Share

CHAPTER 21

ALIYA'S POV

Nang gabing iyon ay mag-isa akong lumabas ng aming silid. Hindi ko alam kung nasaan si Gavin kaya lumabas na muna ako. Bakasakaling makita ko siya sa labas.

Sa sobrang lawak ng lugar ay hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Lakad lang ako nang lakad hanggang sa makarating ako sa isang lugar na punong-puno ng mga bulaklak at iba't-ibang klase ng halaman.

Kahit gabi na ay malawak naman ang lugar kaya makikita pa rin ang ganda ng paligid. Sa gitna nito ay may duyan na hindi lang isa ang makauupo. Malaki kasi ito ay may mga bulaklak pa sa paligid.

Umupo ako rito. Hindi ko na ito ginalaw dahil nakakaramdam talaga ako ng pagkahilo kapag dinuduyan.

Malamig ang simoy ng hangin kaya mas lalo kong ibinalot sa aking katawan ang suot na jacket.

Tumingala ako at nakita ang kalangitang punong-puno ng mga bituin at ng maliwanag na buwan. Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Tila ako'y nangungulila. Para bang may pumipiga sa aking puso. Ramdam ko na lang na may mga luha nang nakawala sa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Wena Pajalla
anyare bt nwala.hmmmp
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status