Maaga akong naglakad papuntang university, sawang sawa nakong makinig sa walang katapusang sermon ng tita ko, tinalo niya pa ang pari sa sobrang haba ng sermon.
Habang papalapit ako sa school mas dumadami ang estudyante at napapansin ko na nakatitig silang lahat sakin, as in silang lahat talaga, may mga nagbubulungan pa.
Bigla naman akong nagtaka. May dumi ba sa mukha ko? Di naman ako sikat sa university kaya nakakapanibago talaga.
"Yums!" hinihingal na lumapit sakin si Zel.
"Bakit parang ang weird ng mga tao ngayon, kung makatitig sila sakin para akong artistang may issue." bulong kong sabi kay Zel.
She's Zelenaire Sphire Serquencio my one and only bestfriend. Siya ang palaging updated sa mga issue—kagaya nalang ngayon at palagi niya itong chinichika sa akin.
I don't scroll often on social media kaya wala akong alam sa mga nangyayari while she's the latter, her life revolves around social media, she often posts selfies, updates, and such.
Maganda din naman siya. She have that small face, round eyes and pale white skin. There are some boys who are after her pero ang sabi lang niya sakin pag tinatanong ko ito ay 'di ako magkakajowa kung wala kang jowa', well mukhang matagal pa siyang magkakajowa.
"Oh my god! Don't tell me di mo pa nakita ang kumakalat na issue tungkol sayo!" napakunot ang aking noo dahil sa kanyang sinabi.
Issue? Kailan pako nagkaissue eh nanahimik lang naman ako dito.
"What do you mean?" I asked, still confused. Kinakabahan na ko dito.
Agad niya naman akong hinila sa garden ng university. This university has its own botanical garden kung saan palagi akong namamalagi kapag gusto ko ng katahimikan dahil wala namang masyadong taong pumupunta dito.
"Bat mo ko dinala dito?" hinihingal kong sabi. Bigla na lang siyang nagtatakbo habang hila-hila ako dito.
"Haven't you check your social media? My god! Ako ang nastrestress sa pagiging anti-social mo!" ginulo nya ang kanyang buhok tipong ang laki-laki ng problema nya.
"Just go straight to the point Zel." napaikot nalang ako saking mata at tamad na nagsquat sa damuhan.
"So here's the catch..." binitin nya pa ang kanyang sasabihin kaya inirapan ko sya.
She kept on pacing back and forth. Ako ang nahihilo sakanya.
"There's a picture na kumakalat ngayon sa social media."
"Then? Anong meron sa picture? Bat nasali ako sa isyung to?" irita kong sabi kanina nya pa ako binibitin.
"It's a picture of you and Xionus." napakunot ang noo ko.
What?
"How do you know Xionus?" nagtataka kong tanong, Zel and I are not classmates pero kilala nya si Xionus. Ako nga, kahapon lang nalaman na Xionus pala ang pangalan nya.
"Sinong di makakakilala sakanya? Sikat sya sa campus."
My mouth forme an "O" shape in shock. Ngayon ko lang din nalaman na sikat siya kaya pala hinahabol siya ni Avianna.
"Is it true Yums?" seryoso nyang tanong sakin. Napakunot ang noo ko.
"Ang alin?" nagtataka kong tanong.
"That you both kissed." nanlalaki ang mata kong napatingin sakanya.
"How did you know?!" gulat kong tanong.
Is it about the kiss in the middle of our classroom? I thought kami lang dalawa ni Xionus ang may alam kasi mabilis lang naman nangyari yun at focused ang mga kaklase namin sa kanya-kanya nilang gawa.
"C-can you let me see the picture?" nauutal kong sabi.
Agad nya namang kinuha ang kanyang cellphone at agad nagsaswipe, ilang minuto ang lumipas binigay nya sakin ang cellphone na nagpakita ng picture namin ni Xionus noong nasa abandonadong building kami.
Napahinga naman ako ng maluwag, akala ko yung sa classroom ito pero iba pala—dun sa abandonadong building. Kitang kita kaming dalawa ni Xionus at sa angle na to parang naghahalikan talaga kami. Akala ko ba walang napapadpad na tao sa abandonadong building nato?
"No, we didn't kiss," naiiling kong sabi.
Kung sa classroom sana na pic ang nakuha nila, mas aaminin ko pang nagkahalikan kami.
Maigi akong tinitigan ni Zel, naniningkit pa ang kanyang mga mata.
"I'm saying the truth, Zel. I'm not a liar." I once again rolled my eyes.
Di ko na mabilang kung ilang irap at pagpapaikot ng mata ang nagawa ko ngayon.
"Really?"
"Really."
