Share

Kabanata 27

Chapter • Seven

Pinanood ko ang madilim na kalangitan habang nakaupo sa hood ng sasakyan ko. Sa aking kamay ay ang bote ng beer na halos ilang inom na lang ay mauubos na ang laman.

Sinuklay ko ng mga daliri ko ang aking umaalong buhok bago ko muling tinungga ang beer ko. Tumama sa namumula ko nang mukha ang malamig na simoy ng hangin.

Tumabi sa akin si Hank at muling nag-abot ng panibagong bote ng beer. Nang tanggapin ko ito ay wala na sa akin ang tingin niya kun'di na kay Jomyl at Gia na abalang maghalikan sa loob ng kotse ni Jomyl.

Nakangising umiling si Hank. "Lupit din nitong isang 'to. Akalain mong tumagal siya kay Jomyl ng isang linggo?" Ani Hank saka uminom sa kanyang beer.

Natawa na lang ako. Saglit akong uminom ng beer bago muling pinagmasdan ang mga bituin sa langit. "Kapatid 'yan ni Pearce." Untag ko.

"Kaya pala pamilyar. Mukhang nakita ko na nga 'yan last year no'ng sa Astrid ginanap ang Nexus. Isa 'yan sa p

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status