Share

chapter 42

Hindi ko na binanggit kay Michael ang tungkol pagsulpot ni James kahapon nang magkausap kami dahil tiyak na mapipilitan akong sa bahay niya manuluyan habang nasa conference pa siya.

Ayoko ring mag-alala siya. Mukhang hindi pa ni-report ng mga tauhan niya iyong nangyari dahil wala naman siyang nabanggit habang nag-uusap kami.

Tantiya ko ay hindi na rin babalik si James pero nag-iingat pa rin ako lalo na at hindi ako sigurado kung tama ang akala ko.

Inabala ko ang sarili sa trabaho kaya tuwing umuuwi ako ay pagod na pagod talaga ako.

Aminin ko man o sa hindi ay nami-miss ko na si Michael kaya pinilit kong magpaka-busy.

Kakauwi ko lang ng bahay nang nay maabutan akong parcel sa labas ng pintuan.

Nagtataka ako dahil wala naman akong naalalang binili sa online.

Na-curious din ako dahil nakapangalan sa akin. Imposible namang bomba ang laman nito dahil nakalagay lang ito sa short brown envelope kaya kampanti akong silipin ang laman nito.

Malay ko, baka pera 'to o tseke!

Matapos buksan ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status