Share

KABANATA-6

Past twelve na noon ng tanghali at siya na lamang ang nasa reception desk. Nakapananghalian na siya. Alternating sila ng schedule ng lunchbreak dahil hindi puwedeng walang tao sa reception counter. 

Samantalang ang kanyang dalawang co-receptionists ay kasalukuyang out for lunchbreak.  

Hanggang sa may dumating na package from a known courier service company. Itinuro siya ng mga guard sa entrance para ipagkatiwala ang brown envelope. Nakalagay ang pangalang Johnny Reid del Prado as consignee at may memo na urgent sa envelope. 

Tumawag siya sa intercom para ipakuha kay Mang Tasyo na siyang messenger ng kumpanya ang package. Pero ayon sa sumagot ay wala si Mang Tasyo at nautusan daw sa labas. 

She was reminded of the urgent memo. Wala siyang ideya kung para saan ang envelope o kung ano ang nilalaman niyon. Pero kung naka-label ito ng urgent ay kailangang maiabot iyon sa CEO office sa lalong madaling panahon.

Pero wala si Mang Tasyo para gawin iyon.  Kung ipagkatiwala niya sa iba, sagutin niya kapag hindi iyon umabot sa kamay ng CEO. 

But one thing’s for sure, kailangan iyong makarating the soonest sa office ng chief executive officer ng hotel—no less than Jarred or Johnny Reid. 

Pero sino ang uutusan niya para gawin iyon. Hindi naman niya maiutos sa mga guard na ihatid iyon sa opisina ni Jarred. Importante ang trabaho ng mga ito para sa security ng hotel at hindi puwedeng mawala sa entrance. 

Seemed no other recourse than her personally to hand it over to him. Pero hindi pa siya handang makaharap ito face to face. Nope, not this too soon. Oo nga’t magkasama sila nito sa trabaho at boss pa niya ito. Pero hindi naman kasama sa description ng kanyang trabaho na mag-report dito at magkaroon ng personal encounter dito. 

So long chances would permit ay iiwasan niyang makaharap ito. It would feel very much awkward meeting him eye to eye. Sariwa pa rin sa kanyang alaala ang lahat. Hindi nga lang niya alam kung naaalala pa siya ni Jarred. O ang tungkol sa nangyari. 

Pero ramdam niyang namumukhaan siya nito—like she was some familiar face. Hindi nga lang siya sigurado kung hanggang saang detalye ang naaalala nito tungkol sa kanya. 

Pero ano na namang laro ng tadhana ito ngayon? 

Salamat na lang at namataan na niya ang kanyang mga kasamahang receptionists na pabalik. Tamang-tama at sa kanila na lamang niya pahahatid ang envelope. 

Ngunit pagdaka ay nag-atubili siya. Baka bigyan naman ng ibang kulay ng mga ito ang bagay na iyon. Akusahan siyang may sungay at feeling VIP. Feeling na malakas siya kay Doña Augustina kayat kung umasta ay animo’y boss. Na kabagu-bago pa lamang niya ay siya pang may ganang mag-utos sa kanila. Nasa isip pa naman ng mga ito na dahil direct hire siya at in-assign kaagad sa computer at phone duties ay may special treatment nga sa kanya si Doña Augustina. 

Pero bahala na. Susubukan na lamang niya. Everything but a face to face meet with Jarred. Hindi pa niya kaya. 

Nakabalik na sa counter ang kanyang mga kasamahan. Ilang sandali pang pahinga ng mga ito at naglakas loob siya. Alangan ngunit magbabakasakali pa rin siya. 

“Rosett, kasi may ibinigay na envelope dito sa counter. Wala si Mang Tasyo. Okay lang ba kung ihatid mo sa office ni Sir del Prado. Urgent kasi ang nakalagay na memo sa envelope.” 

Tumingin ito nang mataman sa kanya. Sabay ay nagtaas ng kilay at nag-irap ng mata. 

“Okay ka lang girl?,” saka ay pa-snub na tumalikod ito. 

She got it. It’s a no. 

Sinubukan pa rin niya sa isa pa niyang kasama. Ngunit ibubuka pa lamang sana niya ang kanyang bibig nang…. 

“It’s a no Celia. Sa iyo iniabot ang envelope na ‘yan so your responsibility. Wala kaming sagutin kapag hindi iyan nakarating sa opisina ni Sir Johnny Reid on time.” 

