Share

KABANATA-5

Unang araw niya sa pagpasok sa trabaho—as one of the hotel's front office receptionists sa dP Beach Tours Resort and Hotel. Hindi pa rin siya makapaniwala. 

Hindi niya talaga inakalang ang mestisang matandang babaeng nakilala niya at tumulong sa kanya ay siya palang pamilyang may-ari ng no. 1 luxurious resort hotel sa buong Romblon. Talagang bigatin pala ang matandang senyora. 

Bumaba siya ng main road. My shuttle service na nakaabang para sa mga empleyado mula roon. 

Nakamamangha na shuttle bus ang itsura ng service nila pero ang gulong ay parang sa mga monster car. She wondered why.

Hanggang sa ang kanilang konkretong dinadaanan ay matapos na. The vehicle turned to the sandy part. Bahagi na iyon ng shore ng dagat. Kaya pala iba ang klase ng gulong niyon. Dahil may dadaanang bahagi na buhanginan. 

Sa daan palang palapit sa kanyang destinasiyon ay nalulula na siya sa istrukturang kanyang nakikita. A massive five-story building, that even from a distance, just by merely looking at it's architectural design, was absolutely screaming the true meaning of the brand luxury. 

Mga hulmang disenyong pumapagitan sa bawat kuwarto from outside view. Designed 3D arc sa mga bintana. Structural formation sa mga terrace. The whole of the resort was covering roughly around 4-hectare land area more or less. Napaka-majestic ng vibe habang palapit dito at hindi niya magawang ibaling ang tingin sa ibang bagay liban dito. 

Sa gilid na parte ng massive hotel ang kanilang direksiyon. Habang palapit, makikitang ang paligid ng building ay may disenyong salansan ng mga bato as outer wall bago ang main building. Like they were naturally formed there by mother nature. May bahaging hagdan paakyat na mga bato rin ang disenyo. 

Nakababa na sila. They were instructed to use the side entrance sa pagpasok sa trabaho. Front door was exclusively for the guests and the hotel's VIP officials.

Greenery sa outdoor ang babati sa iyo paakyat sa hagdan mula sa disenyong salansan ng bato sa may side part ng hotel. The landscaped garden was captivating. It exuded a mini forest like effect. Harmony of colorful flowers, greens and trees. And the pleasant scent the plants gave off. 

Pagkapasok sa side entrance door ay nagtungo na siya sa kanyang destinasiyon. Sa may front desk sa may lobby ng hotel.

Habang naglalakad ay namamangha siya  sa laki at pagiging magarbo ng building interior. Pagdating sa lobby, the most eye-catching of all was the grand staircase overlooking the marble-filled lobby floor. Dangling from the ceiling was a hefty, grandiose chandelier, gleaming so proudly. Like thousands of stars at night would be no match. 

Some more architectural works adding further glam to the already regal ambiance inside. 

    

Nasa reception area ka pa lang ay tatatak na sa ‘yo that nothing the resort would offer than luxury at its finest. She couldn’t stop looking around, marveling at countless fancy things there inside. 

Na-brief na naman siya ng tungkol sa nature ng kanyang trabaho ng HR Department noong isang araw. May video pa siyang pinanood showing the everyday norms at the front desk. I-a-assist naman siya ng kanyang mga kasamahan sa reception for her first few days. 

Tinunton ng kanyang mga mata ang counter ng front desk mula sa pagmasid sa lahat ng nakamamanghang katangian ng istruktura. Elegante rin at makintab ang desk counter. Bagay sa grandeur theme ng lobby. 

At may dalawa pa siyang kasamahan doon. Lumapit siya saka ngumiti sa kanila.

Sa grand entrance ay may portion na floor to ceiling glass wall. My guard na babati sa luxurious entrance door, once you stepped in,  

“Hi,” magiliw niyang bati. Setting out good vibe and amiable first impression. 

Ngumiti rin kapwa ang dalawang kasamahanbniya sa front desk. Both said hi in synchronized manner. Then the two giggled. 

“Celia, right?,” one of them asked. 

Tumango siya. 

“I’m Janina, at siya naman si Rosett.” 

