Share

CHAPTER 5: ALMOST HEAVEN

Paunti-unti na inilapit ni Michael ang mukha sa kaniya habang yakap pa rin nito nang mahigpit ang kaniyang maliit na baywang.

Tumatama sa kaniyang ilong ang amoy alak nitong hininga. Hibla na lang ang kanilang pagitan nang siya ay matauhan.

Naalala niya ang mga sinabi nito sa kaniya noong nagdaan na araw. Malaki ang pagtutol nito na may mangyari sa kanila kaya tiyak niyang bugso lang ng kalasingan kaya kakaiba ang mga ikinikilos nito.

"S-sandali, Sir Michael!"

Pinilit niyang kalasin ang malalaking braso nito sa kaniyang balakang na animo'y sawa kung makapulupot.

"Ayaw mo ba?" May tono ng pang-aakit sa tinig nito.

Humakbang siya paatras para makagawa ng pagitan sa kanilang dalawa.

"Natatandaan ko pa ang sinabi mo sa akin, Sir Michael. Sinabi mo na babae ako at dapat ay iniingatan ko ang aking sarili. Tama ka naman kaya gagawin ko ang lahat para makaiwas sa ‘yo."

Humakbang naman palapit sa kaniya si Michael. Ang mga mata ay tila naninimbang. Muli siyang humakbang paatras ngunit nagpatuloy ito sa pag-abante hanggang sa napaupo na siya sa kaniyang kama. Wala na siyang maatrasan pa.

"Kaya ba naghahanap ka na ng boyfriend? 'Yan ba ang nag-iingat sa sarili?" pauyam nitong tanong.

Sa tono pa lang ng tinig nito ay batid niyang galit ito. Sinabi niya lang naman iyon para hindi na nito isipin na may gusto pa rin siya rito, para hindi rin magbago ang pagtrato nito sa kaniya.

Itinuon nito ang kaliwang kamay sa kama at ang isa naman ay humaplos pataas sa kaniyang maputi at makinis na hita. Naghatid ng kakaibang pakiramdam ang kiliti at init na nagmumula sa palad nito.

"S-Sir M-Michael." Nanginginig ang kaniyang tinig.

Naglalaban ang kaniyang takot at excitement sa ginagawa ng lalaki. Kagat ang pang-ibabang labing napasinghap na lamang siya nang tuluyan na marating nito ang kinaroroonan ng kaniyang pinakamaselan na parte.

Inilihis ni Michael ang kaniyang suot na panty at saka hinagod ng gitnang daliri nito ang kaniyang naglalawa ng pagkababae.

"U-ugh... S-Sir M-Michael."

Mahigpit na napahawak siya sa malaking braso ng lalaki. Nagsalubong ang kaitiman ng kaniyang mga mata habang patuloy naman sa ginagawa ang kaniyang amo.

Bagama't inosente pa sa mga ganitong gawain sa edad na bente-singko, bihasa na ang kaniyang isip sa araw-araw niyang panonood ng porn. Dahil rin sa mga rated r+18 na mga pinapanood niya, lalong lumaki ang kagustuhan niya na mapalapit at maranasan kung paano makipagtalik sa kaniyang amo.

"M-Michelle... Basang-basa ka na... Horny ka rin pa lang babae ka, ano?" bulong sa kaniyang tainga ni Michael.

Napaliyad siya nang bilisan nito ang paghaplos sa kaniyang gitna gamit ang middle at index finger. Napapaungol siya kapag natatamaan nito ang maliit na laman na nakausli.

"G-ganito pala ang pakiramdam, S-Sir M-Michael. S-sige pa po... B-bilisan mo pa! G-galingan mo pa!"

Pakiramdam niya ay papanawan na siya ng ulirat. Kaunting-kaunti na lang, alam niyang may lalabas na mula roon.

"U-ugh! S-sige pa, S-Sir Michael!"

Nagtatagis ang kaniyang mga ngipin. Kaputian na lang ang kita sa kaniyang mga mata dahil sa labis na ligaya na kaniyang nararamdaman ngunit naudlot ang ligayang iyon nang biglang huminto si Michael at bigla na lang napasubsob sa kaniyang dibdib.

