-sunod na kabaitang ginawa ng matanda. Ang pag-attend sa kanya sa kanyang pagkahilo at pagpapa-ospital, pagbayad sa hospital bills, pagpapakain. And now, bibigyan pa yata siya nito ng trabaho. 

“H-Hindi po ba nakakahiya na?” 

Her ever soft and sweet smile again. “Definitely not. And it’s a pleasure to help people in need. Naaalala ko sa iyo ang mga batang sinusuportahan ng aking charity. Ang ‘Become a Bridge Foundation.’ Tahanan ng mga batang ulila at walang mapuntahan.” 

She was teary-eyed. “Maraming salamat po kung mabibigyan niyo ako ng trabaho.” Parang ang senyora na yata ang sagot sa kanyang mga panalangin. 

“Definitely I will. What position you’re particularly applying for? 

“Any po Senyora. If you think I fit for the job. Second year level lang po ang inabot ko taking up Computer Science.” 

“Okay, I’ll see what I can do. But definitely mabibigyan ka ng trabaho. That I can assure you. Huwag ka nang mag-alala sa bagay na iyon.” 

She couldn’t hold back her tears sa assurance ni Senyora. “Thank you po,” as she held her hand. 

Tinapik naman ng Senyora ang kanyang kamay. Caressed it gently as a sign of affection. 

“And also,” muli ang Senyora. May kinuha itong maliit na brown envelope sa forest green handbag nito. 

“Here,” saka iyon iniabot sa kanya. 

Nagtatakang, “ano po ito Senyora?,” as she tried to sneak what’s inside. Hindi siya makapaniwala. Nabigla siya sa pagkakita sa laman. “Pera?, ano po ‘to Senyora. Para saan…? 

Kinabig ng Senyora ang pera at lalo pang inilapit sa kanya. “That’s yours. Panggastos mo. Nagka-spotting ka kanina. Sabi ng ob-gyne mahina raw ang kapit ng anak mo. You need to rest for a month or so. Baka may mangyaring hindi maganda sa bata. Panggastos  mo ‘yan lalo’t wala ka naman palang aasahan. After a month ay papatawagan kita sa HR department. You need to have clearance from the doctor.” 

Her tears coursing down her cheeks. Happy tears. 

“Senyora, sobra sobra na po ‘to. Hindi ko na po ito tatanggihan pa dahil kailangang-kailangan ko. Kung sakali pong makaipon ako ay babayaran ko na lamang po kayo sa nagastos niyo sa ospital.” 

“Don’t bother. Hindi ko naman tatanggapin ang bayad mo. Isipin mo na lang na iniloob ng Diyos na magkatagpo tayo para matulungan kita. Maybe, attend a mass and thank Him for his goodness. ‘Yon na lang ang bayad mo.” 

“Gagawin ko po Senyora. Promise po,” tuluy-tuloy ang iyak niya ng pasasalamat saka hindi na niya napigilan pang yakapin ang mabait na Senyora. 

Likewise she did and pat her back gently. Ramdam niya ang yakap ng isang ina sa kanyang mga bisig. Something that she couldn’t afford to have being an orphan. 

Nang bumitaw na sila kapwa sa yakapan. 

“The doctor will be here later. Kausapin ka niya tungkol sa kalagayan mo at ng bata. Papupuntahin ko na lang si Krisanto to have a check on you.” 

“And also,” muli ang Senyora. May kinuhang stapled small brown paper bag sa may side table ulit. 

“Your medication. Nasa loob ang reseta. Take them according to prescription. Pinabili ko na kay Krisanto kaninang tulog ka.” 

She couldn’t speak a word. Only her eyes raining cats and dogs. And held her again. Tightly. The overwhelming feeling couldn’t be put to words. And she couldn’t thank the old lady enough. 

    

Bahala na ang Diyos na gumanti sa kabutihan nito. May mga mababait pa palang mayayamang tulad ng Senyora. Salamat na lang at ipinagkaloob ng Diyos na magkrus sila ng landas nito. Talaga nga naman, sa lahat ng pagsubok ay nariyan ang Diyos para tumulong sa mga pagkakataong pakiramdam mo ay nasa dead end ka na at wala ng pag-asa. 