They shook hands, the three of them.  A little more chitchat introducing each to one another and sharing few personal infos. And on to their designated task at work. 

She was in charge with the phone and online reservations, mga emails, queries over the phone at iba pa. More like sitting office jobs. If things get a little loaded, she was told a hand would always be ready right from her co-receptionists. Pagtutulungan ang theme sa counter. 

While two of her colleagues were tasked to welcome arriving guests, assign rooms, provide information person to person, respond to clients’ queries and complaints etc in a person to person set up. More like having personal relations with the guests. At almost maghapong nakatayo. ‘Yun ang set-up sa counter. 

Kinumentuhan pa siya ng dalawang kasama na masuwerte dahil direct hire siya. And no less than the mother’s hotelier did the referral. At sinabihan pa raw ang mga ito ng HR Department na i-assist siyang mabuti. Help her out when needed. Give her a hand any time the job gets strenuous. Siguraduhing hindi siya ma-i-stress. At si Doña Augustina nga raw ang nagbigay ng description na magaan na trabaho at nakaupo lang ang ibigay sa kanya. 

   

Her heart swelled upon hearing that. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang amor sa kanya ng matandang donya. Like it was pouring and non stop. Hope one day ay makabayad din siya ng utang na loob dito. For now, to pull off the best of her ability para sa kanyang trabaho ang kaya niyang isukli rito. Na huwag itong mapahiya sa oportunudad na ibinigay sa kanya. At masiyahan ito sa pagganap niya sa kanyang trabaho. 

Nalaman niya rin mula sa mga katrabaho na may nag-iisang anak na lalaki si Doña Augustina. Johnny Reid del Prado ang pangalan at ang over all in charge sa operation ng hotel. 

Drop-dead gorgeous, very authoritative, possessed deadly masculinity. Talagang guwapo raw ito, standing very tall in regal stance. Ngunit babaero at buwan-buwan daw ito kung magpalit ng girlfriend. 

At presently ay may girlfriend daw ito na nagngangalang Candice. Madalas bumisita sa hotel. Maganda, very sophisticated at sobrang seksi, ngunit may bad attitude at conduct issue. Mataray, may pagkamatapobre, at may pagka-evil bitch. Ang pagsasalarawan ng kanyang mga katrabaho. 

Looked like they had distaste of the lady. O baka naman imbiyerna lang ang mga ito dahil girlfriend ito ng kanilang guwapong boss. The way they had described him, with much adulation. Baka naman at may lihim silang  pagnanasa rito. Anyway, non of her business. 

Na-promote ang isa sa mga receptionists at siya nga ang pumalit. Sinabihan pa nga raw silang mga kasamahan niya ng HR na pakisamahan siya nang mabuti at alalayan sa trabaho. Ang memo raw ay galing mismo kay Doña Augustina. Na always lend a hand on her when needed. Na huwag siyang hayaang ma-stress ng sobra sa trabaho. Huwag hayaang mag-entertain over the phone ng irate guest. Sila na lang daw ang sumagot pag ganoon.

Pakiramdam niya ay ramdam ng mga ito na may VIP treatment siya. Tila may himig irita o tampo sa tono ng mga ito. She felt a little bit off about that. But surely appreciative of the old woman’s kindness. Patuloy kasi ito sa malasakit. 

   

At sana rin ay hindi pagmulan ng kontrobersiya o hindi pagkakaunawaan sa pagitan niya at ng kanyang mga katrabaho kung special treatment mang maituturing ang ginagawa ng donya. 

   

   Ilang sandali pa ay may humintong napakagarang kotse sa façade ng building—isang magarang imperial blue na BMW 7 Series Sedan. Sabi ng mga kasamahan niya ay dumating na ang kanilang guwapong boss. Kilig to the bones ang mga ito. Iyon daw kasi ang sasakyan ng head executive ng dP Beach Tours. 

   Si Johnny Reid del Prado na anak ni Doña Augustina. Siya rin naman ay excited ding makita for the first time ang kanilang pinaka-boss. Curious sa sinabi ng mga kasamahan kung talagang guwapo ito. Or exaggerated lang ang pagsasalarawan ng mga ito. 

