Share

Chapter 12

Tessa's POV

"Alfred, are you sure this is the address?"

"Yes, Don Enrico. Kinumpirma mismo ng tauhan ko."

Nagbuga ng malalim na hangin si Don Enrico bago bumaba ng sasakyan. Dali-dali naman akong sumunod sa likuran niya.

"You don't have to come, Tessa," sabi nito habang patuloy sa paglalakad.

"Sasama po ako," matigas kong tugon kaya nilingon ako nito.

Sinalubong ko ang mga mata niya na parang sinasabi na sigurado na ako sa gusto kong gawin. Bumuntonghininga ito bago tumango.

Pumasok na kami sa malaking building sa may Makati City at hinanap ang unit number na ibinigay ng utusan ng don.

Matatanggap ko kung isa o dalawang araw, pero ang mahigit isang linggo na hindi pag-uwi ni Darius? Hindi ko kayang palagpasin na lang iyon.

Halos mabaliw ako sa kakaisip na magkasama sila ng Martha na iyon buong linggong hindi siya umuwi.nAraw-araw, para akong pinaparusahan habang naghihintay sa kaniya. Ni hindi na nga ako makatulog nang maayos kasi iniisip ko kung ano ang ginagawa nila.

Hindi na ako na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Josephine Tobias Andulana
Tama na author,,masakit na para ka Tessa,sana c Darius naman Ang mag hanap Kay tassa
goodnovel comment avatar
Maquirang Annie Ablen
isanh bagsakan nlang ng sakit para kay tessa Ms.A . para si darius nman ang lumuhod at mag makaawa......
goodnovel comment avatar
Reese
tama ng pasakit miss a...si Darius nmn pahabulin mo kainis hahahah
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status