Mabilis na lumipas ang mga araw. Like what she was advised by the doctor ay nagpahinga siya sa loob ng isang buwan. When she returned to her clinic for a follow up check-up, sinabi nitong mas maiging ipagpatuloy pa niya ang kanyang pamamahinga. 

But she couldn’t afford it. Nakiusap siya sa doktor at sinabi ang kanyang current situation. Na wala siyang ibang taong aasahan financially. Na kailangan niyang sumugal para mabuhay. Sila ng kanyang magiging sanggol. 

Nagkasimpatiya naman ito at pinilit inintindi ang kanyang kalagayan. Mahigpit nitong hinabilin sa kanya na kapag nagpatuloy ang kanyang spotting kasabay ng pananakit ng tiyan, panlalabo ng mata, madalas na sakit ng ulo at pagkahilo ay agad itong tumigil sa pagtatrabaho. Then see her or any doctor immediately. 

Mahina daw ang kapit ng sanggol. Ang first trimester ng pagbubuntis ang pinaka-kritikal at sensitibo. At malaking porsiyento ng mga nalalaglag na baby ay sa panahong ito. That she should be careful and vigilant, sa mga sign na maaaring maglagay sa panganib sa kanyang pagbubuntis. 

She committed to her to do exactly as she had said. 

      

Bukas na ang umpisa ng kanyang trabaho. She would join the front desk as a receptionist sa dP Beach Tours Resort. At first she was stunned to have learned na ang tinutukoy palang hotel ni Doña Augustina del Prado ay ang kilala at pamosong dP Beach Tours Resort. The no. 1 resort hotel sa buong Romblon. As well listed as one of the top 10 most beautiful beach resorts in the Philippines sa ilang travel magazines and websites. Nakakalula. 

Napakayaman pala talaga ni Doña Augustina. She had not had an inkling at all that she was this bigtime. 

   

Hapunan. Tuyo, itlog na maalat at kamatis ang nasa hapag kainan. Habang kumakain. 

“Bukas ka na mag-uumpisa. Tuloy ka na ba talaga? Hindi ba’t may alinlangan ang doktor mo?,” si Lizbeth in a concerned tone. 

Tumango siya. “Wala naman akong aasahang iba. Nahihiya na rin naman ako sa ‘yo.” 

“Wala ‘yon. Kaya lang alam mo namang limitado rin lang ang maitutulong ko financially. Sensiya, hindi ka pumili ng milyonaryang kaibigan. Na puwede mong matakbuhan kapag gipit.” 

“Kung puwede nga lang makahanap at magkaroon lalo na ngayon. Baka mas madali sana ang sitwasyon. May matatakbuhan kahit papaano kapag talagang gipit na. Kaya lang, speaking of mayayaman, karamihan sa mayayaman lang din nakikipagkaibigan. Kapag nag-effort ka, iisipin na manghuhuthot ka lang. Isa ka kaagad oportunista.” 

They smiled faintly to one another. 

“S-Siya nga pala bessy, n-naisip ko lang, hindi mo ba talaga hahanapin ang tatay ng bata?,” si Lizbeth. 

She arched her brows. Why suddenly the topic? “S-Saan namang lupalop ng Pilipinas ko hahanapin ‘yon? Isa pa, ayoko na siyang makita. Ayoko na siyang maalala. At ayoko nang maalala pa ang nangyari ng gabing iyon. Kamalasan lang ang ibinigay niya sa buhay ko,” prente niyag sabi. 

“I-I mean, hindi naman sa panghihimasok. Pero malaki pa rin ang maitutulong niya financially.” 

Nagkibit siya ng balikat. Siguro. Ewan. Pero hindi niya iyon iniintindi. 

“Nagkaroon ng malaking iskandalo sa buhay ko ng dahil sa kanya. Na sumira ng lahat. Mula noon ay nagkaletse-letse na ang buhay ko. Ngayon buntis pa ako sa panahong gipit ako. Wala siyang dala kundi kamalasan sa buhay ko.” 

“P-Pero, sa akin lang kasi, kung umabot lang sa sukdulang talagang gipit na lang. ‘Yung wala na talagang matatakbuhan. Hindi naman siguro kalabisan kung humingi tayo ng tulong sa kanya.” 

