Share

Chapter Six

It's already lunch time and half of the day pero pagod na pagod na ako. All the time naprapraning na ako at ni isang lecture ng prof walang pumasok sa isip ko.

But as time pass by wala namang nangpraprank maliban kaninang umaga at wala namang nangthrethreat ng buhay ko, maliban nalang sa death glares ng mga fan girls ni goon kuno.

Napabuntong hininga lang ako habang nakapalumbabang nakatitig sa pagkaing nasa harap ko.

"It's the 100th time you sighed, Yums," sabi ni Zel sabay paikot ng kanyang mata.

Magkasama kami ngayon sa cafeteria dahil maaga silang pinalabas ng prof nila, first time ata na maagang nagpadismis ang prof nila.

"You're just exaggerating," walang gana kong sabi.

"Why don't you just eat your food, pinaghihintay mo ang grasya, baka takbuhan ka." Napatingin ako sa kanya.

"Di naman ako ganun ka sutil na bata para parusahan ako ng ganito." Tukoy ko sa mga nangyayari, parang sumpa ang mga nagdaang araw at isa lang ang nakikita kong dahilan kung bakit, si Xionus.

Simula nung muntik nang nanakaw ang cellphone ko at ang biglaang pagdating ni Xionus. Nang dahil sa kanya nagkadaleche-leche na ang buhay ko. Ang tahimik kong buhay ay biglang nagulo.

Kung iisipin ay hindi naman ganito ang buhay ko nung wala siya. I'm contented with my life, I'm happy to have only Zel as my one and only friend at walang pake sa sasabihin ng iba. I'm just a ghost in this school kahit malalaki ang grades ko di pa din naman ako sikat not until that goon entered the picture.

I've always heard my name, not in the humors but in the honors, but look at now parang hinuhunting na ako ng mga tao dahil sa pag aakala nilang hinalikan ko ang prince charming nilang goon. Sa totoo lang parang ako nga ang nahaharass eh.

I wanted to clear my name, but how? Alam ko namang di ako papaniwalan nila, they have this judgmental mindset at di ko mababago ang tingin nila sa akin.

I think every people are like that even me or everyone, some are just in denial. We sometimes look at their physical appearances or rumors about them, di natin yan maipagkakaila just like how I called him a goon.

"What if totohanin mo yung issue?"

"What!?"

"Just kidding," she chuckled. "Ang sarap mong asarin."

"Yeah, yeah. The reason kung bakit ayaw akong tantanan ng goon na yun." I rolled my eyes when I remembered what he said.

"Hmm? Bagay kayo." I look at her with disbelief.

"Stop spouting nonsense, Zel." Tumawa lang siya.

"Really. Bagay kayo."

"That's the second time I heard that." Napabuga nalang ako ng hangin.

"Oh? Who's the first then?"

"Trevor."

"Gwapo ba?" Sumiksik pa siya sakin. Inirapan ko lang siya.

"He's good."

"Oh my god! Ipakilala mo naman ako!" Tinusok-tusok ko ang pagkain na nasa harapan ko.

"Yeah," I nonchalantly said.

"Don't mind it, Yums. Just eat," sabi niya sabay tapik sa aking balikat na parang makakatulong itong solusyonan ang problema ko.

Kumain nalang ako ng tahimik para naman di ako gutomin sa gitna ng klase.

"I'm fine," I said as I catch her staring at me.

Tapos na si Zel kumain at titig na titig siya sa akin alam kong nag-aalala siya sa sitwasyon ko at pilit niyang di pinapakita yun. Alam niyang ayaw kong kaawaan ako ng ibang tao.

Akmang magsusubo pa ako ng pagkain sa aking bibig nang may padabog na naglagay ng tray sa table namin.

Dahan kong tinignan kung sino at nagulat ako nang makilala sila. Aleah, Dixie and Medae.

Everyone knows them kasi sila ang mga kaibigan ni Avianna. If Avianna is famous then masasali ang friends niya. They were known as maarte's in the campus, pero sa campus lang nga ba?

"What do you want?" Tumayo si Zel at taas kilay silang tinignan, pilit ko naman siyang hinihila ang kanyang braso para maupo ulit.

"We need your bitch friend," sabi ni Dixie na pinaggigitnan ni Aleah at Medae.

"If she's a bitch then you're a whore then?" Zel rebutted.

My face remains stoic. Matabas talaga ang dila ni Zel. People say na it's impossible na magkasundo kami because we were big opposites, but even though she's like that, she didn't say any harmful words to me. She's a good friend to me.

Well, I prefer a friend like Zel. Straightforward and brave.

"You—" pagduro niya kay Zel. Akmang lalapitan niya si Zel pero pinigilan siya ng dalawa niyang kaibigan kaya pinanlilisikan niya nalang ng mata si Zel.

We were in the middle of the cafeteria and we're damn making a scene. Dumadami na ang mga taong lumalapit at nagsimula nang manginig ang kamay ko.

Pinigilan ko si Zel. Tumingin siya sakin, I can see it in her eyes that she's ready to make a scene anytime, umiling nalang ako pinapahiwatig ko na ayoko nang gulo.

