Share

Sold To The Billionaire Series 1: Piere Monecidad
Sold To The Billionaire Series 1: Piere Monecidad
Author: Maecel_DC

Prologue

Pinagkrus ni Piere Monecidad ang kanyang mga braso sa tapat ng dibdib habang matalim ang tingin ng kanyang berdeng mga mata sa lalakeng nakaluhod sa kanyang harapan.

“Ang casino ko ay para lamang sa mga mayayaman at marunong magbayad ng mga inutang nilang pera.. Anong ginagawa ng isang musmusing adik na katulad mo rito?” Ang malalim na boses ni Piere ay sadyang pinatindig ang balahibo ng ama ni Lumi Torinio.

“S-Sir Piere! Babayaran ko ho kayo sa oras na manalo ako muli, pangako!” Nakaluhod na pakiusap ng matanda at halos halikan ang sapatos ni Piere upang patawarin siya at bigyan ng palugit.

“Na naman? Ilang beses mo na bang sinabi ‘yan sa akin Julio?” nauubos pasensya na sabi ni Piere at nasapo ang kanyang sintido.

“Mabuti pa at tumawag na lang kayo ng pulis at ipadampot ang lalakeng iyan,” iritableng sabi ni Piere.

“Mas kailangan ako sa kumpanya—”

“Nakikiusap ho ako Sir Piere!” pakiusap ni Julio.

Huminga ng malalim si Piere at salubong ang kilay na tinitigan ang mukha ni Julio.

“Anong maiaalok mo sa akin bilang kabayaran sa limang milyon na utang mo, Julio?” sumbat ni Piere at hinintay ang tugon ni Julio na malalim na nag-iisip.

“Ang anak kong babae! G-Gawin mo ang kahit na anong nais sa kanya, alipinin, gawing katulong, o hindi kaya ay parausan!” Tumaas ng husto ang kilay ni Piere sa alok ni Julio.

Punong puno ng pagtataka kung paano niya nagawang ibenta ang sariling anak upang kabayaran. “B-Balita ko ay naghahanap ka ng babaeng makakasama mo sa mansion, Sir Piere.”

Labis na natigilan si Piere at umismid bago mahinang tumawa, “Para sabihin ko sa iyo, Julio. Ayoko sa maruming babae, ayoko sa nahawakan o nagalaw na ng iba—”

“Inosente si Lumi, Sir Piere. Ni humalik nga ay hindi niya alam, ngunit kung hahasain mo siya ay matututo siyang sundin kayo. T-Twenty million kapalit ng anak kong babae,” pakikipag-areglo ni Julio.

Nilingon ni Piere ang kasama niyang lalake, ang butler niya. “Alamin mo ang lahat tungkol kay Lumi Torinio.”

“Sa oras na pumalya ang babaeng sinasabi mo ay hihimasin mo ang malamig na rehas,” banta ni Piere at sinamaan ng tingin si Julio.

Naupo naman si Piere sa malambot at yayamanin na upuan sa pribadong opisina niya sa pag-aari na casino.

Habang nag-aantay ay ibinahagi sa kanya ng kanyang butler ang lahat ng tungkol kay Lumi dahilan para mayanig nito ang interes ni Piere.

“Kung ganoon ay walang palya?” naniniguradong kwestyon ni Piere.

“Wala sir,” tugon naman ng butler nito.

“Gumawa ka ng kasulatan at papirmahin mo ang hampaslupa na ‘yan,” walang emosyon na sabi ni Piere at inilabas ang kaha ng sigarilyo niya bago niya ito sinindihan at hinipak.

Matapos ang pirmahan ay muling nagbanta si Piere, “Hindi mo na mababawi pa muli ang anak mo dahil pag-aari ko na siya. Sa madaling salita ay akin na ang anak mo at kahit anong karapatan ay wala ka na.”

“Y-Yes Sir Piere! Sa makawala ay ihahatid ko siya mismo sa inyong mansion!” sabi ni Julio habang nakayuko, ngumiwi naman si Piere at walang ganang umalis sa kanyang opisina.

“Ano’t tahimik kayo, sir?” tanong ng butler ni Piere.

“Ganoon ba ang pagmamahal? Naisasanla at naibebenta na parang gamit?” naiusal ni Piere at malalim na nag-isip.

“H-Hindi sir, dahil kung ganoon ang ginawa ni Julio sa anak ay maaring hindi niya mahal ang anak,” paliwanag ng butler niya.

“Tulad ba ng magulang kong walang pakialam sa akin?” pabulong na usal ni Piere at matipid na ngumisi.

“H-Hindi ko rin naman alam ang pagmamahal, ano’t kailangan kong matutunan ‘yon? Kalokohan.” Napapailing na sabi ni Piere habang inaalala ang habilin sa kanya ng namayapang lola.

Hindi talaga maunawaan ni Piere kung ano ang depinisyon ng pagmamahal at ano iyon sa pakiramdam, dahil hindi niya naman ito naramdaman sa kahit na sino.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status