She’s puzzled. Didn’t like this topic at all. “H-Hindi ko alam. Bahala na lang siguro. I’ll cross the bridge when I get there ika nga. Wala naman sa isip ko ang lumapit sa kanya. Hindi naman siguro ako pababayaan ng Diyos.” 

“Pero hindi ka financially stable. Hindi rin ako. In case na magkaroon lang ng emergency na huwag naman sana. Or kailangan mong ma CS. Pareho tayong wala.” 

Hindi niya alam kung ano ba talaga ang gustong mangyari ng kaibigan. Alam lang niya ay ayaw na niyang makita pa ang lalaking iyon. Pinilit na lamang niyang unawain si Lizbeth. Nagmamalasakit lamang ito sa kanya. Pinoproblema ang kanyang problema. Nag-iisip din ito ng solusyon sa kanyang financial crisis. 

Mataman lamang itong nakatingin sa kanya. Naghihintay ng kanyang isasagot. 

Huminga siya nang malalim. “Ayokong sumugal bessy. Paano tayo makakasigurado na tatanggapin niya ang bata? Paano kung i-deny niya? Paano kung i-deny niya pati namagitan sa amin? Galing siya sa pamilya ng mga mayayaman. Dumi ang tingin nila sa mahihirap na gaya natin. Paano kung pagkaisahan pa ako ng pamilya niya? Paano kung sabihin nilang isa lang akong oportunista, akusahang gold digger? Gumagawa lang ng kuwento para makasilo ng mayaman. Alipustahin. Yurakan, ipagtabuyan,” being pregnant and being vulnerably emotional. Her eyes getting misty, her voice cracking. 

    “Lalo ko lang mararamdaman na mag-isa ako at wala akong pamilyang matatakbuhan at magtatanggol sa akin. Alam mo namang madali akong masiraan ng loob. Lalo na ngayon sa sitwasiyon ko. Ikaw na nga lang itong nagpapalakas ng loob ko parati. At alam mo rin kung paano ako lumaki. I was disowned. Rejected. Ayokong maramdaman ulit iyon. Ayokong may tao ulit na magparamdam sa akin no’n,” tuluyan nang nabasag ang kanyang boses at tumulo ang luha. 

   

Naiiyak na rin si Lizbeth. Niyakap siya at niyapos ang likuran. 

   

“Mayaman sila Lizbeth. Huwag na tayong umasa. Hindi natin siya kilala. There’s nothing between us. Paano naman iyon magkaka-amor sa akin o sa baby?” 

   

Patuloy ang yapos ng kaibigan sa kanya, to calm down her emotion. “S-Sorry na. Hindi ko sinasadya. Hindi naman iyon ang ibig kong mangyari. Akala ko lang kasi baka sakaling makatulong....” 

    

“Akala ko ba sabi mo kaya ko ‘to. Na think positive. Para yatang bumibitaw ka na sa akin. Wala ka na bang tiwala sa akin ngayon, ha bessy? Wala ka na bang tiwala?” her eyes welling much. 

   

“Pssst,” sabi nito. Signalling for her to stop thinking that way. To calm her down. Niyayapos pa rin nito ang kaibigan. 

“Alam mo namang mahal kita bessy. Para na kitang kapatid. Gusto ko lang ang pinakamabuti para sa 'yo. Huwag mong kalilimutan ‘yan. Akala ko lang kasi makakatulong ‘yung ideya. H-Hindi ko naman alam na ganyan pala ang iniisip mo tungkol sa bagay na iyon.” 

     

She held her afterwards. Embraced her. “Subukan kong kayanin bessy. Basta’t huwag mo ‘kong bibitawan. At gusto ko na siyang kalimutan at ang lahat ng tungkol sa kanya. At sa namagitan sa amin,” her tears falling non-stop. 

      

“Oo,” as well she embraced her affectionately. “Tama ka naman. Hindi tayo sigurado kung sakali sa magiging reaksiyon niya. O ng pamilya niya. Baka nga lalo pang makagulo ang ideya ko. Hindi ko na siya babanggitin ulit. I’m sorry,” in an apologetic tone. 

   

And then they were settled.  

    

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status