Share

chapter 43

Hindi ko na matandaan kung papaanong nagpaalam sa mag-asawang Michelle at Luc dahil abala ako sa pagkontrol ng nararamdaman ko.

Ayokong mahahalata nila ang hindi magandang epekto sa'kin ng mga kinuwento nila. Lumalabas kasi na ginamit lang ako ni Michael. Parang namamanhid ang puso ko tuwing maiisip na dahil lang sa pamana kaya gusto na niyang magkaanak kami.

Kung noon ay natutuwa ako tuwing binabanggit niya ang tungkol doon ay iba na ngayon. Naghahalo iyong sakit at galit sa tuwing naaalala ko ang mga pagkakataong iyon! T*ng-*na! Naloko na naman ba ako?

Pagkauwi ko ng bahay ay nanginginig ang mga kamay na binuksan ko ang cellphone ko. Pipi kong hiling na sana ay may makikita akong makakabawas sa nararamdaman ko ngayon. Hindi ko tiyak kung ano talaga ang hinahanap ko pero sana ay meron ngang gano'n.

Lalong nadagdagan ang bigat na nararamdaman ko nang makitang wala nang sumunod sa naunang mensahe ni Michael.

Gusto ko nang bumitiw sa katiting na pag-asa na may paliwanag ang lahat ng mg
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status