First time na nilunok ni Sophie ang pride para kay Stella. Nahihiya din siya sa mga ginawa niya dito noon. Nahihiya siya sa mga sinabing hindi maganda dito noon katulad sa panglalait sa pagkatao nito. Ngayon niya napatunayan na hindi puro pagkukunwari lamang ang ipinakitang ugali sa kanila noon ni Stella. Na tunay na may malasakit ito sa abuelo niya at mahal ang kapatid niya. Pero isa siya sa dahilan kung bakit nasira ang relasyon ng dalawa. Pagtingin ni Sophie kay Stella ay nagdududa ang tingin nito sa kaniya. Tingin na tipong may gagawin siyang hindi maganda kaya naging mabait siya dito ngayon. Deserve niya ang ganitong trato sa kaniya ngayon ni Stella. Kahit hihingi siya ng tawad dito ngayon ay alam niyang lalo siyang pagduduhan nito at isiping may iba siyang motibo."Sa labas lang ako." Matabang niyang turan bago humarap na sa pintuan. Tama lamang na bumukas ang pintuan at may pumasok na babaing doctor. Nagsalubong ang kanilang tingin at mukhang nagulat ang babae pagkakita sa ka
Pangako, sasabihin ko rin kay kuya pero huwag muna ngayon. Si Stella lang ang gusto ni Lolo na maging asawa ni Kuya, mula noon hanggang ngayon. Kapag nalaman niya na nabuntis si Stella noon, baka hindi kayanin ng puso ni Lolo!" "Wala ako sa posisyon para panghimasukan ang problema ng pamilya niyo ngayon. Pero nakaraan lingo ay kinukuntak ako ng kapatid mo at gustong malaman kung bakit naging pasyente ko noon ang hipag mo. Ngayon ko lang muli naalala ang tungkol sa tawag ng kapatid mong hindi ko nasasagot dahil naging abala ako sa ibang bansa.Nakagat ni Sophie ang ibabang labi at nagpasalamat sa isipan dahil wala pang alam ang kapatid."Subukan kong iwasan ang kapatid mo sa ngayon. Pero sana ay maayos at maitama mo na ang lahat bago pa niya ako muling matanong muli.""Maraming salamat po!" Mabilis niyang pinunasan ang luha sa mga mata at malungkot na ngumiti kay Jenny. Mula sa kinahigaan, tahimik na napaluha si Ramon. Narinig niya ang lahat na sinabi ng apong babae. Sobra siyang dis
"Hija, pinagtutulungan nila ako ng kalaguyo niya! Tingnan mo ang ginawa nila sa akin!" Ipinakita ni Magda ang namumulang pisngi kay Sophie."Mom, hinaan mo lang ang boses mo at nakakahiya!" halos pabulong niyang saway sa ginang. "What?" Hindi makapaniwalang napatitig si Magda kay Sophie. Ang tingin niya ngayon sa dalaga ay mukha itong nasapian ng masamang espirito. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo?""Mom, tama na. Hindi kalaguyo ni Stella ang lalaking kasama niya!" pagigil niyang anas at ayaw niyang mapahiya pa lalo ang madrasta.Lalo lamang nainis si Magda sa narinig. Hindi pa siya ganoon katanda para maging ulyanin at makalimutan ang nakaraan. "Sophie, hindi mo ba natatandaan ang lalaking iyan ang sinamahan ng malanding iyan noon?"Gustong matawa ni Stella sa mga pinagsasabi ni Magda. Talagang nilalakasan pa nito ang pagbubunyag sa alam nito. Tangkang lalapitan ni Alex si Magda upang turuan muli ng leksyon ngunit pinigilan niya."I said enough! Hindi niya kalaguyo ang lalaking iyan
"Let's go?" nakangiting tanong ni Mauro sa dalaga pagkakita dito sa labas ng hospital. Kasama nito ang personal bodyguard nito."Mauro, hindi pa dumarating si Charles at ayaw kong iwan si Lolo Ramon lalo na at nasa paligid lang si Magda." Nag-aalala si Stella na baka galitin na naman ni Magda ang matanda."I see, ayos lang ba na dalawin ko siya?" Sandaling napaisip si Stella. Kilala ng matanda si Mauro noon bilang kaniyang manliligaw at kaibigan na rin. Walang nasama kung dalawin ito ng binata. Mabilis na inalalayan ni Mauro ang dalaga nang tumango ito. Ang akala niya kanina ay nauna pang umalis si Charles. Nakapagtaka rin at hindi nito inuna ang abuelo gayong nasa hospital.Bago makapasok ng silid kung nasaan ang matanda ay nakasalubong ni Stella si Magda. Matalim pa rin ang tingin sa kaniya pero umiwas naman ng daan. Mukhang galing ito sa silid kaya dali-dali siyang pumasok na upang tingnan ang kalagayan ni Don Ramon.Nagulat si Sophie sa biglaang pagpasok ng dalawang taong hindi