“Baka naman sobra siyang nininerbiyos girl na ma-meet si Sir Johnny Reid at close range. Feeling hihimatayin. Nakita mo naman ang effect ng charm ni Sir sa kanya kanina hindi ba?” 

“Yup, tulaley at tuliro ang lola mo from that first meet on. Most probably daydreaming of him kayat hindi marinig ang ring ng phone.”  

Rosett walked around her and stop. “Feeling mo ba talaga Celia hihimatayin ka kapag na-meet mo si Sir face to face. Having those darting, deep-set, hazel brown eyes looking straight into your eyes. The most beautiful pair of eyes you will ever see.” 

“Uso pa ba ang ganyan ngayon girl. Pa-Maria Clara effect. If I were you Celia, go with the flow. Change strategy. Wa effect na ngayon ang pa-demure at naive effect sa mga lalaki. They prepare the adventurous, wild type. Lalo na si Sir Johnny Reid ano. Kilala siyang panty ripper.” 

“Anyway Celia, anyhow, huwag kang feeling diyan. Pihado namang hindi ka no’n papansinin. Ni tingin ay baka hindi ka pa pagdulutan no’n. Look at you. You don’t even past average. You’re face is plain and boring. Everything about you is forgettable. Sure, mas magkakainteres pa si Sir sa isang katulad ko kung sa 'yo lang din naman. Right Janina?,” hanap nito ng affirmation sa kasama. 

“Ah-h, e-eh…, malay. W-Wala akong alam diyan,” may kalakip pa ‘yong ngisi. 

At talaga namang nilaglag siya ng kanyang accomplice in crime. 

“Talaga lang Janina ha, laglagan. Humanda ka kapag ako naman ang naglaglag sa ‘yo, sisiguraduhin kong mabubukulan ka,” inis talaga ito sa hindi pagkampi sa kanya ng kasama.

     

Well, she guessed that was it. Wala na siyang mapamimilian pa kundi ang makaharap si Jarred. Para wala na lamanng issue ay hindi na niya pakikiusapan at kukulitin pa ang mga kasama. 

Nasa bungad na siya ng elevator nang muli ay sukluban ng nerbiyos na makaharap si Jarred. Just imagining him standing in front of her and having eye to eye contact with him. Hindi siya mapakali at puno ng aligaga. 

And suddenly her legs became heavy. Hindi niya iyon maihakbang nang bumukas na ang pinto ng elevator. Hindi niya talaga kaya. Couldn’t imagine him in front of her. Pakiramdam niya ay para siyang lalamunin ng lupa. 

His expressive brown eyes darting straight into hers. Hindi niya kayang makipagtitigan dito. At ang isipin na kung ang mga titig ba na iyon ay titig ng pangungutya? Pagtatawa? O pagiging mababa ng tingin sa kanya dahil sa nangyari sa pagitan nila dati? Or mockery dahil nakaisa ito sa kanya at nakuha siya ng isang gabi lang. Hindi pa nga niya talaga kayang makaharap ito. 

Bahala na pero pipilitin na lamang niyang muling kausapin ang mga co-receptionists. Bahala na kung ano ang iisipin ng mga ito. She just simply couldn’t do it. And yes!, hihimatayin siya kapag nakaharap si Jarred 

Natawa ang kanyang mga kasama nang makita ang itsura niyang namumutla at garalgal pa ang boses habang pinapakiusapan ulit sila nito na ihatid ang hawak na document sa opisina ni Sir del Prado. 

“Poor you Celia. Tinamaan ka talaga kay Sir Johnny Reid ano? Isipin mo lang na makakaharap siya ay nerbiyos to death ka na diyan.” 

“Sige na. First and last favor ko ‘tong hihingin sa inyo, promise” talagang nakikiusap siya at nagsusumamo sa mga ito. 

“Celia, still a no. Nasa modern age na tayo ngayon. Hindi na uso ang mga babaeng pamahinhin effect... Ikaw na lang ang maghatid. Hayaan mo ipagdarasal ko na hindi ka mabukulan kapag hinimatay ka sa presence ni Sir Johnny Red,” saka ay tumawa ito. 

“Sige na naman oh. Ngayon lang talaga,” hindi pa rin sumusuko si Celia na animo’y mangiyak-ngiyak na. 

Ngunit imbes na magkasimpatiya ay pinagkatuwaan at pinagtawanan pa ulit siya ng mga ito. 