"S-Sir Michael?" tawag niya sa lalaki. Hindi ito kumibo kaya sinilip niya ang mukha nito.

Nakapikit at bahagyang nakanganga ang mapula nitong labi. Nakatulog sa kalagitnaan ng kasarapan.

"Sir Michael! Nakakainis ka naman eh! Ang sakit tuloy ng puson ko!"

Sa inis niya ay itinulak niya ang lalaki. Bumagsak ito sa sahig at tinadyakan pa niya ng ilang beses dahil sa sobrang inis.

Kinabukasan, nagising si Michael na nakahigang namamaluktot sa sahig ng kuwarto ni Michelle. Pupungas-pungas siyang bumangon habang inililibot ang mga mata sa kabuuan ng kuwarto.

"Bakit nandito ako?" Wala siyang maalala sa mga nangyari kagabi. Ang huling alaala niya ay nasa bar siya ni Erwin. After that, wala na. Blangko na ang lahat.

Napatingin siya sa banyo, sa kuwarto ng kaniyang maid. Bumukas iyon at inuluwa ang nakatapis lang na si Michelle.

Dinaanan lang siya nito na parang hindi nakikita kasunod ang pagkahulog ng tuwalyang nagsisilbing tabing sa katawan nito sa sahig.

Kusang umawang ang mga labi ni Michael nang bumalandra sa kaniyang harapan ang hubo't hubad nitong perpektong katawan. Nakatalikod ito sa kaniya kaya naman sa matambok na pang-upo nito siya napatitig.

"M-Michelle… A-aware ka naman na narito ako, right?" he asked sabay baling ng kaniyang tingin sa ibang direksyon. Ayaw niyang magkasala.

"Opo, Sir Michael," walang emosyon nitong tugon na hindi karaniwan sa kaniyang pandinig.

Madalas ay malambing ang pagsagot nito sa kaniya. Napaisip tuloy siya kung may nagawa siya kagabi na naging dahilan ng pagsama ng loob nito.

Kampante na nagbihis si Michelle kahit naroon si Michael. Nang maisuot ang sexy na maid's uniform ay humarap na siya sa kaniyang boss.

"May gusto po ba kayong almusal?" Maging ang mga mata nito ay wala ring emosyon.

"K-kahit ano na lang ang iluto mo. Kumakain naman ako kahit ano," aniya.

"Sana pala kinain mo kagabi para nailabas ko," bulong ni Michelle.

"M-may sinabi ka ba?"

"Wala po, Sir Michael. Ang sabi ko lang sa susunod po huwag kayong mambibitin este maglalasing dahil hindi niyo po alam ang mga ginagawa niyo. Diyan pa kayo natulog sa sahig, hindi ko naman kayo kaya na buhatin. Paano kung magkasakit kayo? Konsensiya ko pa."

Ngayon ay kumpirmado na nga niyang galit si Michelle kaya naman tumayo siya at tiningnan nang seryoso ang babae.

"Alam ko naman na aalagaan mo ako if ever na mangyari 'yon, right?"

Bahagyang bumuka ang mapulang labi nito ngunit walang salita na lumabas. Tila naumid ang dila sa kaniyang tanong.

"Anyway, whatever happened last night… Just forget whatever it is, okay? I am just drunk and I can't remember anything. And take note, huwag kang magbibihis sa harapan ko kahit na nasa sariling mong silid! Do you understand?!" Binigyan diin ni Michael ang kaniyang tinig para hindi na nito ulitin pa ang ginawa kanina. Baka hindi mapigilan ang sarili'y magahasa niya ang babae.

"O-opo, Sir Michael," mahinang tugon naman ni Michelle.

"Good."

Nilagpasan na niya ang maid at saka dumiretso sa kaniyang silid. Nang maisara ang pintuan, awtomatiko na napahawak siya sa kaniyang pagkalalaki.

"Lintik ka Michelle 'yon! Kaaga-aga ginagalit ang junior ko," nahihirapan niyang sambit bago dali-dali na ibinaba ang zipper ng kaniyang pantalon.

Mula sa butas ng dingding sa silid ni Michael, nakasilip si Michelle sa ginagawa ng lalaki.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status