Share

CHAPTER 4: TEMPTATION

Tinandaan na mabuti ni Michelle ang mga payo sa kaniya ni Michael. Kahit na rejection iyon, she is still happy dahil ang kahulugan lang noon ay may pakialam ang kaniyang amo sa kaniya.

"Michelle, late na akong makauuwi mamaya. Lock the door, okay? Make sure na naka-double lock. Mag-isa ka lang dito kaya doblehin mo ang pag-iingat. I have a gun sa kuwarto ko. I didn't lock it kaya if ever na may mangahas na pumasok, kunin mo at barilin mo agad ang kawatan. Kapag naman may nag-doorbell, make sure na sisilip ka muna sa peephole, okay? Don't open it kung hindi mo kilala. Buksan mo lang ang pinto kung ako ang makikita mo, nagkakaintindihan ba tayo?"

Walang patid sa pagsasalita at pagbibilin si Michael habang nag-aayos ng sarili. Napaisip tuloy si Michelle kung saan pupunta ang kaniyang amo dahil bihis na bihis at kumakalat ang nakakaadik na amoy ng pabango nito.

"G-gabi na, Sir Michael. Saan ka pa pupunta?"

"Well, I have a date with my girlfriend."

Umingos siya, "Sus! Date ba or date sa kama?" pabulong niyang sabi.

Namilog ang kaniyang mga mata sa salitang lumabas sa kaniyang bibig kaya naman mahinang tinampal niya ang kaniyang labi. Minsan kasi ay hindi niya talaga napipigilan ang kakatihan ng dila niya.

Hindi naman nakaligtas iyon sa pandinig ni Michael.

"Michelle... Always remember na love making is natural sa mag-boyfriend-girlfriend. Bakit ba parang naiinis ka sa tuwing lalabas ako with Gemma?"

Lumapit ito at ipinantay ang mukha sa kaniya.

"Are you jealous?"

Tumama ang mabangong hininga ng lalaki sa kaniyang ilong, Direkta siyang tinitingnan ng mapanukso nitong mga mata.

Mabilis na pag-iwas ang kaniyang ginawa dahil pakiramdam niya ay para siyang ice cream na natutunaw sa uri ng tingin na ipinupukol nito.

"H-hindi po, Sir Michael," pagsisinungaling niya.

Ang totoo ay malaki ang selos niya sa Gemma na iyon. Six months ng magkasintahan ang kaniyang amo at ang babae kaya hula niya ay ilang beses na rin may nangyari sa dalawa.

"Are you sure?" paniniyak ni Michael.

"Ang kulit mo naman po, Sir Michael. Sinabi ko nang hindi. Kung akala niyo ay crush ko pa rin kayo hanggang ngayon, nagkakamali ka. Iba na ang nagugustuhan ko at plano ko na sagutin na siya para magka-boyfriend na ako. Sa ganoon ma-experience ko kung ano ang pakiramdam ng inaalagaan ng taong mahal ko at para makaalis na rin ako rito."

Michael clenched his jaw. Tumuwid ito sa pagkakatayo at saka inayos muli ang sarili, hindi na siya pinansin pa. Napaigtad pa siya nang malakas nitong isinarado ang pinto pagkalabas.

"Galit ba siya?" Michelle asked herself.

Sa isang exclusive bar dumiretso si Michael para maglasing. Hindi na niya itinuloy ang pakikipagdate kay Gemma dahil wala na siya sa mood.

Sobrang nairita siya sa sinabi ni Michelle kanina. Para lamang siyang isang damit na pinalitan nito. Noong isang araw lang ay sinabi ng babae na crush siya nito tapos ngayon ay hindi na. Iba na ang gusto.

"Mukhang ang laki ng problema mo, huh?! Nakakarami ka na," puna sa kaniya ng kaibigang si Erwin na may-ari ng bar at ito rin ang bartender.

