Chapter • Eleven
Gumapang na ang matinding kaba sa dibdib ko nang makalagpas kami ng East gate. Isang kilometro mula roon ay matatanaw na ang napakaraming tao sa tabi ng daan. May mga sasakyan ding nakahanda nang maglagay ng close signs sa dalawang dulo na gagamiting daan para sa karera.
Dati-rati, sa tuwing naririnig ko ang hiyawan ng mga tao kapag nakikita nilang parating na ang sasakyan ko, saya ang nararamdaman ko pero sa pagkakataong ito na si Pearce ang may hawak sa manibela, hindi ko na maipaliwanag ang takot ko.
Ipinarada ni Pearce ang sasakyan sa tabi ng kotse ni Dalton. Nakaupo siya sa hood ng kanyang Mustang. Ngumisi siya nang lumabas kami ni Pearce ng sabay mula sa pulang audi r8 ko.
Biglang tumahimik ang mga taong kanina lang ay masayang naghihiyawan nang makita si Rosa. Ang mga mata nila ay nakatutok kay Pearce.
Nagsimula ang mga bulungan. Ilang pamilyar na salita ang narinig ko. Delta. Army. Prison. Rul
Chapter • TwelveUmaga kinabukasan ay naabutan ko sina Dad, Mom, at Vera na nag-aalmusal habang nagkukwentuhan tungkol sa studies ni Vera. Didiretso sana ako paalis nang bigla akong tawagin ni Dad. Napairap ako sa kawalan nang harapin ko sila."It's too early, Meiko. Baka kung ano lang na namang kalokohan ang gawin mo sa eskwela. Sit and join us. Para ka nang estranghero sa pamamahay na ito. Ni hindi ka na namin nakakasabay sa pagkain." Seryosong sabi ni Dad."Oo nga naman. Kagabi madaling araw ka na namang umuwi. Para kang hindi babae. Hindi ka gumaya sa ate Vera mong nasa oras ang pag-uwi." Nakataas ang kilay na sabi ni Mom saka siya humigop ng kape.Napabuntong hininga ako dahil sa narinig. Matalim ko lang na tinignan si Vera na may tagong kurba ang labi. Pasimple niya akong inirapan nang hindi nakatingin ang mga magulang namin."Busog pa ako. Tsaka 'wag kayong mag-alala. Kasama ko si Pearce. Sabay kaming nag-aadvance study
Chapter • ThirteenPalabas na ako ng classroom para sa huli kong klase nang tawagin ako ni Harley, ang leader ng group namin para sa research paper. Kunot-noo ko siyang nilingon. Halata namang natakot siya sa akin.Nagkamot siya ng gilid ng kanyang ulo saka kinakabahang nagsalita. "Ano kasi, sa susunod na Saturday, mag-oovernight sana ang buong group sa bahay nina Nimpha. Doon sana natin gagawin 'yong project tutal tapos na tayo sa survey at basic steps. Pwede ka ba?"Sandali ko siyang tinitigan. "Do I have to go?" Tinaasan ko siya ng kilay.Biglang namutla ang kanyang mukha. "Ha? Uh... K-kailangan kasi." Natatakot niyang tugon.Magsasalita na sana ako nang maramdaman kong may umakbay sa akin. Kaagad bumilis ang tibok ng puso ko nang maamoy ko ang pamilyar na pabango."She'll come. If it's for her grades then you have my word." He said softly.Kaagad namula ang pisngi ni Nimpha. Pilit siyang ngumiti saka tumango.
Chapter • FourteenSinimangutan ako ni Hank matapos niyang maisuot ang gloves niya. Prente siyang naupo sa bench at pinasadahan ng tingin ang team mates niyang nagwawarm up na sa field. Unti-unti na ring napupuno ang stadium ng mga manonood mula sa limang bayan ng lycans.Itinupi ko ang aking mga braso sa tapat ng aking dibdib. "I'm sorry, okay? Taga-Galum ako. People will expect me to be on our team."Nagkamot siya ng batok. "Wala! Madaya ka. Ang sabihin mo, maglalaro lang 'yang si Pearce sa team niyo kaya bigla kang lumipat ng side. Hay, Meiko. Ano ba 'to? Pustahan pa rin ba 'to o iba na?" Makahulugan niyang sabi.Pinaningkitan ko siya ng mata. "Itikom mo nga 'yang bibig mo? Mamaya may makarinig pa sayo." Naiinis kong sabi saka siya inirapan.Umayos siya ng upo saka niya isinangkal ang kanyang mga siko sa kanyang tuhod. "Di nga, seryoso 'tol. Pustahan pa rin ba o totoo na 'yan?" Nagtaas-baba ang kanyang mga kilay habang may ngisi sa kanyang
Chapter • FifteenHindi na bago sa akin ang mga ganitong eksena pero sa pagkakataong ito, para bang may kakaiba.Ipinarada ko ang sasakyan ko sa gilid ng daan saka ako lumakad papasok ng bahay. Pagkabukas pa lang ng butler sa pinto ay nasalubong ko na kaagad amg galit na mukha ng mga magulang ko.Nakahalukipkip si Dad habang nakatayo at galit na nakatitig sa akin habang si Mom ay nakaupo sa sofa habang nakade-kwatro."Ano na namang ginawa ko?" Walang gana kong tanong paglapit ko pa lang sa kanila."Ano 'tong narinig kong ikaw ang nagyaya at nang-impluwensya sa pinakamatinong delta para sumali sa mga kalokohan mo?" Galit na sabi ni Dad.Napairap ako. "If you're referring to Pearce, then guilty as charged." Nakangisi kong sabi.Naningkit ang mga mata ni Dad dahil sa sinabi ko. Humakbang siya palapit sa akin at bigla na lang akong sinampal. Masyadong malakas ang ginawa niya kaya bumagsak ako sa sahig. Naramdaman ko
