Share

Chapter Three

SA ISANG bar naglagi si Andrew matapos niyang magpaalam sa kaibigan. "Malas, malas talaga!" wika niya sa sarili, sabay ininom ang alak na nasa baso na kanyang hawak. "Bakit ba lagi na lang siya? masipag din naman ako at dedikado sa trabaho!" lalagok pa sana ulit siya, ngunit napansin niya na wala nang laman ang basong hawak. Kaya tinawag niya ang Bartender at humingi na nang isang bote ng alak. "Bigyan mo ako ng isang bote ng Whisky, at wala akong paki-alam kung mahal ang isa niyan," wika niya.

           Nang bigyan siya, agad niya itong kinuha at binuksan, hindi na siya nagsalin sa baso, doon na niya mismo ininom ang alak sa bote . Agad siyang napangiwi ng gumapang ang pait nang alak sa kanyang lalamunan. "Buwiset! naghirap din ako sa trabaho bakit ba puro na lang siya ang nakikita?"

           

"EVREN, hijo!" tawag ng isang matandang lalaki kay Evren na kaagad naman nitong ikinalingon. "Mister Martinez! kmusta po, maayos na po ba ang kalagayan n'yo?" tanong niya sa matanda habang inaalalayan niya itong maka-upo sa sofa ng kanyang kuwarto. "Alam ko kasing uuwi ka ngayon sa inyo, nais ko sanang ipahatid na kayo ni Andrew kay Manong pilo, para naman menos na sa pamasahe." saad nito sa kaniya.

           "Nakakahiya naman po, hindi na po kayo dapat mag-abala." aniya. "Maiging magbiyahe na lang kami, kawawa naman po si mang pilo, pagod din naman po siya sa kakamaneho, lalo na kapag may biyahe kayo sa malayo." paliwanag niya sa matanda. pagak lamang itong natawa sa kaniyang sinabi. "napaka maalalahanin mo talagang bata ka," wika nito habang pasandal sa sofa. kaya tumabi rito si Evren. "ayus lang po ba kayo? dapat po kasi nagpahinga na lang kayo."' aniya habang nagsasalin ng tubig sa baso. at saka inabot sa matanda.

            "Maayos lang naman ako, kaya ako napa rito ay mayroon akong importanteng sasabihin sa iyo." Kaya umayos muli ito ng pag-upo at humarap sa binata. "kina-usap ko ang madam mo tungkol sa iyo." saad nito sa kanya. dahil doon medyo napa-isip si Evren na ikinatawa naman ng matanda sa kanya.

            "Hijo, h 'wag kang mag-alala, ang sasabihin ko sa iyo—" hindi pa man natatapos ang sasabihin ng matanda ay biglang lumuhod si Evren sa harap ng matanda at humingi ng tawad. "Sorry po, kung mayroon man po akong nagawang mali, sisikapin ko po na hindi na mauulit ano man iyon!" wika niya habang nakayuko. agad naman siyang pinatayo ng matanda at muling pina-upo sa sofa.

            "Ano ka bang bata ka! ano ba ang mga pinasasabi mo? walang kinalaman ang bagay na yan sa sasabihin ko, kung may nagawa kang kasalanan, pinapatawad na kita." sabay hawak sa ulo ni Evren. "Tungkol sa sasabihin ko, napag-usapan namin na ikaw ang nais namin na humalili sa akin sa pabrika," saad nito. "Matanda na ako at nagiging sakitin na, hindi ko na din kaya pa ang magtrabaho. Kaya napagkasunduan namin ng iyong madam na ikaw ang papalit sa akin. dahil marami ka na din alam lalo na sa pasikut-sikot sa pabrika, kilala mo na din ang mga kliyente natin at kaya mo rin makipag-negosasyon pagdating sa mga produkto natin. ikaw ang nababagay sa posisyon." paliwanag nito sa kanya, "matatanggap mo ba ang inaalok ko sa iyo?" tanong ng matanda sa kanya.

            "Sino po ba ako para tumanggi sa alok n'yo." Sabay yakap sa matandang lalaki. "Maraming salamat po!" wika niya.

            Habang masayang nag-uusapsi Evren at ang kanyang amo, palihim palang nakikinig si Andrew sa kanilang usapan. kuyom ang kanyang mga kamay dahil sa galit sa kaibigan.