Ilang minuto pa kaming nagsukatan ng tingin pero siya ang unang nag iwas.
"Okay! Pumunta na tayo sa kanya-kanyang klase." I said as I stretched out my arms. Agad naman nya akong tinulungang makatayo.
Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway ng building. Si Zel ay pumunta na sa building nya, di kami magkapareha ng building na siyang kinatatakutan ko baka kasi may biglang mansabunot sakin dito.
Marunong akong mag self defense, I know some martial arts pero di ko kayang gamitin ito laban sa kanila. I need to control myself kasi pag nanggulo ako dito baka makick out ako ng university at sayang ang scholarship ko.
Kaya mas mabuting balewalain ko muna ito. That goon really did a good job para paguluhin ang buhay ko. I really really really hate him!
I didn't know sikat pala si Xionus. Maybe because of his looks? Kasi kung sa attitude niya—malabo, sobrang labo.
Kinakabahan ako. Baka may gagawin sakin ang fans ni goon to think na kahit transferee sya, sikat kaagad sya sa campus. I really need to mind my surroundings.
Akmang papasok ako sa classroom nang may nahulog na balde saking ulo. Baldeng puno ng harina. Napakuyom nalang ako sa inis. Gusto kong sigawan ang kung sinong hudas ang gumawa nito sa akin pero kinalma ko ang sarili ko.
Tawang tawa naman ang lahat dahil sa sinapit ko. Tiningnan ko silang lahat nagbabakasakali na makita kung sino ang may pakana pero wala, lahat sila tumatawa, naging laughing stock lang ako.
My anxiety creeps up as I heard and saw them laughing. The time warps in as if I'm in my own world. I hate their stares, I can hear them murmuring in my mind. I look at them, their faces seem to have deteriorated.
They didn't stop. My social anxiety starts getting worst.
Nagsimulang manginig ang aking kamay at tila ba nakapako ang aking sapatos sa sahig—di ako makagalaw.
Napapikit ako nang mariin, I tried to calm down myself and not think about people.
Bahagya akong napatalon nang biglang may tumapik sa balikat ko.
"You okay?" Trevor asked. Napalunok muna ako bago tumango.
I can't reply to him. Nanunuyo ang lalamunan ko at kahit anong paglunok ko, di pa rin ito gumagana.
"You should go to the restroom." I nodded once again. Para akong bata na pag tango lang ang alam.
Agad akong tumalikod sa kanya at nagtungo sa restroom, tinawanan pa ako ng mga babae dun pagdating ko, pero di ko na ito pinansin pa. Para akong multo sa puti ng mukha ko, nagulat nalang din ako pagharap ko sa salamin.
The run from the classroom to the restroom seems to calm down my nerves dahil di na nanginginig yung kamay ko.
Napabuntong hininga nalang ako. Wala pa naman akong dalang pampalit na damit, sana nanghiram nalang ako kanina ng damit kay Zel. Di ko naman kasi akalain na aabot sa ganito ang sitwasyon.
Ginalugad ko ang aking bag nagbabakasakaling may makitang wet wipes o tissue pero wala talaga. Napasuklay nalang ako saking buhok sa inis dahilan para mahulog ang harina sa sahig.
Sinubukan kong tawagan si Zel pero di siya sumasagot, nagsisimula na ang klase malamang.
"AAARGH!"
Napaupo nalang ako at napasabunot nalang saking buhok. Di ko na alam ang gagawin ko. Alangan naman lumabas ako dito mahuhuli ako ng officers na kasulukuyang nagroronda, naghahanap ng mga estudyanteng nagkacutting.
Napalingon ako sa pintuan. I felt a shiver in my spine nang biglang may kumatok dito.
"Sino yan?" tanong ko pero wala namang sumagot.
Napatayo ako, nagpabalik-balik sa paglalakad. Nagdadalawang isip kung bubuksan ko ba o hindi. Baka nangrerape ang nasa likod nyan o di kaya ay bubuhusan na naman ako ng kung ano-ano.
Napaparanoid na ako.
You can't blame me, kahit sabihing isang beses pa lang naman yun, nakakatrauma talaga.
Sa huli binuksan ko naman ang pintuan. May nakita akong plastic na nakaantabay sa handle ng pintuan.
"Sino ang nagbigay nito?" tanong ko sa sarili ko habang kinukuha ang plastic.
I checked it. Wet wipes, tissue and t-shirt? Isang tingin ko lang sa t-shirt alam kong panglalaki ito dahil sa size nito. Inamoy ko ito, it had a familiar scent pero di ko maalala kung saan o kanino ko naamoy.