Not for anything, pero sino nga ba ang ayaw makakita ng guwapong lalaki? Babaeng-babae kaya siya at masarap kiligin at humanga kahit papaano. It always pleased the eyes to see a good-looking man. Wala namang masamang humanga kung sakali. Magaan sa pakiramdam ang maka-appreciate ng mga magagandang bagay. Tao man o work of art. 

     

May hawig ba ito sa mama na si Doña Augustina? Well, maganda ang mestisahing donya. Only that she had her skin crumpled a little because of age. O mas kamukha nito ang ama? 

   

Nakita niyang may naunang dalawang lalaking bumaba na naka black tuxedo. Binuksan ng isa ang back door ng kotse. Marahil ay mga bodyguards ang mga iyon. 

At nang papasok na ang mga ito sa glass door na entrada ng building ay laking gulat niya. This time she could very much see them clearer. Having better recognition of their faces. 

And easily her heartbeat raced like a hundred pulse per second. Pakiramdam niya’y tinakasan na siya ng dugo sa putla. Gulat na gulat sa nakikita. Aparisyon lamang ba ito? Nananaginip ba siya? Talagang hindi siya makapaniwala. Totoo bang nangyayari ang lahat ng ito? 

Kung maglaro nga naman ang tadhana. 

Hindi siya maaaring magkamali. Kilala niya ang lalaki sa hulihan ng mga bodyguards. Ang lalaking naka-dark suit at shades. And he’s absolutely drop-dead gorgeous. Bumagay ang postura nito, mamahalin at mukhang mabango. Ang guwapo at makisig na head executive ng kumpanyang pinapasukan niya ay nakita na niya dati. Kilala niya ito. And there's no way she could be wrong with it. 

   

Tandang-tanda niya at hindi niya kailanman malilimutan ang guwapong mukha nito. Ito ba ang tinutukoy na hotel general manager ng resort? Ito ba ang anak ni Doňa Augustina? Ito ba si Johnny Reid del Prado? 

    

My, oh my, oh my! No way! Hindi ito posible! Kung panaginip o bangungot man ang nagyayari ay gusto na niyang magising. May prank bang nangyayari sa kanya? At sino namang walang puso ang may pakana ng lahat ng ito? Tadhana pa ba ang may kasalanan nito? Indeed a small world. 

“Good morning Sir,” bati ng mga guards na nasa entrance lobby ng hotel. 

Johnny Reid was indeed a handsome stand-out. He was absolutely second to none. Definitely could afford to be a playboy. Mukhang mas gumuwapo pa nga ito ngayon kaysa ng huling kita niya rito. 

Pero higit sa kaguwapuhan nito ang dahilan ng sobrang kabang kanyang nararamdaman. 

Dumadagundong ang kabog ng kanyang dibdib habang palapit ito sa may front desk counter na kinaroroonan niya. She was so completely caught off guard. 

Napakatindi naman talaga ng sorpresang ito ng tadhana sa kanya. 

Susme! Kung bakit naman kasi sa lahat ng magiging boss niya ay si Johnny Reid del Prado pa? Kung bakit sa lahat ng donyang makaka-krus niya ng landas ay si Doňa Augustina pa na mommy nito. Gulat na gulat pa rin siya at hindi pa rin makapaniwala. 

The handsome Johnny Reid del Prado was the same handsome guy she had spent a night with sa mansion ng mga Sandival. The other culprit sa iskandalong naging malaking ingay sa mansion nina Monique. 

Johnny Reid was as well Jarred. Iisang tao lang ang lalaking nakasiping niya minsang isang gabi at ang may-ari ng hotel na kanyang pinagtatrabauhan. 

Iyon marahil ang tawag ng mga kaibigan nito rito—Jarred? And Johnny Reid was his birth name.

“Good morning Sir,” ang mga kasamahan naman niya sa may reception counter ang bumati nang matapat na ang mga ito sa kanila. 

She really wished he wouldn’t turn a look their way. Hindi niya alam ang magiging reaksiyon niya kapag nagtama ang kanilang mga tingin. Oh God, please! 

