Share

Chapter 89

Pinatay ko ang TV matapos kong marinig ang sagot niya. Hindi ko maitago ang inis ko nang nalamang ang bilis niyang naka-move on sa relasyon namin. Ganito ba siya kabilis maghanap ng babae? Wala pang isang buwan mula nang naghiwalay kami.

Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito. Agad kong pinatay ang tawag nang nakita ang pangalan ni Mommy. Napatingin ako sa wall clock, pasado alas otso na ng gabi. Ang bilis ng oras. Hindi ko man lang namalayan.

Bago ako natulog, nag-book muna ako ng isang room sa Isla Del Fuego. Doon ako pupunta bukas. Matagal-tagal na rin akong hindi nakapunta ng resort para mag-unwind. Kesa naman isipin ang mga problema at magmukmok dito sa condo, lilibangin ko na lang ang sarili ko. Magpapakalayo muna ako sa mga problema.

Welcome to Isla Del Fuego!

Ito ang bumungad sa akin pagdating ko sa isla habang tinutulak ang aking maleta papasok at hinahanap ang room ko. Tirik na tirik ang araw at nakalimutan kong maglagay ng sunscreen bago ako umalis ng condo.

"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status