"Kita na lang tayo sa bar, Tam... Sir Renz!" pahabol na sigaw ni Crisanta habang pasakay na rin ito sa sariling sasakyan.Maging sina Zenny at ang iba pang empleyado ay nagkanya-kanya na rin ng alis. Katulad ni Crisanta, ang iba ay may sariling mga sasakyan. Ang iba naman ay nakisabay sa iba nilang katrabaho.Gumanti ng kaway si Tamara kay Crisanta at hinintay niya pa itong makaalis na katulad ng iba. Si Nicholas naman ay nakita niyang naglakad na rin patungo sa sarili nitong kotse. Isang sulyap pa ang iginawad sa kanya ng binata bago matamis na ngumiti."See you later, Tam," wika nito bago binuksan na rin ang pinto sa may driver's seat ng sasakyan nito. Isang ngiti lang din ang sinagot niya sa binata bago naglakad na sa bahagi kung saan nakaparada naman ang sasakyan ni Lorenzo."Kailangan ba talagang hintayin mo silang lahat na makaalis bago ka lumapit sa akin? Why do you keep on making me wait?" paangil na saad ni Lorenzo sa kanya. Nakabukas na ang pinto sa may driver's seat nito ng
Agad na iginala ni Tamara ang kanyang paningin nang makarating siya sa labas ng bar. Nagbabaka-sakali siyang makakita ng taxi at nang masakyan na pauwi sa condo unit ni Lorenzo. May mangilan-ngilang dumaraan ngunit bago pa man siya makapagpara ay agad na siyang natigilan."Tamara," narinig niyang tawag pa ni Nicholas sa kanyang pangalan. Nang tumayo siya kanina mula sa kanilang mesa at magpaalam na mauuna nang umuwi ay sumunod sa kanya ang binata.Hindi pa nga sana sang-ayon ang mga kasamahan nila na umuwi na siya. Ayon sa mga ito ay maaga pa at manatili muna sila roon ng ilang oras pa lalo't may rason naman para mag-enjoy sila.Pero nais nang umuwi ni Tamara. Isa sa mga rason ay ang katangahang ginawa niya sa sunod-sunod na pagtagay na ginawa. Hindi niya alam kung anong uri ng alak ang ininom niya kanina. Ang alam niya lang ay mas matapang iyon kaysa sa lady's drink na mas nauna na niyang tinikman kanina.Dala ng inis na hindi niya alam kung saan nagmula ay nagpasya nga siyang uminom
Nagbaba-taas ang dibdib ni Tamara dahil sa paghugot ng malalalim na hininga. Saglit niya pang pinakiramdaman ang kanyang sarili at hinayaang magmaliw ang sakit na naging bunga ng ginawa ni Lorenzo. Ngunit kahit yata ilang saglit na ang lumipas ay dama niya pa rin ang hapdi na hanggang ngayon ay nasa gitna ng kanyang mga hita.Nakasubsob pa rin ang kanyang mukha sa leeg ng binata. Ang kanyang mga kamay ay mahigpit na nakahawak sa magkabilang balikat nito. Hindi niya pa nga napigilang maibaon ang kanyang mga kuko sa balat nito nang bigla ay pasukin nito ang kanyang pagkababae.Ilang saglit na pumagitna sa kanila ang nakabibinging katahimikan. Maging si Lorenzo ay hindi rin agad nakahuma sa pagkakaupo nito habang mahigpit pa rin na nakahawak sa kanyang baywang. Wari bang maging ito ay hinahayaan siyang nakabawi mula sa sakit na idinulot nito.Until she felt him tensed. Bahagya itong kumilos dahilan para mapaayos siya ng upo. Mula sa pagkakasubsob sa leeg ni Lorenzo ay iniangat niya ang k
Sunod-sunod na paglunok ang ginawa ni Tamara nang marinig niya ang mga sinabi ni Lorenzo. Hindi man tuwiran ngunit agad niyang nakuha kung ano ang ibig sabihin nang nais nitong mangyari.She composed herself. Marahan siyang kumilos upang ayusin ang kanyang sarili sa pagkakahiga sa kama. Nakadarama siya ng pananakit sa gitnang bahagi ng kanyang mga hita dahil sa katatapos pa lamang na namagitan sa kanila ni Lorenzo.Ni hindi niya kayang ipaliwanag ang mga damdaming nagsisiunahan sa kanyang dibdib. She was physically hurt, of course she was. Lagi na niyang naririnig na sadyang masakit daw talaga ang unang pagkakataon ng pakikipagtalik. And Lorenzo was big and hard that she can't even imagine how she was able to take him.Pero sa kabila ng sakit na sanhi ng pag-angkin nito sa kanyang katawan ay hindi rin maipaliwanag ni Tamara ang kakaibang sensasyon na nadama niya nang marating ang sukdulan. The pain was still there but it was somehow overrode by pleasure--- pleasure that she didn't kno
