Tumayo ako at pinulot ang bag ko na nasa sahig. Maingat ko itong inilagay sa maliit na mesa. "Ano naman kung anak ako sa labas, Ate? Nagpapasalamat nga ako dahil nalaman ko ang totoo." Inayos ko ang suot kong damit. "Wow! Ibang klase ka rin." Pumalakpak si Ate. "Proud na proud ka pa nang nalaman mong anak ka sa kabit ni Daddy," dagdag niya. Kumuyom ang mga kamao ko. Gustong-gusto ko na siyang sabunotan ng buhok pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Kailangan kong kumalma dahil pagmamay-ari ko ang condo. "Kuya Jay, palabasin mo nga 'tong kapatid ko," utos ko. Tumingin ako kag Kuya Jay nang napansin na hindi siya gumagalaw sa kinatatayoan niya. "Papalabasin niyo po ba siya o gusto mong mawalan ng trabaho?" pagbabanta ko. "Huy, Caroline! Hindi mo ako pwedeng palabasin dahil pagmamay-ari ko rin 'to!" galit na sigaw ni Ate nang hawakan siya ni Kuya Jay. "Caroline, ganiyan ba kalaki ang galit mo kay Cecile? Gusto niya lang manatili rito ng isang gabi -" "Huwag kang makisali rito,
Napabalikwas ako nang nakita ko si Julia na naglalakad patungo sa akin. Sumisimsim siya ng kape. "Ayos ka lang ba? May problema ba? Kanina ko pa napapansin ang pagiging tahimik mo." Inilagay niya sa mesa ang baso na may lamang kape. Ngumiti ako at umiling. "Napagod lang ako sa biyahe," pagdadahilan ko. Tinaasan niya ako ng kilay. "Wala akong problema, Jul. Pagod lang talaga ako." Sa totoo lang ay hindi ako nakatulog ng maayos kagabi pagkatapos tumawag ni Mommy. Hindi ko alam kung bakit siya tumawag at humihingi ng kapatawaran sa lahat ng mga nagawa niya sa akin. First kong narinig galing sa kaniya ang salitang sorry. "Kumusta ka na pala? Wala na akong balita tungkol sa 'yo. Sabi ni Tita Glenda busy ka raw sa kompanya niyo. Hindi mo naman sinabi sa amin na sinagot mo na pala si Alexander." Muli siyang sumimsim ng kape. "Akala ko ba ayaw mo sa lalaking 'yon. Alam mo na, ang pangit ng life background niya." "I had no choice, Juls. Hindi rin ako ang nagdesisyon na sagotin si Alexande
Buong maghapon akong nakakulong sa kwarto ko. Palagi akongkinukulit ng iba kong pinsan na lumabas at makipaglaro sa kanila dahil hindi gaanong masakit ang sikat ng araw. Tinatanaw ko lang sila habang masayang naglalaro sa dagat. "Caroline, pagbigyan mo naman ako. Ikakasal na ako tapos ayaw mong makipaglaro sa amin," sabi ni Julia pagpasok niya sa kwarto ko. "Gusto ko munang magpahinga. Mamaya na lang ako lalabas," saad ko habang inaayos ang mga damit ko. "Promise? Magtatampo talaga ako sa 'yo kung hindi ka lalabas." Ngumiti ako at tumango. "Promise." Humiga ako sa kama nang lumabas na si Julia sa kwarto ko. Sa totoo lang tinatamad akong lumabas at makipaghalubilo sa mga pinsan ko mula nang nalaman kong anak ako sa labas. Natatakot ako sa posibleng sasabihin nila kapag nalaman nilang hindi ako anak ni Mommy. Nag-download ako ng mga video games sa cellphone ko para may pagkakaabalahan ako. Hindi rin nagtagal ay nababagot na ako sa paglalaro. Nanuod ako ng mga palabas at iba pang
Naninigas ako sa inuupoan ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung ano ang i-re-react. "Caroline Anastasia Brooks is dating his personal body guard," pag-uulit ni Violeta sabay pakita sa akin ng cellphone niya. "A-Anong ibig sabihin nito, Caroline?" tanong ni Julia habang nasa cellphone ni Violeta ang paningin niya. "Nasa news ka pero hindi nila nilagay ang litrato ng sinasabing body guard mo." "T-That's not true. I'm not dating my body guard," depensa ko. Tumayo ako para tingnan ang sinasabi nilang balita tungkol sa akin. "Saan naman nanggaling ang balitang 'to? At sino ang nagpapakalat ng maling impormasyon?" Napakagat-labi ako nang naalala ko si Miguel. Wala akong planong i-deny ang relasyon namin dalawa pero hindi ko mapagilang mag-alala para sa kaniya nang naalala ko rin ang sinabi ni Miguel kagabi. Ayokong malagay sa alanganin ang buhay niya dahil lang sa akin. For now, I'll try my best to keep our relationship. Sobrang aga pa para malaman ng publiko ang tungkol sa amin.