Chapter • SixteenWe spent the night at his gallery. Imbes na magmukmok ay tinuruan na lamang niya akong magpinta. He was right. Nakakagaan ng loob kapag inilalabas mo ang emosyon mo sa pamamagitan ng pagpinta.Pinagmasdan ko ang larawang naiguhit ko. This is my first actual artwork. Dalawang magkasalikop na palad. This is ours. The symbol of the bond we are sharing. The sign of the affection I never thought would come into my life.Naramdaman ko ang pagpulupot ng kanyang mga braso sa aking bewang. Ipinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat."You never mentioned you're good at this." He whispered.Napangiti ako sa narinig saka ko ipinilig ang ulo ko para tignan siya. Piniga ko ang dulo ng kanyang ilong. "Huwag mo kong bolahin."Mahina siyang humalakhak saka inalis ang kamay kong nakahawak sa kanyang ilong. "Okay. My turn." He murmured.Ngumiti ako sa kanya. Hinila niya ako palapit sa canvass na pinagp
Chapter • SeventeenWalang tigil sa pagbayo ang dibdib ko habang nasa taxi patungo sa bahay nina Pearce. Hindi ko na alam ang gagawin. Namamayani ang matindi kong takot sa pwedeng makitang reaksyon niya.Nanginginig ang mga tuhod ko nang bumaba ako ng cab. Napalunok ako nang simulan kong humakbang palapit sa gate. Nakita ko itong nakaawang. Nakaparada lang din sa tabi ng daan ang kanyang sasakyan.Habang palapit ako sa pinto ng basement ay lalong nagwala ang dibdib ko lalo nang makitang bukas ito at mula sa labas ay naririnig ko ang ingay na nagmumula sa basement. Tunog ng mga bagay na tila ibinabato sa pader, mga nababasag na gamit, at galit na galit na mga sigaw ng taong pakay ko.Maingat ang bawat hakbang ko hanggang sa tuluyan akong nakababa ng basement. Nanlambot ang mga tuhod ko nang makita si Pearce na nakatalikod mula sa akin. Marahas ang bawat pagtaas-baba ng kanyang mga balikat. Hindi ko pa man nakikita ang kanyang mukha, n
Chapter • EighteenHindi ko na alam kung paano ko nagawang umuwi ng bahay. Lumulutang ang isip ko at wala pa ring patid ang mga luha ko sa pagpatak.Nanlalambot ang mga kalamnan ko nang hawakan ko ang doorknob ng main door. Natigilan ako nang sa pagpasok ko pala ay naghihintay sa akin ang mga magulang ko. Hindi maipinta ang galit sa kanilang mga mukha nang makita ako.Nabaling ang tingin ko sa maletang malapit sa fireplace. Para akong nanlumo lalo nang makilalang akin iyon.Galit akong tinitigan ni Dad saka niya dinampot ang maleta. Lumakad siya palapit sa akin saka niya hinawakan ang isa kong braso at kinaladkad ako palabas. Nang itapon niya palabas ng gate ang bag ko ay binitiwan na rin niya ako. May dinukot siyang susi ng sasakyan mula sa kanyang bulsa at iniabot ito sa akin."Take my car, take your things, and leave this place. Hindi ko na kayang tignan pa ang pagmumukha mo. Sobra na ang kapahiyaang idinulot mo sa pa
Chapter • NineteenOnce there was a troubled wolf who always do bad things to others. Mahilig siyang magtaray sa kahit kanino at gustong-gusto niyang pinaglalaruan ang damdamin ng ibang tao hanggang isang araw,the stubborn wolf met a very handsome and clever knight who loves to paint. The wolf tried to make the knight fall in love with her just like what she used to do with the other knights in tbe castle but the knight was not that easy to get. Instead, he played with the wolf until the wolf realized that what she's doing is wrong. The wolf fell in love with the clever knight. They were happy until the bad prince and the evil sister of the wolf came and ruin everything. They did everything to separate the wolf and the knight until they finally succeeded. The knight pushed the wolf away and until now, the wolf is still wishing that someday, she will still come home to the knight's arms...with their cute little boy and live happily ever