Kung alam lang ng mga ito kung ano ang pinanggagalingan ng kanyang mga reaksiyon. Ang tunay na dahilan ng kanyang pagiging sobrang reluctant na makaharap si Jarred. 

And definitely not because of their petty accusations. At inaakusahan pa talaga siya ng mga ito na patay na patay dito.  

Pero akusa lamang ba iyon o hanggang ngayon ay may paghanga pa rin siya rito? Gaya ng unang pagkikita niya rito sa mansion ng mga Sandival. 

Agad ay na-fascinate siya sa angkin nitong kaguwapuhan. Kung saan ay nangyari ang isang gabing hindi niya inaasahan na magaganap sa tanang buhay niya. Ang pagpapaubaya ng buong sarili sa isang estrangherong lalaki. 

Well truth of the matter, she must admit, nandoon pa rin ang paghanga niya at appreciation sa good looks nito. Gaya ng una niyang pagkakatagpo rito, kaninang nakita niya ito sa may lobby ay nandoon ang parehong pakiramdam. The same rapid heartbeat. The sudden jerk of same exciting feeling. The same hook. 

Pero unlike before ay matino na ang isip niya ngayon. Hindi lumagok ng alak. Sigurado siyang hindi aabot sa kama ang anumang infatuation na meron siya towards him. No way that it would happen the second time around. She had learned her lesson. 

Looked like she really had to do it by herself. Hindi na niya talaga maiiwasan pa na makaharap si Jarred. 

Ba’t kasi hindi man lang siya binigyan ng mababait at mapang-unawang mga katrabaho? Masyado na yatang against sa kanya ang tadhana. 

Nilakasan na lamang niya ang kanyang loob. No other recourse anyway. Off she stepped into the elevator’s door kahit pa napakabigat ng mga hakbang ng kanyang paa. Huminga muna siya nang malalim bago lumulan sa bumukas na pinto ng elevator. 

“Don’t faint,” pahabol pang pang-aalaska ng kanyang mga kasama. May pahabol pang tawanan iyon. 

Habang pataas ang elevator ay lalong bumibilis ang tibok ng kanyang dibdib. Hindi niya iyon makontrol. Hindi niya maiwaksi ang pagkailang at takot. Maisip lang niya ang mukha ni Jarred na kaharap niya ay napakalaki na ng kanyang kaba. Imagine-nin lang niya ang mga mata nitong nakatitig sa kanya ay tila tinatakasan na siya ng dugo sa buong katawan. 

Standing in front of the executive’s office door. Felt like forever. Hindi na niya matiyak kung ilang minuto na siyang nakatayo roon. Ito ang direksiyong itinuro ng babaeng napagtanungan niya sa may hallway. Her nerves ultimately hunting her down. 

Hindi niya maihakbang ang kanyang mga paa. Tuluyan na yatang nanigas ang kanyang mga kalamnan.  

Naisip niya ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. Ang tungkol sa sanggol sa kanyang sinapupunan. 

No way! Hindi na kailangan pa nitong malaman ang tungkol sa bata. Wala naman siyang dahilan para gawin iyon. Lalo’t ayaw na niya itong maging parte pa ng kanyang buhay. 

Well, in the first place, hindi naman talaga ito naging bahagi ng kanyang buhay. Just that, may pinagsaluhan silang ilang minuto in that ill-fated night. At iyon na dapat ang huli at katapusan niyon. Wala nang karugtong pa. 

“It’s okay Miss, hindi naman cannibal si Sir. Hindi ka niya kakainin ng buhay. Kung sakali ay iba ang ginagawa niya sa babae,” may pilyang birong sabi ng babaeng biglang sumulpot mula sa kanyang likuran. Ito rin ang babaeng kanyang napagtanungan sa may hallway. 

“I’m his secretary. May kailangan ka ba?” 

Saka niya napansin ang desk sa gilid na entrada ng office ni Johnny Red. Ito marahil ang umookupa rito. 

“Ah, m-may package kasing iniabot sa baba. Urgent ang nakalagay. Puwed…” May sasabihin pa sana siya nang bigla nitong binuksan ang pinto. Bahagya siya nitong itinulak papasok. 

She had not made up her mind yet kung papasok sa loob o hindi. But pretty late, nasa loob na siya ngayon. At laking gulat niya sa nakita. Isang hindi kaaya-ayang tagpo. 

