Share

Kabanata 32

Chapter • Twelve

Umaga kinabukasan ay naabutan ko sina Dad, Mom, at Vera na nag-aalmusal habang nagkukwentuhan tungkol sa studies ni Vera. Didiretso sana ako paalis nang bigla akong tawagin ni Dad. Napairap ako sa kawalan nang harapin ko sila.

"It's too early, Meiko. Baka kung ano lang na namang kalokohan ang gawin mo sa eskwela. Sit and join us. Para ka nang estranghero sa pamamahay na ito. Ni hindi ka na namin nakakasabay sa pagkain." Seryosong sabi ni Dad.

"Oo nga naman. Kagabi madaling araw ka na namang umuwi. Para kang hindi babae. Hindi ka gumaya sa ate Vera mong nasa oras ang pag-uwi." Nakataas ang kilay na sabi ni Mom saka siya humigop ng kape.

Napabuntong hininga ako dahil sa narinig. Matalim ko lang na tinignan si Vera na may tagong kurba ang labi. Pasimple niya akong inirapan nang hindi nakatingin ang mga magulang namin.

"Busog pa ako. Tsaka 'wag kayong mag-alala. Kasama ko si Pearce. Sabay kaming nag-aadvance study

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status