Chineck ko din kung may note pero wala. Nagpalinga-linga ako sa labas nagbabakasaling nandun pa ang nagbigay at pasalamatan siya sa kabutihan niya, pero wala.
Agad akong nagbihis at nilinis ang aking sarili, napakalaki ng t-shirt sa akin kaya I just tucked it in my skirt.
"Pwede na siguro to." I checked myself in front of the mirror once again, para masiguradong wala nang harina.
After that nagpunta nako sa klase at napagalitan na naman dahil late ako. I tried my best para makinig ng lectures ng prof pero lumilipad talaga ang isip ko. Lalo na't may isang tao na mas lalong nagpagulo sa isip ko.
I'm trying to solve the mystery of that good guy na tumulong sa akin.
Who saved me? Anong rason para iligtas nya ako? Who are you my angel?
That question still lingers in my head.
––
Klareynah
It's already lunch time and half of the day pero pagod na pagod na ako. All the time naprapraning na ako at ni isang lecture ng prof walang pumasok sa isip ko.But as time pass by wala namang nangpraprank maliban kaninang umaga at wala namang nangthrethreat ng buhay ko, maliban nalang sa death glares ng mga fan girls ni goon kuno.Napabuntong hininga lang ako habang nakapalumbabang nakatitig sa pagkaing nasa harap ko."It's the 100th time you sighed, Yums," sabi ni Zel sabay paikot ng kanyang mata.Magkasama kami ngayon sa cafeteria dahil maaga silang pinalabas ng prof nila, first time ata na maagang nagpadismis ang prof nila."You're just exaggerating," walang gana kong sabi."Why don't you just eat your food, pinaghihintay mo ang grasya, baka takbuhan ka." Napatingin ako sa kanya."Di naman ako ganun ka sutil na bata para parusahan ako ng ganito." Tukoy ko sa mga nangyayari, parang sumpa ang mga nagdaang araw at isa lang ang nakikita kong dahilan kung bakit, si Xionus.Simula nung m
Sa wakas weekend na din. It's been a hell week, a literal hell for me. Ilang araw na pero di pa din humuhupa ang nasabing issue. Araw-araw ata akong natutuliro, baka may harina na naman, baka may balde na nang tubig ang mahulog sa taas, baka batuhin ako ng itlog, ganyan ang mga iniisip ko. Sasabog na ata ang utak ko kakaisip kung kailan pa huhupa ang isyung ito. Ilang araw na ding hindi ko nakikita si Xionus. Simula nung nagleak ang picture naming dalawa, di ko na siya nakitang muli, nawala na lang siya na parang bula. Panalangin ko na sana di na siya bumalik pa para hindi na magulo ang buhay ko. Nagtratrabaho ako ngayon sa coffee shop para naman magkaroon ako ng kahit kakaunting ipon para sa sarili ko. I can't just depend on the money my tito gave me, kailangan ko ding magsumikap para maghanap ng sariling pera. Ilang minuto nalang matatapos na ang shift ko. Di naman nagkulang sa binigay na pera si tito pero plano kong maging independent. Ulilang bata nako at kapag mawawala ang s
Nakarating na kami sa amusement park at agad namang nagningning ang mata ko, like it's my first time being here. Amusement parks really excites me, I don't know why. Para nakong bata kung makangiti, but I'm still a teenager wala namang masama dun.I could also see the gigantic rides, the ferocious scream of the crowd riding those rides, the cries of a child as he beg his mother, the happy smiles of a family.Despite the crowd, I can't feel an ounce of anxiety inside me. It's as if I'm floating with the amount of joy I felt inside my heart.May nakita akong stall na may stuff toy na unicorn. Unicorn, my favorite! Para akong bata nagtalon-talon nang makita ito.And with pleading eyes, I asked him."Could you get that unicorn stuffed toy?""Sure," he agreed and smiled.Ginulo muna niya ang aking buhok bago siya nagsimulang pumwesto para matira niya yung mga lobo. In order to get a price dapat makaputok ka ng tatlong lobo with the use of five darts.Napapalakpak ako nang kauna-unahan niya
Weekends have come to an end.Gustuhin ko mang matulog nang matulog, hindi pwede dahil kailangan ko nang pumasok sa university.Kaya matamlay akong naglalakad ngayon papuntang campus. Kung pwede lang lumiban nang kahit isang araw, kaso mapapagalitan ako ni tito at masesermonan ni tita at baka ito ang magiging dahilan para palayasin nila ako sa kanilang puder.Napabuntong hininga nalang ako.Pagkapasok ko sa gate, my body move on its own and hide behind the wall when I saw Khael walking. Di ko alam bakit pero nahihiya ako sa kanya.Naalala ko na naman ang nangyari at pinamulahan ng mukha. Bakit ba kasi kada mahihimatay ako siya yung makakasagip sakin?Ilang beses siyang nagpalinga-linga na parang may hinahanap. Ako ba ang hinahanap nya? Di naman siguro.Naglakad ako papalapit, ginawa ko pang pantapik ang bag ko."Yumi!" Bahagya akong napatalon nang tawagin niya ang pangalan ko.Napapikit nalang ako sabay nakangiting bumaling sakanya. I know my smile is so fake but I don't care anymore.
