Share

CHAPTER 2: BEING HIS MAID

"Dahil sa pagka-warfreak mo, I am now the one carrying the trouble you made!"

Panay ang hilot ni Michael sa bridge ng kaniyang ilong dahil sa konsumisyon sa kapatid na si Maricar. Pinagbintangan nito ang kanilang katulong na magnanakaw kahit na wala naman itong proweba.

"Ano bang malay ko na doon ko pala nailagay sa ilalim ng kama ang jewelry box ko? Siya lang naman ang pumapasok doon kaya siya ang unang pinaghinalaan ko!" pabalang na katuwiran nito.

Palibhasa ay pinalaking spoiled ng kanilang mga magulang kaya lumaki na matigas ang ulo.

"Ang sabihin mo ay nagseselos ka lang dahil sa kaniya nagkagusto ang ex-boyfriend mong si Raymond! Paano kung ikaw ang i-reklamo niya, huh?! Gusto mo bang may record ka sa NBI?"

Pinaikot nito ang bilog na mga mata at saka humalukipkip. Nakaupo ito sa mahabang sopa ng kaniyang opisina.

"She can't do that! A poor like her can't afford an attorney to defend herself. Second, kayang patahimikin ng pera ang bunganga niya! No one would believe that maid kasi mahirap lang at walang alam ang babaeng 'yon! Hindi ko nga alam kung bakit nagbibigay ng motibo si Raymond sa babaeng 'yon!"

"You know what? The better thing for you to do is go home. Don't bother me."

Kinuha niya ang laptop at saka sinimulan na pag-aralan ang mga bagong disenyo ng mga bags na ipinasa ng company products designer nila.

"I won't go home hangga't hindi mo sa akin sinasabi kung saan mo dinala ang impakta na 'yon! Bakit mo ba kasi siya piyanansahan?!" Para itong batang nagtatantrums.

"My God, Maricar! Because she's innocent! Don't you know that she had injuries in both her hands because the other prisoners beat her?! Because of your insecurities, Michelle's life is placed in danger. Kapag hindi ka pa umalis, I will call the guards! You're giving me a headache, little brat!"

Padabog na tumayo si Maricar at saka mabibigat ang mga paa na tinungo ang pintuan.

"I hate you!" sabi pa nito bago pabalibag na isinarado ang pinto.

Naiiling na kinuha niya ang phone para tawagan ang nurse na kasalukuyang nagbabantay kay Michelle. He's doing this dahil kahit na ganoon si Maricar ay ayaw pa rin niyang malagay ito sa alanganin.

Especially, isa itong kasiraan sa company at family nila kapag lumabas ang balitang ito sa media. Maging ang business nila ay maaapektuhan.

"Hello, Sir Michael?" sagot ng nurse mula sa kabilang linya.

"How is she?" he asked directly.

"Napakain ko na po siya ng lunch at nainom niya na rin po ang mga medicines niya."

"Good. Please take care of her."

He decided na siya na lang ang mag-alaga sa babae habang hindi pa nito kaya ang sarili to make sure na wala itong sasabihin na kasiraan nila sa ibang tao.

After his work, dumiretso siya sa pansamantalang silid nito sa kaniyang bahay to check her situation. Nakaupo ito sa kama at parang may malalim na iniisip.

"Can I come in?" he asked in a flat tone.

Lumingon ito sa kaniyang gawi. Hindi nakaligtas sa kaniyang paningin ang paglunok nito bago tumango.

"Don't worry, I won't harm you. I just want to say something."

Umupo muna siya sa gilid ng kama nito.

"P-pasensiya na po, Sir Michael. P-puwede po ba na magtagalog kayo? Mahina po kasi akong umintindi ng English," ani Michelle sabay kagat ng labi.

Napadako naman ang mga mata ni Michael sa mala-makopang labi na iyon sa kapulahan na parang ang sarap s******n ngunit agad din siyang nag-iwas ng tingin para alisin sa isip ang mahalay na bagay na iyon.

"O-oh, okay. W-well, gusto ko sana na pakiusapan ka na sana ay hindi na makarating sa iba ang nangyaring ito sa pagitan ninyong dalawa ni Maricar, maaari ba? As you can see, hindi kami kung sino lang na tao… We have a name and businesses to protect kaya naman nakikiusap ako sa 'yo. I am willing to pay you any amount just to make sure na you'll be mute about this issue."

Kumamot sa ulo si Michelle.

"Mahina po talaga ang comprehension ko sa English, Sir. P-pero base sa sinabi niyo, ayaw niyong may makaalam sa nangyari sa amin ni Ma'am Maricar, tama po ba?"

Tumango siya, "Yes!"

"Payag po ako pero sa isang kondisyon."

Napatitig si Michael sa mukha ng babae.

"Anything! What is it?! I will give you everything!"

"Please, hayaan mo po akong tumira rito sa bahay niyo. Wala po kasi akong mapupuntahan na iba. Ulila na ako at walang kilalang kamag-anak! Natatakot ako na maltratuhin ako ng aking magiging amo kung mamamasukan ako ulit sa iba," pakiusap nito. Kumikinang sa gilid ng mga mata ang luha, bakas sa mukha ang pagkatakot.

"No," mariin niyang tanggi.

Hindi maaari. Kung may makakaalam na may babae siyang itinitira rito sa kaniyang condo ay tiyak na matsitsismis siya.

"K-kung ganoon, ipagkakalat ko sa lahat ang ginawa ng kapatid mo at dinanas ko sa loob ng piitan," buong tapang na sabi ni Michelle.

"Are you threatening me, Woman?" he asked.

Umiling si Michelle bilang tugon.

"Desperada na ako, Sir Michael. Handa akong gawin lahat ng gusto mo basta hayaan mo akong manilbihan sa 'yo. Kahit huwag mo na akong sahuran. Basta pakainin mo lang ako at huwag sasaktan, okay na sa akin."

Pakiramdam niya ay para siyang pumulot ng bato na ipinukpok sa sariling ulo. Mali nga siguro na tinulungan niya ang babae na ito na makalabas katulad ng sinabi ni Maricar.

"Parang awa niyo na, Sir Michael. Hindi ako magiging sakit sa ulo. Hindi ako lalabas! Kahit dito na lang ako habang buhay!"

Muling napatitig si Michael sa mukha ng babae. Napakainosente at walang alam sa mundong ginagalawan.

Naalala pa niya kung paano ito napunta sa poder nila. Basang-basa ito ng tubig ulan at nanginginig ang buong katawan dahil sa labis na lamig habang sumisigaw sa labas ng kanilang gate.

Nagmamakaawa na tanggapin siya kahit na katulong. Dahil mabait naman ang kaniyang Mommy Marina ay pinatuloy nito ang babae at tinanggap bilang kanilang kasambahay.

"Okay. Pumapayag na ako na maging maid ko but… Make sure na walang makakakita sa 'yo sa labas, okay? And I'll buy you a maid's uniform para naman hindi mag-isip nang masama ang taong makakakita sa 'yo rito in case na may bisita ako. Understand?"

Nagliwanag ang magandang mukha ng babae.

"Maraming salamat, Sir Michael."

Sa labis na galak, bigla siya nitong niyakap. Para siyang natuod sa kinauupuan at nang mapagtanto marahil nito ang ginawa ay agad itong kumalas.

"S-sorry, Sir! Sobrang saya ko lang po."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status