Share

Kabanata 37

"Class dismissed."

Umingay ang buong klase ni Lucas nang bitbitin niya na ang mga testpapers upang lumabas ng silid.

"Sir! Hindi na po ba talaga kayo magtuturo kahit isang subject lang?"

"Dito na lang po kayo sir sa university. Mas masaya po mag-aral kapag ikaw ang nagtuturo."

Ngumisi si Lucas nang marinig ang pambobola ng kan'yang mga estudyante kahit pa para sa mga ito ay totoo iyon.

Tapos na ang semestre, hudyat para bumalik na ang kan'yang kapatid na si Zeus sa pagtuturo. Isa pa'y nakahanda na din ang plane ticket nila ng anak pabalik ng America.

Hindi sinasadyang huminto ni Lucas sa harapan ng upuan ni Lera upang lingunin ang mga estudyante.

"Thank you class. Your grades will be released next week."

Naglagay siya nang kaunting ngiti sa labi ngunit hindi pa rin tapos ang mga ito sa pangungulit sa kan'ya.

"Night out tayo sir!"

"Please sir!"

"Pa-despidida n'yo po!"

Buong klase ay nagkakagulo habang

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status