Share

Chapter 65

"Stop it, Miguel!" pabulong na saway ko sa kaniya sabay iwas ng tingin ko.

Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ito. Luminga-linga ako sa paligid baka may nakakita sa amin at nakakakilala sa akin. Nakahinga ako ng maluwang nang napansin na kakaunti lang ang kumakain tapos nasa pagkain lang sila nakatingin.

Hindi rin nagtagal ay natapos na akong kumain. Hindi ko na lang pinansin ang malalagkit na pagtitig niya sa akin. Hindi naman bago sa akin ang ganito pero para akong naninibago. Dahil ba pareho kaming may nararamdaman sa isa't isa?

"Mukhang malalim ang iniisip mo," biglang tanong ni Miguel habang naglalakad kami patungo sa kwarto ng Mama niya.

"Wala naman. Masaya lang ako," saad ko. Ipinulupot ko ang aking isang kamay sa baywang niya at isinandal ang ulo sa balikat niya.

"May problema ba?" tanong ni Miguel.

Huminto ako sa paglalakad. "Baka isang linggo akong mawawala. Kasal kasi ng pinsan ko. Pupunta ako ng Cebu. Binigyan kasi ako ni Daddy ng one week vacation. Sayang dahil h
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status