Share

SEX SLAVE
SEX SLAVE
Author: ColaPrinsesa

CHAPTER 1: SAVED BY HIM

"Huluhin niyo ang babaeng 'yan! Ang kapal ng mukha mo! Magnanakaw ka!" Kinaladkad si Michelle ni Maricar patungo sa harapan ng mga pulis.

Nakaluhod habang humahagulhol si Michelle habang magkalapat ang mga kamay na tila nagdarasal at nagmakaawa.

"M-maniwala po kayo! W-wala po akong ninanakaw! Kahit na halughugin niyo ang lahat ng gamit ko ay wala kayong makikita roon."

Isa siyang katulong na naninilbihan sa mansiyon ng mga Esperanza. Pinagbibintangan siya ng anak ng kaniyang amo na ninakaw niya ang mga alahas nito kahit na hindi naman niya ginawa.

"Magsisinungaling ka pa, ha?! Dalahin niyo na ang babaeng 'yan!"

Hindi umubra ang kahit na anong pagmamakaawa niya sa babae. Kahit marahil lumuha ng dugo ay imposible na lumambot ang puso nito.

Dinala siya ng mga pulis sa presinto at legal na sinampahan ni Maricar ng kaso. Dahil isang hamak na katulong lang, wala siyang naging laban sa babaeng anak ng kaniyang amo. Nakulong siya at nagdusa sa pagkakasala na hindi niya ginawa.

"Maawa kayo! Palabasin niyo ako rito! Wala akong kasalanan!" patuloy na sigaw niya sa loob ng piitan na kinalalagyan.

"Hoy! Ang ingay mong p*****a ka! Tatahimik ka ba o bubusalan ko ng kamao 'yang bunganga mo? Bwisit na 'to! Ang sakit mo sa tainga! Hindi mo ba nakikita na natutulog ako?!"

Bumaba mula sa double deck na higaan ang isang malaking babae na nakakatakot ang itsura. Mukha pa lang ay batid na niyang isa itong kriminal na walang sinasanto.

"S-sorry…" hinging paumanhin niya.

Nanginginig ang kaniyang labi sa takot. Sumuksok siya sa isang sulok at saka umupo habang yakap ang kaniyang mga binti.

"Ano ba ang kaso ng babaeng ito? Bakit nakulong?" tanong muli ng babae sa iba pa nilang kasamahan sa seldang iyon.

"Nagnakaw raw," tugon ng isa.

"Ahh… Nagnakaw…”

Lumapit ito sa kaniya sabay hablot sa kaniyang buhok. Napangiwi siya sa ginawa nito. Pinilit niyang tanggalin ang kamay ng babae ngunit lalo lamang humigpit ang kapit nito.

"Ang ganda mo tapos magnanakaw ka?! Alam mo ba ang ginagawa namin sa mga magnanakaw?"

Ngumisi ang ibang babae na nagsitayuan din mula sa kani-kanilang higaan.

"M-maawa kayo! H-hindi ako magnanakaw!"

"Hawakan niyo ang babaeng ito!"

Hinawakan ng mga ito ang kaniyang dalawang kamay at kaniyang dalawang paa. Pinadapa siya sa sahig at saka salit-salitan na inapak-apakan ang kaniyang magkabila na kamay.

"A-aray! T-tama na po! P-pakiusap, tama na!" walang patid niyang pagmamakaawa.

Ramdam niya ang matinding hapdi sa bawat paglapat ng mga talampakan nito sa kaniyang kamay. Namamanhid na pakiramdam at parang nadurog na ang kaniyang mga buto sa kamay.

"Hindi lang 'yan ang aabutin mo kapag nag-ingay ka pa! Matuto kang makisama sa mga nauna rito, naiintindihan mo?!" tanong muli nito habang tangan ang kaniyang buhok.

"O-opo. O-opo. H-hindi na po mauulit! P-patawarin niyo ako! K-kasalanan ko!"

Mistulang takot na daga na nagsumiksik si Michelle sa isang sulok. Ang pakiramdam niya ay ano mang oras ay papanawan siya ng ulirat dahil sa labis na sakit. Tiniis niya ang lahat ng iyon at nahiga na lang sa sahig habang yakap ang sarili.

