Share

Revenge of the Billionaire
Revenge of the Billionaire
Author: Alliyahmae22

Chapter One

“EVREN tayo na!” sigaw ng kanyang kaibigan na si Andrew. “Siguro’y sapat na itong nakuha natin.” Wika nito.

           “Mabuti pa nga, baka naghihintay na din sa akin si Inay.” Aniya “Pupunta pa ako ng palengke pagkagaling natin ng junkshop,” wika nito habang papalapit sa kaibigan. “Kailangan kong bumili ng dagdag na gamot ni inay at bigas.” saad niya rito habang buhat-buhat ang mga kalakal na kanilang nakolekta.

            “Ikaw ang bahala kapag may sobra akong pera ibibigay ko na lang sa iyo para maipang dagdag na pambili ng gamot ng iyong inay,” anito sa kanya.

            "Salamat, Andrew.” Sabay tapik niya sa balikat nito. “Kailangan n’yo rin ang pera kaya sa mas mahalaga mo na lang ilaan. Sapat naman na siguro ang pera na makukuha ko rito sa kalakal na nakolekta natin." aniya kay Andrew.

            "Ikaw ang bahala, Maglakad na tayo para makabili ka na ng mga kailangan mo." Nagtungo na sila sa junk shop kung saan ibibenta ang lahat ng kanilang nakolektang kalakal. Matapos kiluhin at bayaran ang kanilang kalakal ay nagpaalam na sila sa isa't isa.

            “Magkita tayo mamaya, Evren.” wika ni Andrew sa kaibigan,tumango lang ito at naglakad na palayo.

            Nang makarating si Evren sa palengke, agad niyang binili ang kanyang mga kailangan at nagtungo na siya botika upang bilhin ang gamot ng kanyang ina, matapos nuon nagmamadali na siyang umuwi.

           Malapit na siya sa kanilang tahanan, nang may masasalubong siyang batang babae na halos ka-edad lang niya. tumingin ito at kumaway sa kanya. Dahil doon napatigil siya at binati din niya ito.

            “Hi!” wika niya.  “Bago ka dito sa lugar namin, anong pangalan mo?” tanong niya rito. kaya lumapit ito sa kanya at inilahad ang mga kamay.

            “Ako si Isabella Fortalejo, bagong lipat lang kami.” pagpapakilala nito sa kanya. “ikaw anong pangalan mo?” tanong din nito sa kanya.

            “Ako si Evren Morales, ikinagagalak kong makilala ka.” wika niya rito. "Sana maging masaya ka rito sa lugar namin. medyo magulo pero mababait ang matao dito." Aniya.

            "Sa tingin ko nga, kasi mabait ka sa akin." At tumalikod na ito sa kanya ng may ngiti sa mga labi. Malayo na ito ngunit sinusundan pa din ito ni evren ng tingin. Nang mawala na ito sa kanyang paningin, natawa na lamang si Evren sa kanyang sarili Kaya naglakad na siya pauwi.

            Pagkapasok pa lang niya ng pinto, nakita niya ang kanyang ina na naglilinis ng kanilang tahanan. Kaya lumapit siya rito at kinuha ang walis na hawak at siya na ang nagtuloy ng ginagawa nito. Dahil doon natuwa ang kanyang ina. Alam nito na ayaw ni Evren na siya'y mapagod. Nang matapos nito ang pagwawalis ay nagtungo na ito sa kusina upang magluto na ng kanilang pagkain. Habang nagluluto ikinuwento niya na may nakasalubong siyang batang babae na halos kasing edad lamang niya. sinabi naman nang kanyang ina na mga bagong lipat iyon.

            “Sabi ni Ason, mabait daw ang pamilyang iyon. ” Wika nito habang inaayos ang ibang damit na nakakalat sa kanilang higaan. “Sila yung lumipat sa malaking bahay, doktor ang mga iyon at halos kasing edad mo lang ang anak nila,” wika ng kanyang ina sa kanya.

            “Mukha nga po silang mababait, kasi mabait ang kanilang anak,” saad niya sa kanyang Ina. Wala pang isang oras natapos din niyang lutuin ang kanilang pagkain. Agad siyang naghain at inalalayan ang kanyang ina na maka-upo sa hapag-kainan.  Masaya silang naghahapunan ng biglang may tumawag kay Evren mula sa labas ng kanilang bahay.

            “Evren!” Tawag mula sa labas. kaya tumayo si Evren at tinignan kung sino ang tumatawag.

            "Andrew! Halika pasok ka muna.” Aya niya sa kaniyang kaibigan. Nang makapasok ito sa loob, bumati muna ito sa ina ni Evren at saka naupo muna. Si Evren naman ay bumalik sa hapag-kainan. “Tatapusin ko muna ang pagkain ko.” Aniya.  

            Nang siya’y matapos, tinawag niya si Andrew. “Sandali lang, Andrew! asikasuhin ko lang muna si inay.” Saad niya sa kanyang kaibigan. Nang liligpitin na niya ang kanilang kinainan ay pinigilan na siya ng kanyang ina.

            "Sige na anak, kaya ko nang gawin ang bagay na ito.” Wika nito sa kanya. “Lumabas na kayo ni Andrew.” Anito sa kanya.