"Naiinis lang ako, Bro. Is it possible na mawala agad ang feelings mo sa isang tao within a few days? She's unbelievable!" aniya. Hindi pa rin makapaniwala sa sinabi ni Michelle.

He's famous, rich, and most of all, handsome na every women's dream. Wala pa kahit na sino man ang nag-reject sa kaniya, only this Michelle na katulong niya lang.

Erwin laughed, "Well, you have to accept na not all girls are into you, Bro. Maybe naguwapuhan siya sa ‘yo and after a few days, nagsawa na siya agad. Ganoon lang 'yon."

"That's impossible! She even offered me her body! Nagsawa siya kahit hindi pa niya ako natitikman?! That's crazy!"

Muli siyang tumungga ng alak. Pakiramdam niya ay inapakan ni Michelle ang pagkalalaki niya dahil sa mga sinabi nito.

Hilong-hilo na siya nang maisipan niyang umuwi. Ipinahatid na lamang siya ni Erwin sa isa sa mga waiter sa condo na kaniyang tinutuluyan.

"Naku, Sir! Dahan-dahan lang!" sabi ng waiter nang muntik na silang matumba pagkalabas sa elevator.

"Umalis ka na," utos niya pagkatapat nila sa pintuan ng kaniyang unit.

"Sure ba kayo, Sir Michael?" He nodded to the waiter.

Nang makaalis ito ay pinindot niya ang doorbell. Agad naman siyang pinagbuksan ni Michelle.

"Sir Michael!" Agad siyang sinalo ni Michelle nang muntikan na siyang masubsob sa sahig.

Mabilis din na sinaraduhan ng dalaga ang pintuan at saka dinouble lock.

"Bakit naman po kayo naglasing?"

Inalalayan siya ng babae hanggang makarating sa sopa.

Aalis na sana si Michelle para kumuha ng maliit na batya na may maligamgam na tubig at bimpo para sa amo ngunit nanigas siya nang dakmain ni Michael ang kaniyang pang-upo.

"A-ang laki talaga ng puwit mo! A-ang tagal ko na itong pinanggigigilan!"

Nanginit ang magkabila niyang pisngi lalo na nang pisil-pisilin iyon at paluin ng malaking kamay ni Michael. Humakbang siya paatras.

"S-Sir Michael! S-sobrang lasing po kayo! K-kailangan niyo na pong magpahinga!"

Plano sana niyang punasan ito ngunit nagbago na ang kaniyang isip. Natatakot na baka bumigay siya sa mga ginagawa sa kaniya ni Michael gayong lasing lang ito. Tiyak kinabukasan ay wala itong maaalala at magsisisi lang sila pareho sa kalalabasan ng mangyayari.

"M-Michelle... D-dito ka lang... I-I want to fuck you! I-I want to squeeze your big fat butt and those pairs of big rounded breasts!"

Kinagat niya ang kaniyang pang-ibaba na labi. Nagtatalo ang kaniyang isip at puso sa kung ano ang dapat niyang gawin.

"Hindi, Michelle! Mali ito!" sabi niya sa sarili.

Tumakbo siya patungo sa loob ng kuwarto niya at inilock ang pinto mula sa loob. Ikinulong niya ang sarili at saka humiga na sa kama. Nagtalukbong din siya ng kumot. Makalipas ang ilang sandali, naririnig niyang kumakatok si Michael.

"Michelle... open the door, Sweetie."

She ignored it but Michael didn't stop.

"Kapag hindi mo pa ito binuksan right now, I won't talk to you ever again."

Bigla siyang nangamba sa banta nito. Bumangon siya mula sa kama at saka binuksan ang pinto. Michael was there standing. His dizzy eyes were directly looking at her.

He pulled her hips closer to him and asked, "Hindi mo na ba talaga ako gusto? Are you not interested in me anymore?"

Parang bukid na tagtuyot ang kaniyang lalamunan habang nakikipaglaban ng titig sa lasing niyang kasama. Paano ba naman siya makatatanggi sa isang napakaguwapong lalaki?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status