Nagpasalamat siya sa Maykapal nang sikatan pa siya ng araw kinabukasan. Ang buong akala niya ay kagabi na ang huling araw niya sa mundo. Kahit nanghihina ay pilit siyang tumayo.

"Hoy, ikaw! Linisin mo 'yong kubeta mamaya, maliwanag?!" utos ng babaeng bumugbog sa kaniya kagabi.

Ang init ng kaniyang pakiramdam. Sa kaniyang hula ay inaapoy siya ng lagnat.

"P-patawad pero hindi ko kaya. N-nanghihina ako at masakit din ang aking mga kamay dahil sa ginawa mo sa akin kagabi."

"Aba at sumasagot ka pa?!" Tumayo ang babae para muling atakihin siya ngunit napahinto rin nang lumapit ang isa sa mga bantay na naroon.

"Michelle Villanueva?"

Nangangatog ang mga tuhod na tumayo siya.

"A-ako po iyon."

"Malaya ka na. May nagpiyansa sa 'yo."

"S-sino raw po?"

Wala siyang ideya kung sinong tao ang nagmagandang loob na piyansahan siya. Una ay isa siyang ulila at wala rin siyang kilala maski isang kamag-anak kaya hindi niya inaasahan ito.

"Si Michael Esperanza, kapatid ng nagpakulong sa ‘yo."

Parang tumalon ang kaniyang puso nang marinig niya ang pangalan ng lalaki. Si Michael Esperanza ay ang unico hijo nina Don Miguel at Donya Marina, ang mga taong kaniyang pinagsisilbihan.

Mag-isa na itong tumatayo sa sariling mga paa mula pa noong edad bente-singko. Maliban sa isa na itong successful na negosyante, isa rin itong modelo ngunit ang kaniyang serbisyo ay exclusively for his own company lang which is well-known when it comes about branded items like clothes, bags, shoes, etc.

Hinatid siya ng pulis hanggang sa kinaroroonan ng lalaki. Agad humagod ang walang emosyon nitong mga mata sa kaniyang kabuuan.

"Follow me!" nakamulsa nitong sabi bago pumihit patalikod sa kaniya.

Mula sa likuran, pinagmasdan niya ng palihim ang pigura nito. He had a Titan's shoulders na parang kayang bumuhat kahit na isang sakong bigas, halatang alaga sa gym.

Hindi lang physically fit si Michael, guwapo rin ito kaya naman maraming babae ang nababaliw sa kaniya. May nasagap din siyang tsismis na halimaw rin ito sa kama kaya naman binabalik-balikan ito ng mga babaeng nakaka-one night stand nito.

"Can't you walk faster than that? Ang bagal mo! Were you a turtle in your past life? I'm a busy person, you know that! I don't have time for things like this."

Pinilit niyang doblehin ang bilis ng kaniyang mga hakbang ngunit talagang nanghihina siya. Nanlalabo na rin ang kaniyang paningin dahil sa pagkahilo.

"S-Sir Michael…" mahinang tawag niya sa lalaki.

"Make your steps faster!" asik nito na hindi man lang siya nilingon.

Tuluyan siyang bumagsak dahil sa labis na panghihina. Tanging ang huling bagay na nakita niya ay ang nag-aalalang mukha ni Michael at tinig nitong paulit-ulit na binabanggit ang kaniyang pangalan.

Hindi niya batid kung ilang oras siyang nakatulog. Nagising siya sa isang silid na hindi pamilyar at tiyak niya na ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapunta siya rito.

"N-nasaan ako?" mahinang tanong niya. Pinilit niyang bumangon habang palinga-linga sa paligid.

"Huwag kang gumalaw. The doctor said you need to take a bed rest. You have a high fever because of your swollen hand. The doctor x-rayed your hand and saw that some of your bones were broken. You can't use it for a while."

Napayuko siya.

"P-pasensiya na po sa abala. I-ilang oras po ba akong nakatulog?"

"Oras?" Michael made a sarcastic laugh.

Nag-angat siya ng tingin para makita ang reaksyon nito.

"You slept for three days, Michelle! You've been bothering me for three days too!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status