"H-Hi..." alanganing bati ni Tamara kay Monique, ang sekretarya ni Lorenzo, nang marating niya ang palapag kung saan naroon ang opisina ng binata.Matapos ngang sabihin ni Crisanta na pinapaakyat siya ng big boss sa opisina nito ay agad siyang tumalima. Halos nahuhulaan na niya kung bakit siya nais makausap ni Lorenzo. She did not follow his instructions. Pumasok pa rin siya kahit na pinayo nitong manatili na lamang siya sa condo unit sa araw na iyon.Mula sa ginagawang trabaho ni Monique ay nag-angat ito ng ulo sa kanya. Monique smiled at her in a friendly way before she talked."Hello, Miss Tamara.""Tumawag si L--- Mr. Olivar kay Crisanta kanina. Pinapaakyat niya ako dito," nahihiya niya pang sabi."Wait a sec, Miss Tamara," wika nito sabay pindot ng intercom. "Sir Renz, Miss Tamara is here now. Would you like me to send her in now, sir?""Yes, Monique, please," narinig niyang sabi ni Lorenzo, bago sa maawtorisadong tinig ay may idinagdag. "And hold all my calls, Monique. Ayokong t
Pagkarating sa condo unit ni Lorenzo ay agad nang nagbihis ng damit si Tamara. Dala niya rin sa pag-uwi ang mga dokumentong kailangan niyang ibigay dito. May ilang bagay din kasi na kailangan ng approval ng binata kaya dapat munang makita at i-review nito ang mga iyon.At dahil sa pansamantala naman siyang naninirahan sa pag-aari nitong condo unit ay napagpasyahan niyang doon na lang iabot sa binata ang naturang dokumento. Kung anong oras man ito pupunta o kung pupunta pa ba sa unit ay hindi niya alam. Baka sadyang abala pa ito sa pakikipag-usap sa dating kasintahan. Duda pa siya kung maalala pa nito ang mga sinabi kanina na isasabay siya nito sa pag-uwi.Dala-dala niya sa kanyang dibdib ang ngitngit hanggang sa makapagbihis siya. Humihiling si Lorenzo ng "exclusive" na relasyon. Hindi nito nais na may ibang lalaki. Ipinagdiinan iyon sa kanya ng binata nang magkausap silang dalawa.Pero kapag ito ay maaari? Siya ay pinagbabawalang makipagkita sa iba, pero kapag ito na ay pupwede? Tama
It took her minutes before she was able to move from where she was standing. Slowly, Tamara stepped her feet forward. Nakasunod si Lorenzo sa bawat hakbang na gawin niya, bagay na labis pang nakapagpailang kay Tamara. Pakiramdam niya, bawat titig nito ay nag-iiwan ng baga sa kanyang katawan at nagsisimula ng apoy.Ano ba ang mayroon sa lalaking ito at labis ang epekto sa kanya? And damn, just his stares made her so uneasy.Pilit niyang binalewala ang ginagawa nitong paninitig. Naglakad na siya patungo sa kabilang panig ng kama at sa sandalan ng upuang malapit roon ay isinabit niya muna ang maliit na tuwalyang ginamit niya kanina.Matapos niyon ay tuluyan na siyang naupo sa gilid ng kama habang inaayos ang comforter sa may panig niya. Ang balak niyang ignorahin ang binatang kasama ay hindi nagtagumpay sapagkat agad siyang napalingon dito nang marinig ang marahan nitong pagbuntong-hininga."Why do I feel like you are so uncomfortable with me, Tamara?" narinig niyang sabi nito."I-I am n
"Simpleng paglalambing lang kay Lorenzo para muli mong makuha ang loob niya, hindi mo pa magawa! What was the reason why you can't do it, Charmaine?”Charmaine can't help but to roll her eyes upwardly while listening to her father's outburst. Kaharap niya nga ngayon si Enrico, ang kanyang ama, matapos niyang umuwi sa kanilang bahay dahil humiling ito na mag-usap sila nang personal.Ngayon ay halos gusto na niyang pagsisihan na pumayag siyang makipagkita dito. Wala siyang ibang marinig mula sa kanyang ama kung hindi ang panenermon nito tungkol sa kung gaano niya katagal magawa ang mga nais nitong mangyari.“Pinapunta mo lang ba ako dito para sermunan, papa?” hindi niya maiwasang sabihin dito.“Alam mo kung ano ang gusto kong mangyari, Charmaine. You need Lorenzo back in your life—”“I need Lorenzo back in my life? Or you need him, papa?” mabilis niyang sansala sa pagsasalita nito dahilan para matahimik si Enrico.“You don't have the right to shout on me, Charmaine. Anak lang kita.”Pag