She was holding her breath the whole time. Hardly could move. Para siyang nakakita ng multo. Parang namamaligno. 

And my! Oh no! He took a glimpse at the front desk. Lalo na siyang namutla at nagimbal nang magtama ang kanilang mga tingin. The surprise look on his face. 

   

Hindi siya makahinga. My! She knew it. Namumukhaan siya nito. Naku po! 

Salamat na lang at dumiretso na ito ng tingin ilang sandali pa at tuluy-tuloy na ito sa paglakad. Nang huminto ito sa harap ng elevator ay bumaling pa ulit ito ng tingin sa reception. Muling nagtama ang kanilang mga tingin. His querying gaze. Was he trying to remember her? 

That she seemed a familiar face but had forgetten details about her? Maalala pa kaya siya nito? And that adventurous night they had shared. O isa lamang siya sa milyong babaeng pinakisamahan nito minsan isang gabi at kinabukasan ay nilimot na. 

Salamat na lang na sa pagbukas ng elevator door ay lumulan na ito roon. 

     

Goodness Gracious! Talaga nga naman. She finally had able to breathe. What a small world? Hindi niya inaasahan ang matinding sorpresang ito. Pinangako niya sa sariling hindi na sila muling magkikita nito. Na hindi niya hahayaang muling mag-krus ang mga landas nila nito. Some trick of fate. Ano nga ba ang laban niya sa pakikipaglaro ng kapalaran? 

      

She had been not herself for some time now. She couldn’t get over of Jarred, or Johnny Reid del Prado. Whatsoever his name. He’s all over her system. She could think nothing but him. Tulala siya habang nagtatrabaho. 

   

At nagtatrabaho talaga siya sa kumpanya ni Jarred. Na si Jarred ay ang anak ni Doña Augustina. Hirap pa rin siyang intindihin ang lahat. Na tanggapin ang katotohanang nangyayari nga ang lahat ng ito. 

    

“Hoy, Celia ano ba?!,” sita ni Janina na co-receptionist niya. Saka ay parang may naririnig siyang ring ng phone. 

“A-Ah, ano? A-Ano’ng sabi mo?,” hindi niya alam kung bakit siya tinatawag nito.  

Humugot ito ng bunting-hininga. “Hay naku, kanina pa po nagri-ring ang telepono. May problema ka ba sa tenga?!” 

Then she realized, phone pala sa table niya ang nagri-ring. She had been lost in thought for a while. Then went on to answering the phone. Baka possible guest na nag-i-inquire or magpapa-book ng room. 

    

Tila half-herself pa rin siya kahit nagawa na ang trabaho. Jarred had just shaken her world into a complete disarray. 

    

“Ano ba’ng nangyayari sa ‘yo? Kanina ka pa wala sa sarili ha. Tulala,” si Janina. 

   

“Oo nga kanina pa ‘yan. Akala niya siguro hindi natin napansin. Mula nang dumaan at makita niya si Sir Johnny Reid’,” Rosett emphasizing the name. 

   

“So what it is Celia? L-Love at first site?,” sabay ay nagtawanan ang dalawa. 

   

“Naku Celia, ngayon pa lang cut it off. Hindi papatol sa isang mababang uring tulad natin si Sir. Hindi mo pa nakita ang girlfriend no’n. Parang diyosa ang itsura. Maputi, makinis, sobrang sexy, classy woman. Mukhang mamahalin at pang-display talaga sa mga party at social gatherings. A-listed men you know, pagandahan at paseksihan ng girlfriend. Parang trophy na dini-display to their fellow gentlemen. Their silent bragging contest.” 

    

“And take note, mukhang kumuha pa ng master’s ang babaeng iyon sa Harvard kung paano makasilo ng first-rated na lalaking tulad ni Sir Johnny Reid. Tapos major niyo ay kung paano magpaligaya ng lalaki sa kama. Kaya hindi mabitawan ni Sir Jarred, kahit ugaling masahol pa sa basahan.” 