Days had passed na walang masyadong nangyari.Just regular classes, Part time job, lunch with Khael and Zel—and as time pass by napansin ko ang awkward atmosphere na pumapaloob sa kanilang dalawa.There fights are so petty. Kahit piso pag aawayan nila, ganun sila kalala at wala na akong ibang magawa kundi ang mapasapo sa aking noo.I don't know what happen to the both of them. Zel didn't tell me what happened that time, ang sabi lang niya ay 'I will tell you at the right time,' at malay ko ba kung kailan yung right time na yun.For the past few days, Xionus is unexpectedly quiet to the point that it's giving me goosebumps.But I should be happy dahil sa wakas tumahimik na din ang nagsimula ng salot sa buhay ko. But half of me is afraid, baka may plinaplanong siyang ambush, knowing that he's a goon.This day is also a normal day. Some subjects have exams but I just ace it like a piece of cake.Naglalakad ako ngayon sa hallway dala-dala ang sangkatutak na libro, pinahatid kasi ng prof n
Nakatulala akong naglalakad papunta sa classroom. My mind was still on the clouds and I felt so light like a feather dancing with the wind. Gusto ko nalang matulog nang napakahaba, yung sa sobrang haba, ayoko nang magising pa. Life is full of sacrifices and choices. In every move, you choose and sacrifice the latter. You cannot be successful without sacrificing the one that really has a big part in your heart, that part would just be a burden and hinder. But the thing is, di ko alam kung anong isasakripisyo ko o kung kailangan ba talagang magsakripisyo. I can't help but sigh. I don't really know what to do about this. I hate this. I hate choosing from the choices as if I'm discarding those things I didn't choose. To follow what Xionus said about distancing myself to Khael or to decline his warning and be with Khael at masasaktan si Zel. If I would choose the latter masasaktan ang best friend ko but if I choose the former masasaktan si Khael. But I don't want to hurt Khael because
I look at the sky. It seems gloomy kaya nagmadali akong pumunta sa bahay. Nagulat ako nang bumungad sa akin ang mga gamit ko sa labas ng bahay. "Ano pong nangyari bakit nasa labas yung mga gamit ko?" tanong ko kay tita nang makita siya sa labas na nakahawak sa may bewang niya. "Oh, nandito ka na pala. Kunin mo na tong mga gamit mo kung ayaw mong sunugin ko ito!" tita shouted. Tumulong na din siya sa pagkuha ng gamit ko habang si tito ay nakatayo lang. "T-Tita, t-tito, what happened? Bakit nasa labas ang g-gamit ko?" nauutal kong tanong. "You really disappointed me, Yumi. For all the years na nanatili ka sa puder namin, why now? Pinalaki naman kita ng maayos,. Saan ako—kami nagkulang?" "W-what are you talking about t-tito?" Ginawa ko ang lahat para pigilan ang pagtulo ng luha ko at panginginig ng boses ko. Wala naman akong ginawang mali!—gustong-gusto ko itong isigaw. "Oh, Yumi! Ako na ang naghanda ng gamit mo sa labas, you should be thankful! May pambayad ka naman siguro para s
Naalimpungatan ako nang may makarinig ng ingay. I glanced at the clock beside me, it's already three in the morning, bakit may nag iingay pa? My mind feels hazy. Nagpalinga-linga ako sa di pamilyar na silid. And I realized—nasa bahay ako ni goon. Napalingon ako sa pinagmulan ng ingay. Sa kitchen. Agad ko naman itong tinungo at dito ko natagpuan si goon. Nakapagtataka dahil nakatayo lamang siya sa kawalan. "Goon?" tawag ko. Akala ko magagalit siya pero di naman siya tumugon. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanyang harapan. Mulat naman ang kanyang mga mata at nakatingin lang sa kawalan. "Xionus," tawag kong muli habang ikinaway-kaway ang aking kamay sa kanyang mukha. "What's up with you? Ang weird mo." Mas lalo akong nagtaka nang bigla lamang siyang tumalikod at naglakad. Sinundan ko siya papunta sa kwarto niya. What's happening to him? Don't tell me he's... sleepwalking? Napatawa