Tessa's POVSA sobrang panginginig ng kamay ko, hindi sinasadyang napihit ko ang pinto at nabuksan iyon. Nabaling sa akin ang paningin nilang lahat.Nakita ko kung paano natigilan si Darius nang makita ako. Napatayo ito mula sa pagkakaupo sa table niya.Kagat ang labi, pumasok ako sa loob at isa-isang tiningnan ang mukha ng mga kaibigan niyang puros kunsintidor."Tessa," tawag ni Darius sa pangalan ko."And what is this woman doing here?"Napatingin ako sa lalaking nagsalita. Lukot ang noo nito habang nakatingin sa akin. "Kayo ba iyon? Kayo ba iyong mga kasama ni Darius sa hacienda? Tama ba na nagsasalita kayo nang masama sa likuran ko? Asawa na ako ni Darius, kahit hindi niya ako mahal, wala kayong kaparatan magsalita nang kung ano-ano tungkol sa akin. Tao pa ba kayo? Bakit madali lang sa inyong mang-insulto ng iba? Porke ba mayaman kayo at katulong lang ako?"Nagkatinginan ang mga ito at hindi nakaimik. Hindi siguro nila inaasahan na narinig ko ang mga pang-iinsulto nila sa akin noo
Tessa's POVNAKAUPO ako sa gilid ng kama habang tulala sa kawalan. Hindi agad umalis ang mga kaibigan ni Darius, kinailangan kong maghanda ng pagkain para sa kanila kasi ginabi na sila rito. Nagluto pa tuloy ako.Nagmukha lang tuloy akong katulong dahil sa nangyari. Ewan ko kung pumunta sila para humingi ng tawad, o ipamukha talaga sa akin ang lugar ko. Na kahit kasal kami ni Darius, hindi mababago ang katotohanang katulong pa rin ako nito.Natigilan ako sa malalim na pag-iisip nang may kumatok sa pinto. Bumukas iyon at iniluwa si Senyorito Darius. Hindi agad ako nakaimik nang magtama ang mga mata namin. Hindi kasi ako sanay na pumupunta siya rito."Can we talk?"Umiwas ako. Pagagalitan niya ba ako sa inasal ko kanina sa mga kaibigan niya? O sa ginawa kong pag-amin?Kahit hindi pa ako sumasagot, lumapit na siya sa akin at tumayo sa harap ko."Kung pagagalitan mo ako, gawin mo na agad. Inaantok na ako."Narinig ko siyang bumuntonghininga. Lumuhod siya sa harap ko para magpantay ang muk
Tessa's POVNAPANGITI ako nang makitang pumasok sa kitchen si Darius. At parang may paruparo sa loob ng tiyan ko nang makitang nginitian niya ako."B-bakit hindi ka nakapanlakad? Wala ka bang pasok ngayon?"Napansin ko kasing naka-boxer shorts lang siya at simpleng white t-shirt.Nagkibit-balikat siya at naghila ng upuan. "It's Sunday. Wala akong pasok.""Oo nga pala. Sunday ngayon."Agad kong nilapag sa ibabaw ng table ang mga pagkaing niluto ko. Naglagay rin ako ng coffee sa tasa niya."Hmm. Ang sarap nito, ah? Masarap ka palang magtimpla ng kape?""Oo naman. Alam mo ba, isa ang coffee ko sa favorite ni Master Daryl noon. Uhm, noong nabubuhay pa siya."Nag-angat ng paningin si Darius at banayad na ngumiti. "Let's eat? Nagugutom na ako."Sunod-sunod akong tumango bago siya pinagsilbihan. Ako ang naglagay ng fried rice sa plato niya, ako rin ang naglagay ng ulam. Natigilan ako nang matawa si Darius."Tessa, maupo ka na. I can take care of myself."Umiling ako. "Ako dapat ang gumagawa
Tessa's POVHINAPIT ako ni Darius at pinaharap sa kaniya. Bumungad sa akin ang mga mata niya na parang nangungusap."It's not like that, Tessa. I'm sorry, okay? Masyado lang akong nadala."Bahagya akong sumimangot kahit na ang totoo, kumakabog nang malakas ang dibdib ko."Nadala?""Masaya lang ako.""Masaya?" Bahagyang kumunot ang noo ko. Hindi ko kasi maintindihan ang ibig niyang sabihin. "Bakit ka naman masaya? May nangyari bang magandang sa trabaho mo?"Nginitian niya ako sabay hagod ng buhok ko sa gilid."How about we go out? Pasyal tayo o shopping."Napasinghap ako sa tuwa dahil sa sinabi niya. "Gusto ko iyon! Sa wakas, makakapasyal na ako dito sa Manila! Ang tagal ko na rin gustong gawin iyon, e!""Sige na, magbihis ka na. Ako na ang tatapos nito."Nilingon ko ang mga hugasin sa lababo. Kaunti lang naman iyon kaya pumayag na ako."O sige! Magbibihis na ako, ah?" Palabas na ako nang nilingon ko uli siya. "Maliligo pa pala muna ako. Sige, ah?"Dali-dali akong tumakbo paakyat. Pagd