A thing to surely get turned off about. She was disappointed and sort of pissed off to have witnessed this thing going on inside. Not proper for two civilize people. Gusto yata niyang bumaligtad ang sikmura sa nakikitang kalaswaan. 

Sa may gilid ng executive desk nakaupo si Jarred. Samantalang nakaupo sa may lap nito ang isang babae at nakapulupot ang mga kamay nito rito. In the midst of a heated French kissing. Like the hell they cared about the world. ‘Di alintana kung may papasok sa kuwartong iyon at makita ang kanilang makamundong gawain. Walang paki kung offending man iyon sa mata ng makakakita. 

Maganda ang babae, fair-skinned, sexy, mahaba at makintab ang buhok. Marahil ang sinasabing girlfriend ng kanilang boss na si Johnny Red del Prado ng mga kasamahang receptionist—si Candice. Aaminin niyang maganda talaga ito. Artistahin ang dating. Parang modelo. Napakalayo sa itsura niyang simple, hindi pansinin at halos ay walang dating. 

Kaya nga siguro marahil matatawag na isang kahangalan ang pagpatol ni Jarred sa kanya ng minsang isang gabi. 

Nang mapansin siya ni Candice ay natigil ito sa paghalik. Pumormal ng tayo at tumingin sa kanyang direksiyon. Sa ekspresiyon ng mukha nito ay nandoon ang pagkayamot at pagkairita. 

“Yes,” habang nakataas ang kilay nito. “What are you doing here?,” halata ang natural na pagkamataray sa tono ng boses nito. 

Nang bumaling si Jarred ay nakita siya nito. Napatitig sa kanya. Pagkabigla at pagkasorpresa ang mababakas sa mukha nito. 

“A-Ah Sir, may package lang po para sa inyo. Ihahatid ko lang sana” 

“S-Sige, ilapag mo na lang diyan. Then you may go,” si Candice sa supladang boses. Tila nagmamadaling mapaalis siya para marahil maipagpatuloy na ang naudlot na ginagawang lampungan. 

Akma na siyang lalabas ng pinto. Binuksan iyon. 

Ngunit lumapit pala si Candice at hinabol siya. Itinulak ulit iyon ng pasarado. 

“Next time, knock on the door before geting inside.

Hindi ka ba marunong ng proper manners. Ayaw ko nang maulit ito. Because the next time, magbalot balot ka na and look for another job,” halos ay pabulong lamang siyang pinagsabihan ni Candice. Ngunit puno ng kompiyansa at awtoridad. Tinaasan pa siya nito ng kilay. Astang boss at animo’y siyang may ari ng hotel. 

“S-Sorry po Ma’am, hindi na po mauulit.” 

“I don't take your sorry. Make sure na hindi na ito mauulit,” irita at masungit nitong sabi. 

Pagkalabas Niya ay isinarado kaagad nito ang pinto. Narinig pa niyang ini-lock nito iyon. 

Nakaramdam siya ng pagkayamot. Kung puwede lang kumatok ulit para istorbohin ang mga ito sa ginagawa. Hindi niya mawari kung dahil sa kasungitan ng Candice na iyon kaya siya naiinis o may iba pang dahilan. She hated the images in her mind. Things that might just be happening now behind the executive’s office door. Ang mga pang-aakit at paglalanding ginagawa ni Candice. At ang lokong Jarred ay gustong-gusto naman iyon. 

Tila may gumuguhit na kirot sa kanyang dibdib sa isiping iyon. At hindi niya mawari kung bakit. 

Totoo nga ang sinabi ng kanyang mga co-receptionists. Maganda at talagang pang-display sa publiko ang babaeng iyon. 

Pero halata namang masama ang ugali. Masungit, mataray at walang delikadesa. Intimacy between a man and a woman should be done privately. Sukat ba namang gawing motel ang opisina. Halatang pisikal at hindi ugali ang batayan ni Jarred sa karelasyon. Hindi naman kasi maipagkakailang masama ang ugali ng babaeng iyon. Nga lang ay talagang maganda ito at kaakit-akit ang hubog ng katawan. 

Ewan kung bakit kakikita pa lamang niya sa Candice na iyon ay tila kumukulo na kaagad ang dugo niya rito. Marahil ay dahil tinarayan siya nito. Ngayon ay mas napagtanto niyang ang nangyari sa pagitan nila ni Jarred ay isa nga lang talagang pagkakamali. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status