            “Sigurado po ba kayo, Inay?” tanong niya sa kanyang ina. “Puwede ko naman po itong gawin bago ako lumabas.” Umiling lang ang kanyang ina.

            “Ako na ang gagawa niyan, lumakad na kayo at kaya ko naman iyan.” Saad nito sa anak. Hindi na nagpumilit pa si Evren, yumakap muna siya sa ina bago lumabas nang bahay kasama si Andrew. Habang naglalakad tinanong ni Andrew si Evren. “Nais mo ba na magtrabaho?” saglit na nag-isip si Evren, hindi siya makapag desisyon dahil inaalala niya ang kanyang ina. Kaya inakbayan ni Andrew ang kaibigan.

            “Evren, sayang ang trabaho na ito, malaki ang maitutulong nito para sa inyong mag-ina. Kanina may nakilala akong tumatanggap ng mga katulad natin. kaya malaking oportunidad na ito para sa'tin,” wika ni Andrew sa kaniya.

            "Gusto ko munang maka-usap ang taong sinasabi mo Andrew,” aniya sa kaibigan. “Nais kong makasiguro kung magiging maayos tayo." Tumangu-tango lang si  Andrew. Kaya dinala niya si Evren sa lalaking kanyang nakilala. Nakita nila itong may kinaka-usap na tila kasing edad din nila. Nang makalapit sila ay agad sila nitong hinarap.

            "Andrew, ano nakapagdesisyon ka na ba?" tanong nito kay andrew at saka pinagkrus ang mga braso sa dibdib.

            "Oo, gusto ko sanang isama ang kaibigan ko, ayus lang ba?" wika ni Andrew.

            “Walang problema, bata. Kailangan namin nang maraming trabahador ngayon sa pabrika. kapag maganda ang ipinakita ninyo sa manager, maaari niya kayong taasan ng sahod. baka nga ilagay pa kayo sa magandang posisyon, mabait ang magiging boss ninyo, hindi niya kayo pababayaan. Prayoridad niyang matulungan ang mga katulad ninyo." Paliwanag nito sa kanila. "Basta magsipag kayo, magiging maganda ang buhay niyo,” wika nito sa kanila.

            “Kung ganoon, tinatanggap ko po ang trabaho na inaalok n'yo,” sagot ni Evren.

            “Magaling!” wika nito. “Kung ganoon, magkita tayo ulit dito ng maaga, Alas-kuwatro ng madaling araw tayo aalis,” saad nito sa kanila.

            Matapos nang usapan nila, umuwi na sila ni Andrew upang makapaghanda na nang kanilang mga gamit. Habang nag-aayos si Evren nang kanyang mga dadalhin, nakita niya ang kanyang ina na nakatingin lang sa kaniyang ginagawa. kaya lumapit ito at nagtanong.

            "Evren, Anak.” Naupo ito sa kaniyang tabi. “Kanina ko pa nakikita na inaayos mo ang mga gamit mo. Saan ang punta mo?" tanong nito sa kanya. kaya itinigil ni Evren ang kanyang ginagawa at humarap sa kanyang ina.

            "Inay, may nag-alok nang trabaho sa amin ni Andrew. Tinanggap ko ang trabaho dahil maganda ang magiging sahod, magiging malaking tulong ito para sa atin, para sa iyo.” Nakita niyang tila maiiyak ang kanyang ina, kaya hinawakan niya ang mga kamay nito na tila nanginginig na. “Mabibili na natin lahat ng gamot at pangangailangan n'yo," wika ni Evren sa Ina.

            “Evren, Anak.” Bumitaw ito sa pagkakahawak ni Evren at hinawakan ang pisngi ng anak. “Alam ko na napaka importante sa iyo na maibigay ang lahat ng pangangailangan ko, ngunit anak—,” napatigil ito sa pagsasalita at napapikit dahil sa pinipigilang pagbagsak ng luha sa mata. “Mahalaga rin na makapagtapos ka nang pag-aaral.” paliwanag nito sa anak. Ngunit umiling lang ito at ngumiti.

           "Inay, noon ninais ko rin ang bagay na iyan. Ngunit ngayon lalo na sa kalagayan mo, mas pipiliin ko muna ang kumita ng pera dahil nais ko kayong gumaling. Ayokong nahihirapan kayo." wika ni Evren sa ina.

            Dahil sa sinabi ni Evren, hindi na napigilan nang kanyang ina ang umiyak. Kaya agad na niyakap ito ni Evren. Alam nito na sa murang edad ng anak, dapat ay nag-aaral ito at hindi nagtatrabaho. 

            "Kung hindi lamang ako nagkasakit, hindi tayo hahantong sa ganitong sitwasyon. Paano kung hindi ako pumayag sa gusto mo, Evren? tutuloy ka pa rin ba?" tanong ng kanyang ina.

           "Inay, kahit ayaw n'yo, itutuloy ko pa rin po ang pag-alis. Desidido na po ako at para po ito sa inyo." Kaya tumayo na siya upang ipagpatuloy ang pag-aayos ng kanyang mga dadalhin na gamit. wala nang magawa ang kaniyang ina kung hindi tignan na lamang ang kaniyang anak sa pagbabalot ng damit nito

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
Allieyahmae,thank you
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
thank you Allieyah
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status