    

“Agree to that girl. Cleavage pa lang no’n naku po! Talaga namang walang lalaking hindi mabubusog,” si Rosett ulit. 

    

“So if I were you Celia, makuntento ka na lang sa tingin. Don’t dare go in the way of the tigress. Hindi mo gugustuhing malasap ang pangil ni Ma’m Candice. And it would go to no avail anyway, so don’t risk your life. Huwag ambisyosa,” si Janina naman. 

    

“Pero kung bilib ka sa sarili mo, well do your thing. Kung feeling mo pang-silo ang beauty na ‘yan sa mga royal blood, though we absolutely don’t think so, go ‘head and wish you the best of luck,” saka ay may kalakip iyong halakhak. Naghi-five pa ang dalawa. 

   

“Wake up girl. Trabaho ang ipinunta natin dito hindi lalaki… Or maybe you can, tonight. Unlimited Johnny Reid… but only in your dreams. Walang tigreng Candice ang kakalmot sa iyo habang pinapapak ang prinsipe niya.” 

    

Lihim na lamang siyang bumuntung-hininga. Hindi na pinatulan pa ang patutsada ng mga kasama. Kept her silence and went on to her seat. Sinubukang mag-concentrate sa trabaho….

Pero hindi pa rin niya magawang maging kalmado lang matapos ng nangyaring muling pagkikita nila ni Jarred. 

    

Diyosa, maputi, makinis, sobrang sexy, classy waman. Mukhang mamahalin at pang-display sa mga party at social gatherings. 

   

Tila umalingawngaw sa kanyang pandinig ang mga katagang iyon ng mga kasama. Bakit kung ganoon ay pinatulan siya ni Jarred? 

She was like the total opposite. Napangiti pa siya sa naitanong sa sarili. Lasing nga lang talaga siguro marahil ito at wala sa sariling huwisyo kaya nagawa iyon. 

Well, come to think of it, sexy naman siya—balingkinitan ang katawan, maganda ang hugis ng behind, at malaki rin naman ang hinaharap—but there’s nothing more than that. Dark skin, unsophisticated, plain. It was definitely the alcohol to blame for what had happened that night. Lasing ito kayat walang proper discernment. 

Kung nasa tamang huwisyo lang ito ay nunca sigurong hahaplos ang mga kamay nito sa kanyang kayumangging balat. Nuncang dadampi ang mga labi nito sa kanyang mga labi. Nungcang sisipingan at aangkinin. 

Kung kahit papaano’y nasa tamang huwisyo sana ito noon, then the intimacy happened between them could only be possible in her dreams. Hindi sana siya buntis ngayon at walang hinaharap na problema. 

Ano naman kaya ang magiging reaksiyon ng kanyang mga kasamahan kapag nalaman ang katotohanan. Ang katotohanang may nangyari na sa pagitan nila ni Jarred—ng kanilang guwapong boss. As they had sounded like him touching her was next to impossible. 

Hindi kaya magulantang ang mga ito kapag nalamang buntis siya at ang ama ay no less kundi ang kanilang drop-dead gorgeous boss na si Johnny Reid del Prado. Pihadong magiging sampal sa mukha ng mga ito na may namagitan na sa kanilang dalawa nito. 

BAHAY, SA APARTMENT-- 

Habang naghahapunan. 

“Really.., talaga!,” sabi na nga ba’t hindi rin makakapaniwala si Lizbeth sa nangyari. Ang tungkol sa pagkikita nila ni Jarred. 

“Kung alam mo lang kung gaano ako gulat na gulat sa lobby. Kumabog talaga ang dibdib ko nang mapagtanto kong tila namumukhaan ko ang kararating palang na boss namin. Hanggang sa makalapit na siya sa may counter at makasigurado akong siya nga si Jarred. Ang may-ari ng pinapasukan kong hotel na kilala sa pangalang Johnny Reid del Prado. Para talagang hindi ako makahinga sa gulat kanina,” reliving the said incident. 

”Oh, paano na? Ano na ngayon niyan? Magre-resign ka ba?” 