Kinuha ko ang bag namin at hinila si Zel nang biglang may sumabunot saking buhok, and as an instinct I twisted her arm as a self defense.

"Ouch!" reklamo ni Medae na siyang sumabunot sakin.

"I'm sorry." I checked her arm, tiningnan ko kung may injury ba pero wala naman, hinihimas pa niya ang kamay nya.

Nagulat ako sa nagawa ko, it's just my instinct kicking in an instant.

"Walang magagawa ang sorry mo, nasaktan na si Medea!" maarteng sabi ni Dixie. She even asked Medea if she's okay and Medea nodded, she frowned at me.

"Di pa kami tapos makipag usap sa inyo pero aalis na kayo, where's your etiquette ladies?" seryosong sabat ni Aleah sa kanilang tatlo si Aleah ang pinakakalma which made her more scary.

Yumuko nalang ako. The crowd started murmuring. Gusto kong takpan ang mga tenga ko but I felt Zel's touch, I looked at her at tumango ito sakin.

I clenched my fist at tumalikod na sa kanila. I'm such a coward, kailan kaya ako lalaban para sa sarili ko? Ibang tao nalang ba ang palaging sasagip sakin? When will you man up, Yumi?

Napapikit ako nang mariin.

"Anong kailangan niyo sa akin? If this is about the picture, I'm telling you the truth, I didn't kiss him," I said as I open my eyes nakita ko ang mga mata ng mapanghusgang mga tao.

"Yums..." Zel whispered as she squeezes my hands.

Alam niya ang tungkol sa sakit ko—social anxiety. But all I know is, I need to fight for myself. I need to be braver. I need to stand up and face them.

I don't know where did I get this braveness—this confidence. But I know this won't last.

"May ebidensya na pero pilit mo paring ipagkaila," ismid na sabi ni Dexie.

"Just admit it bitch, your true colors are now showing, isang santi-santita na p****k." Medae rolled her eyes.

"Eh kayo nga ang p****k eh, tingnan nyo nga ang mga damit niyo na parang kinulang sa tela para lang mang akit ng lalaki! Hiyang hiya naman ang kaibigan kong sinabihan niyo ng p****k." Nanggigigil na sabi ni Zel.

Iniangat ko ang aking ulo and I smiled at them. "Hate me, curse me, kill me in your minds, throw death glares on me, I dont care. Kahit buong buhay nyo kong laitin, it can't affect me. Waste your time on me but I can't waste my precious time hearing your insecurities in life," sabi ko sabay talikod sakanila, ramdam ko naman na sumunod si Zel sakin.

Nang makalabas ako sa cafeteria agad akong inakbayan ni Zel. Ngising-ngisi na siya ngayon.

"I'm proud of you, Yums! Kita mo mukha nila? They were all shocked, totally shocked! Nakaawang pa ang bibig nila, akala ko mapapasokan na ng langaw. Di ko alam na kaya mo pala silang patumbahin sa salita lang! I thought magkakapisikalan muna bago matapos ang labanan but you ended it smoothly!" sinuntok pa nya ang braso ko.

"Di ko din alam na masasabi ko yun, kinakabahan pa ako dun." I even grinned. Napatawa sya sa sinabi ko.

But that smile definitely disappear when I felt the side effects.

"Yums!" she catched me nang malapit na akong matumba.

My heart kept on palpitating na parang nakainom ako nang isang dosena ng kape.

"You need air. Let's go to the field," aligaga niyang sabi bago kami nagtungo doon.

Napatigil kami sa nang biglang may lumipad na bola sa harapan namin, nagpagulong gulong pa ito patungo sakin. Ngayon ko lang napansin na nasa football field na pala kami.

"Miss! Can you please pass the ball!" sigaw nang puno nang pawis na player. Kahit nanghihina, agad ko namang dinampot ang bola at pinasa sa kanya.

"I'm fine," I told Zel. She looked at me with worried eyes so I smiled. "I'm fine, really." She got no choice but to heave a sigh.

Naupo muna kami sa bleachers since may time pa naman kami bago matapos ang lunch break.

"Yums, gwapo!" heto na naman po tayo sa kaadikan ni Zel sa mga gwapo, pinaikot ko nalang ang mata ko at tinitigan ang likod ng player.

"Selvero," pabulong kong binasa ang apelyido na nasa kanyang jersey.

His surname is somewhat familiar pero ipinagkibit balikat ko nalang to, madami namang magkaparehas na apelyido sa mundo baka napagkataon lang na parehas sila.

"Anong binubulong mo, may nakikita kang hindi ko nakikita?" nagtatakang tanong ni Zel.

"Wala." Ngumiti nalang ako.

Nagkibit balikat nalang siya. "Minsan nakakatakot ka."

"Bakit naman?" taas kilay kong tanong.

"Kinakausap mo sarili mo na parang tanga," ismid nyang sabi. Napatawa nalang ako.

After appreciating the work of God—gwapo, bumalik na kami sa kanya-kanyang klase.

––

Klareynah

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status