Tumingin ako sa mga magulang ni Alexander na pinipigilan ang anak nilang suntokin si Miguel nang nakita niya ako. "Wala ka talagang mabuting bagay na naiambag sa pamilyang 'to!" galit na asik ni Ate Cecile. Tumayo siya at naglakad patungo sa akin. "Puro ka na lang kahihiyan! Pati pamilya ni Alexander pinapahiya mo!" "Shut up, Cecile!" Ipinagsiklop ni Daddy ang mga kamay niya. Hindi siya makatingin sa akin dahil nasa kay Miguel ang paningin niya. "Hindi maayos 'to kung pagagalitan natin ang kapatid mo. Kailangan nating kumalma at pakinggan ang hinaing niya tungkol sa balitang kumakalat sa media na may relasiyon silang dalawa ni Miguel!" "Kung malandi ako, mas malandi pa pala 'tong anak sa labas!" Padabog na bumalik sa pagkakaupo si Ate Cecile sa tabi ni Mommy. Binigyan ako ni Manang Cristy ng sariling upoan at inilagay ito sa harapan. Maingat kong ibinaba ang bag ko bago tumingin sa kanila. Pumikit ako ng ilang segundo pagkatapos kong sulyapan si Miguel. "Sinabi na ni Miguel sa am
Umawang ang labi ko at napatingin kay Ate Cecile. "She can't bear a child?" namamaos na tanong ko. "Oo, Caroline. Hindi ako makakaanak," saad ni Ate Cecile habang sumisimsim ng kape. "Maraming issue ang kapatid mo. Ayaw namin ng gulo. Wala rin kaming pakialam kung anak ka sa labas ni Samson, hija," dagdag pa ni Tita Portia. "You'll just give us a grandson, hija. You can file a divorce after giving birth," sabi ni Tito Rafael. "Nahihibang na ba kayo? Ipapakasal niyo kaming dalawa dahil gusto niyong magkaroon ng apo?" Napasinghap ako. "Hinding-hindi ako magpapakasal sa anak niyo!" "Caroline, watch your words!" saway ni Mommy. "Bakit ba ayaw niyo akong tigilan sa kapipilit nang kasal na 'yan? Pwede naman kayong maghanap ng taong magdadala sa apo niyo. Bakit ako pa?" Bumaling ako kay Daddy. "I will not marry him. Wala akong pakialam kung mawawalan ako ng mana, mawawalan ako ng trabaho, at itatakwil niyo ako bilang anak! Hindi ganitong buhay ang pinapangarap ko. Gusto kong magkaroon
"Miguel, saan tayo pupunta kung itatanan mo ako?" Nagdilat ako ng mata. Napahawak ako sa dibdib ko nang naramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Napatingin ako sa wall clock. Pasado alas diyes na ng umaga. Luminga-linga ako sa loob ng kwarto, hinahanap si Miguel pero hindi ko siya nakita. Napasinghap ako nang napagtantong panaginip lang pala ang lahat. Umahon ako sa kama at nagbihis ng damit. Uminom ako ng tubig bago bumalik sa pagtulog. Sinubokan kong matulog ulit ngunit hindi na ako dinadalaw ng antok. Kinuha ko ang cellphone ko saka tiningnan ang ilang mensahe galing sa mga kaibigan at katrabaho. Silang lahat ay nagulat at hindi makapaniwala sa balitang kumakalat tungkol sa amin. Tinatanong nila ako kung may katotohanan ba ang balitang 'yon. Tiningnan ko ang numero ni Miguel, gusto ko siyang tawagan upang kumustahin. Gusto ko siyang puntahan sa silid niya pero hindi pwede. Kung pupunta ako roon kahit wala akong kailangan mas lalong magtataka ang mga tao sa mansiyon. Lalon
Isa-isa kong tiningnan ang mga sinasabing litrato na ipinadala kay Daddy. Napatakip ako sa bibig nang nakita ang ilang litrato na magkasama kaming dalawa ni Miguel. "Someone sent these photos. Ngayon ko lang din nakita ang mga 'to. Paano mo ipapaliwanag ang lahat ng 'to, Caroline?" Bakas sa boses ni Daddy ang panggigigil. "Hindi ko alam kung ilang tao ang nakakita sa mga litratong 'to bago ipinadala sa akin. Nakakahiya ka, Caroline. Pinalaki kita ng maayos pero ito ang igaganti mo sa akin? Pumatol ka sa isang body guard!" Napahawak ako sa kabila kong pisngi nang sampalin ako ni Daddy. Mas malakas ang pagkakasampal niya kaya agad kong naramdaman ang sakit nito. Nanatili lang akong nakayuko at nasa mga litrato ang paningin ko. "Kaya ba ayaw mong pumayag na ikasal ka kay Alexander dahil siya ang gusto mong pakasalan? Ano? May nangyari na sa inyo? Malaki ang tiwala ko sa 'yo pero anong ginagawa mo, Caroline? Isang body guard?" Hindi ako makasagot. Parang may bumabara sa lalamunan ko.