“Naisip ko na rin ‘yan. Kaya lang, mahirap makahanap ng trabaho. O malas lang talaga ako nowadays. Isa pa, inaalala ko rin kung ano ang iisipin ni Doña Augustina kung sakaling mag-resign ako. Alin, hindi ko nagustuhan ang trabahong ibinigay niya kaya umalis ako. Ako na nga lang itong tinulungan ang arte ko pa. Ako pa itong mataas.” 

“Mag-resign ka tapos sabihin mo sa kanya ‘yong totoong dahilan.” 

“Sira ulo ka ba?!” 

“Well, at least malalaman niya na magkaka-apo na siya.” 

“Tingin mo magugustuhan niya ‘yon?” 

“Akala ko ba mabait ‘yung matanda.” 

“Mabait kung sa mabait. Malay mo magbago ang ugali kapag nalaman niya ang totoo. Magkakaapo ba naman sa isang tulad ko lang. Pihado, may pangalang pinoprotektahan ang mga iyon. Tapos sisirain ko.” 

“Malay mo.” 

“Ayokong makipagsapalaran. Saka ayoko namang gantihan ang kabaitan ng matanda ng pagsasabi ng masamang balita. Parang betrayal. Higit, hindi dapat malaman ni Jarred ang tungkol sa bata.” 

Nagkibit lang ng balikat si Lizbeth. 

“Mangako kang wala kang pagsasabihan kahit sino. Ikaw lang ang may alam na buntis ako.” 

“Paano naman po kapag lumaki na ang tiyan mo?” 

“Kapag may nagtanong, sabihin mo winan-two-three ako ng boyfriend ko.” 

Natawa pa talaga ang loka. 

“Kailan ka naman kaya nagka-boyfriend aber?” 

“As if sure ka naman na alam mo ang lahat ng tungkol sa akin. Hindi naman ako field reporter na kailangan mag-report sa ‘yo kung magbo-boyfriend ako o hindi. Basta ‘yon ang sabihin mo.” 

“Hindi ko nga man alam ang lahat ng tungkol sa ‘yo pero sure na sure na sure ako na hindi ka pa po nagkaka-boyfriend. Okay.” 

“As if alam naman ng ibang tao na NBSB ako.” 

Napangiwi si Lizbeth. Like guilty for something. 

“K-Kapag kasi may nagtatanong kung may boyfriend ka, sabi ko hindi ka pa nagkaka-boyfriend ever. Kaya may ibang nakakaalam na NBSB ka.” 

She greeted her teeth. Annoyed. “Bestfriend ba talaga kita?” 

“Para kung sakaling may lalaking gustong pumorma sa ‘yo alam nila na available ka.” 

“Hayyy.., so sweet, so dapat pa ‘kong magpasalamat gano’n. As in topic ako ng tsismisan niyo tapos utang na loob ko pang pinagkukuwentuhan niyo ang pagiging NBSB ko gano’n. Just how much of a loving friend you are. Thank you,” nasa tono ang panunuya. 

“You’re welcome my dearest friend,” with her ever sweet annoying smile. 

Nagtiim siya ng bagang sa inis. Kung puwede lang manakal ng leeg ng kaibigan. 

“Basta kapag halata na ang tiyan ko sabihin mo tinakbuhan ako ng boyfriend ko. Kapag sinita ka dahil sabi mo hindi pa ‘ko nagkaka-boyfriend ever. Sabihin mo sensiya na po, siyonga-siyonga po pala ang lola niyo. Hindi ko po alam na nagka-boyfriend siya. Slow po pala ako, ngayon ko lang nalaman na boba ako.” 

“Hoy bessy!, sakit naman ng mga salitang ‘yon ha.” 

“Kung ayaw mo, gumawa ka ng sariling alibi mo. Basta, walang makakaalam sa tunay na ama ng dinadala kong sanggol. Lalo na sa kuwento kung paaano ako nabuntis. Period!,” gave her that worst dagger look ever. 

She should know by now that she must put her best behavior together or else… may kalalagyan talaga siya. Hindi ito tonong nagbibiro. 

She forced a smile and swallowed hard. “P-Period, sabi ko nga. Walang makakaalam,” sealed it with pouting lips. 

            

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status