Share

Kabanata 34

"I don't know if I had to tell you this, but Tito Lucas is settling Arim's school documents, and I heard they'll be back in America by the end of the month."

Ang balitang iyon mula kay Chesca ang sumalubong kay Lera. 

Naalarma siya. Hindi maaaring malayo muli sa kan'ya ang anak. Nakapagsimula na siya sa plano ngayon, hindi niya hahayaan na magsimula muli siya sa wala. Maraming taon at araw na ang ipinagkait sa kan'ya ni Lucas na makapiling ang bata. Hindi niya papayagan na muli itong madagdagan.

"Bakit daw?" 

Nagkibit-balikat si Chesca.

"Ang sabi po ni mommy dahil daw sa nangyari nang isang araw. Mild lang naman ang hika ni Arim dahil nag-a-adjust pa ito sa klima dito, pero gustong-gusto na talaga ni Tito Lucas na bumalik sa America."

Kinutuban si Lera, pakiramdam niya'y dahil iyon sa kan'ya.

"Ate Chesca!" 

Mula sa malalim na pag-iisip ay napabalikwas siya ng upo sa cafeteria nang marinig ang boses ng anak. Tumat

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status