Share

CHAPTER 22

ALIYA'S POV

"Here," inilahad sa akin ni Gavin ang isang basong may lamang mainit na tsokolate.

Tumabi ito sa akin.

Bumalik na kami sa aming silid pagkatapos ng madamdaming ganap kanina sa katubigan.

"Did I really scared you, love?" tanong niya. May pag-aalala pa rin sa boses niya.

Nandito kami ngayon sa balkonahe ng aming silid at nakaupo sa malambot na couch habang nakatanaw sa magandang tanawin.

Tumango ako. "Balak na nga sana kitang hiwalayan eh. Inisip ko na rin kung saan ako manunuluyan kapag umalis ako sa bahay mo. Ganiyan ako katakot kanina," pahayag ko rito.

"You did not. . ." saad niya.

"Kanina lang naman 'yon dahil sobrang takot na takot talaga ako. Akala ko kasi totoong may pating talaga. Tapos, bigla ka na lang naglaho. Hindi ko alam ang gagawin ko. Litong-lito at nagpa-panic na ako. Dagdag mo pa ang hindi ako makaalis sa aking puwesto," paliwanag ko.

Mas lumapit si Gavin sa akin at hinawakan ang aking pisngi. Ang dalawa kong kamay naman ay nakahawak sa tasang may tsok
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status