KUMUHA si Andrew ng pera sa kanyang wallet at padabog na inilapag sa ibabaw ng mesa. "Iyan ang bayad ko!" wika niya, sabay tayo dala ang bote nang alak. "Ako ang nararapat sa posisyong iyon, ako dapat!" sigaw ni Andrew, habang palabas nang bar, pasuraysuray na siyang maglakad, mayroon siyang nakabangga ngunit hindi niya itong pinansin kahit siya'y minura. Alam niya na malayo na ang kanyang nalakad, ngunit ayaw pa niyang tumigil. Nang maubos na niya ang alak sa bote na kanyang hawak. ibinato niya ito, at saka muling naglakad habang nakapamulsa. Hindi pa rin mawala ang galit na kanyang nararamdaman. hanggang sa mayroon siyang napansin na dalawang tao, na papatawid sa kabilang kalye,  nang makita kung sino, sinundan niya ang mga ito.

"ANG mabuti pa, mauuna na ako sa inyong dalawa," wika nang ina ni Evren sa kanila ni Isabella. "Ituloy n'yo na lang ang pamamasyal, ako naman ay uuwi na." saad nito habang inaayos ang bag at isinukbit sa balikat.

              "Sigurado po ba kayo, inay?" tanong ni evren sa ina. "kung gusto n'yo po uuwi na rin po kami para may kasabay kayo sa pag-uwi." wika niya, habang papatayo na rin upang ihatid ang kanyang ina, ngunit pinigil lamang siya nito. "kaya ko na, anak. Maiging ilaan mo na lang kay Isabella ang araw na ito, sapat na sa akin ang naipasyal at naibili mo ako ng mga bagong damit." at ngumiti lang ito sa kanya, kaya humalik ito sa pisngi nang magkasintahan at nagpaalam.

            "Talaga itong si inay," wika ni Evren habang tinatanaw ang ina habang papalayo. napayakap naman si Isabella sa kanya. dahil doon yumakap na rin si Evren sa kasintahan. "Ang mabuti pa manood tayo ng sine, may magandang palabas akong nakita kanina." matamis na ngumiti si Isabella kay Evren at agad na iginiya patungo sa sinehan ng mall.

            Masaya ang buong araw ng magkasintahan, matapos nilang manood ng sine, nilibot nila ang buong mall. Nang mapagod, kumain sila sa isang fastfood chain. Habang masayang kumakain, nakakita si Isabella ng mag-asawa na naglalambingan.

            "Mahal, ikaw kailan tayo magpapakasal?" tanong ni Isabella sa kasintahan. napatitig lang si Evren kay Isabella. itinigil ni Evren ang kanyang kinakain at hinawakan ang dalawang kamay ng kasintahan.

            "Malapit na mahal ko. kahit ang pinapangarap mong kasal ay malapit ko nang maibigay sa 'yo." wika niya rito. ngumiti lang si Isabella at humalik kay Evren. "Kahit simpleng kasal lang, ang mahalaga lang naman sa akin ay ang makasal taong dalawa." saad niya na ikinangiti ng binata.

            "Basta pangako, ikakasal tayo konting hintay na lang, mahal ko." wika niya kay Isabella. Dahil sa kanyang sinabi, agad siyang niyakap ni Isabella at dinampian ng halik sa kanyang labi. Dahil sa ginawa ni Isabella may naisip si Evren.

            "Mahal ko, bilisan mong kumain may pupuntahan tayo!" excited na wika ni Evren. Hindi na nagtanong pa si Isabella, sinunod niya ang sinabi ni Evren sa kanya.

            "ANONG ginagawa natin dito?" tanong ni Isabella ng marating nila ang lugar na nais puntahan ni Evren. Alam ni Evren na magagalit ito sa kanya, kaya hindi niya sinabi sa kasintahan ang kanilang pupuntahan. Dahil gabi na, ninais ni Evren na matulog sa isang motel kasama ang kasintahan.

            "Mahal ko, nandito lang tayo para matulog, nais kong magpahinga kasama ka, wala akong balak na kung ano sa iyo." Paliwanag niya sa kasintahan, ngunit nakasimngot pa din ito. kaya niyakap niya ito. "Sorry kung hindi ko sinabi sa iyo, alam ko kasi na hindi ka papayag. Mahal, sigurado kasi na matatagalan akong muli bago bumalik kaya nais ko sanang lubusin na ang mga pagkakataong magkasama tayo." Dahil sa sinabi ni Evren, agad na lumambot ang mukha ni Isabella. Kaya kumapit siya sa braso ng kasintahan at inaya na niya sa kanilang kuwarto.

            Lingid sa kanilang kaalaman, may isang tao na lihim silang sinusundan.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
may Galit pala Si Andrew Kay Evren
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status