Share

CHAPTER 9: BREAKFAST

Mabilis na hinabol ni Michael si Michelle. Papalabas na ito ng pintuan ngunit inablot niya ang payat na braso nito at mahigpit na hinawakan para pigilan ito sa gagawing pag-alis.

“Ano ba?!” iritableng palag ni Michelle.

Iwinasiwas ng dalaga ang kamay ni Michael ngunit hindi ito nagpatinag.

“Alam mo ba na ang gulo mo? Hindi mo ako pinapansin dito sa condo mo pero ayaw mo ako paalisin! Ano ba talagang gusto mo?!”

Ilang segundo na pagtitig ang ginawa ni Michael kay Michelle. Titig na hindi niya mahulaan kung ano ang ibig sabihin. Nababakas niya ang lungkot mula roon ngunit imposible. Bakit naman ito malulungkot kung umalis siya?

“Dito ka lang, please. I won’t ignore you anymore.” Ang himig nito ay nagpapahayag ng pagmamakaawa.

Hindi pa rin nito binibitawan ang kaniyang braso, walang balak na pakawalan siya.

Dahil marupok, muli siyang nadala sa pakiusap ng lalaki.

“Sige, pumapayag na ako. Siguraduhin mo lang na hindi mo na ako ituturing na hangin!”

Ngumiti na ito, nagningning ang mga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status