Naikuyom ni Charles ang kamao nang mabalitaang nanatili pa si Mauro sa bahay nila. Mukhang doon pa balak maghapunan at si Stella pa ang magluluto."Kuya, sigurado kang hindi ka uuwi sa bahay niyo?"Nilingon ni Charles ang kapatid. Mabilis niyang pinatay ang sindi ng sugarilyo at hinarap ito. "Mula ngayon ay iwasan mo na muna si Stella. Ayaw kong magkaroon ng problema muli sa kaniya. Naintindihan mo naman ang ibig kong sabihin?"Kinakabahang tumango si Sophie sa kapatid. Mukhang hindi maganda ang timpla ng mood nito kaya hindi niya masabi ang gustong sabihin. Kanina nang tumawag ito ay hindi na siya nagtanong. Kahit sa ganitong paraan ay makatulong siya sa kapatid. Biglang natahimik ang kapatid nang makitang palapit sa kanila ang madrasta."Hijo, ano ang ginagawa mo rito? Hindi mo ba alam na nasa hospital ang lolo mo?" nagtatakang tanong ni Magda."Maayos na siya, pumunta ako dito para sabihin sa inyo na bawal kayong lumapit kay Stella mula ngayon.""Hindi mo na kailangang sabihin iyan
"Sir, hindi pa rin po umaalis ang manliligaw ni Ma'am Stella.' Message ni Rhea kay Charles.Naikuyom ni Charles ang kamao matapos mabasa ang mensahe ni Rhea. Naroon siya ngayon sa condominium niya at hindi mapakali. Pagtingin niya sa suot na relo ay alas dyes na ng gabi."Kumusta si Lolo?" tanong niya sa nurse. "Tulog na po siya, sir, kaya nagkaroon ng oras ang dalawa na makapag usap ng masinsinan." Reply ni Rhea.Napabuga ng hangin sa bibig si Charles. Tumayo siya pero bumalik din agad sa kinaupuan. Kahit alanganing oras pa para tawagan ang dalaga ay ginawa na niya.Nangunot ang noo ni Stella nang makita kung sino ang tumatawag. Ang akala niya ay nasa himpapawid pa ang lalaki. Ayaw niya sanang sagutin ang tawag nito ngunit nag-aalala siya sa banta kanina ni Charles."Si Charles ba ang tumatawag?" tanong ni Mauro nang mapansin na nag aalinlangang sagutin ng dalaga ang tawag sa cellphone nito."Ahm, yes, baka kukumustahin niya si Lolo."Ngumiti si Mauro at pinakita sa dalaga na ok lan
"Ano ang gi—uhmmmp!" Hindi na niya naituloy ang dapat sabihin at mabilis na sinilyohan ng binata ng halik ang kaniyang halik. Itinulak niya ito ngunit parang bakal itong hindi natinag sa kinatayuan."I miss you! anas ng binata sa pagitan ng paghalik sa dalaga.Lalo lamang nainis si Stella sa narinig. Kahit nadadarang sa halik nito ay nangibabaw ang galit na nadarama. Kinagat niya ang ibabang labi nito upang pakawalan siya.Dinilaan ni Charles ang labing dumugo kasunod ng pagpunas gamit ang dalari. Hindi niya napaghandaan ang ginawa ng dalaga."Damn you! Wala tayong relasyon para halikan mo kahit anong oras mong gusto!" angil niya sa binata habang pinupunasan ang labi gamit ang likod ng palad.Nanliit ang medyo singkit na mga mata ni Charles at hindi hinayaang makaalis sa kinaupuan ang dalaga. "Then, madaliin ko ang kasal natin upang magkaroon tayo ng relasyon!""Jerk, hinding-hindi ako magpapakasal sa isang tulad mo at ayaw ko nang maranasan muli ang dinanas ko sa iyo noon!"Biglang l
"Everyone, meet our new intern!" Pumalakpak ang babae mula sa training room upang kunin ang atensyon ng lahat ng empleyadong naroon.Iginala ni Stella ang tingin sa paligid ng narurang department. Karamihan ng naroon ay babae at iilan lamang ang lalaki. Tatlo silang empleyadong ipinasok ngayon at puro babae lang din."Welcome!" Sabay na bati ng karamihan nang naroon kina Stella.Tinandaan ni Stella ang mukha ng mga empleyadong hindi bumati sa kanila. Bumati siya sa mga ito ngunit sinulyapan lang siya at nagpatuloy sa ginagawa sa harap ng salamin."Alright, na training naman na kayo bago ipinasok dito, right?" tanong ni Lexter sa tatlong intern. Siya ang assitant team leader doon."Yes, sir, don't worry po at pinsan ako ng manager dito." Pinigilan ni Stella na tumaas ang kilay nang marinig ang sagot ng kasabayan niyang si Lorna. Kanina pa nito ipinagyayabang sa kanila na pinsan ito ng manager doon. Hindi niya alam kung bakit nakapasok ito roon gayong nasa rules ng kompanya ay bawal an