Tessa's POVMATAGAL akong natulala sa kisame habang iniisip ang nangyari. Nakahiga pa rin ako habang katabi nahihimbing na si Darius."May nangyari sa amin?"Ang naaalala ko lang, nalasing ako at hinalikan niya ako. Pero paanong nangyari na nandito na kami sa kuwarto ko?Dahan-dahan akong sumilip sa ilalim ng kumot. Pinanlakihan ako ng mga mata nang makita ang hubad kong katawan. May nangyari nga sa amin!"Nakaganti na ako.""Ay! Butiki!" Napatili ako sabay bangon.Natatawang nakatingin sa akin si Darius. Halata sa mga mata niya ang antok, pero pilit siyang bumangon."This is exactly what you did to me, remember?"Nagkagat-labi ako sa tanong niya."How does it feel to taste your own medicine?" Nilapit niya ang mukha sa akin at hinalikan ako sa labi.Ang mabilis na pagtibok ng puso ko kanina dahil sa takot at kaba, ngayon ay dumoble sa ginawa ni Darius. Hinalikan niya ako! Pangalawang beses na ito!"Ayaw mong uminom ng alak dahil iniisip mong pagsasamantalahan kita. Iyon pala... "Nata
Tessa's POV "Darius, a-anong ibig sabihin nito?"Kitang-kita ang pamumutla ng mukha ni Martha habang nakatingin kay Darius. Nang hindi nito magawang sumagot ay ako na ang nagsalita."Kung ano ang nakikita mo." Binigyan ko siya ng matamis na ngiti."Tessa," narinig kong bulong ni Darius pero hindi ako tumigil."Bakit? Dapat lang na matanggap na niya." Nilingon ko siya at matamis na nginitian. "Akin ka na, pero naghahabol pa rin siya sa iyo. Desperada!""Tessa, please."Umirap lang ako. Pero marunong talagang mang-inis ang Martha na ito dahil hindi man lang niya ako binigyan ng pansin.Lumapit siya sa amin habang titig na titig kay Darius. Sa sobrang inis ay parang gusto kong dukutin ang mga mata nitong nakatingin sa asawa ko!"I've been calling you, but you're not answering my calls. Busy ka lang, di ba?""Oo, I'm sorry I haven't got the chance to tell you. Postponed ang business trip ko."Sunod-sunod itong tumango. Pinapaasa pa rin ang sarili! Nakakaloka!"Let's talk. Please, follow
Tessa's POVKANINA pa ako pabalik-balik sa harap ng pinto. Hinihintay ko ang pagdating ni Darius, pero lumipas na ang mahabang oras, wala pa siya.Nakapagluto na nga ako ng lunch kanina at ngayon naman ay dinner, pero hindi pa rin siya bumabalik."Buong araw na siyang wala. Bakit ba wala pa rin siya? Anong emergency ba kasi ang nangyari? Nakakainis naman!"Pagsapit ng gabi at wala pa rin ito, pumasok na muna ako sa kitchen para initin ang mga pagkain."Sayang naman, malamig na. Mas masarap ito kapag bagong luto."Habang iniinit ang mga pagkain, panay silip ako sa labas ng bintana. Kinakabahan kasi ako na baka hindi umuwi si Darius."Ganoon ba siya ka-busy sa opisina nila para hanggang ngayon, hindi siya makaalis? Sana man lang, umuwi muna siya kahit sandali para sabihan ako, nang hindi ako nag-aalala nang ganito!"Inis na inis ako dahil pakiramdam ko, may kinalaman ang Martha na iyon dito. Nagkita lang sila, nagbago na naman ang ihip ng hangin."Okay na kami ni Darius. May nangyari na
Nakatayo ako sa harap ng pinto ng aming kuwarto at nagpabalik-balik ng lakad, habang ang aking asawa na si Darius, abalang nag-aayos ng mga gamit niya sa loob. Ang mga mata ko ay namamasa sa luha, ang aking puso ay nadudurog sa sakit."Martha... papunta na ako."Sa narinig ay nagmamadali akong pumasok. Naabutan ko siyang katatapos lang na mag-impake kaya natigilan ako. Parang gustong sumabog ng puso ko sa sakit habang iniisip na iiwan na niya ako para kay Martha... ang kabit niya.Nang tuluyang matapos sa ginagawa, humarap siya sa pinto kung nasaan ako. Sandali siyang natigilan nang magtagpo ang mga mata namin, pero parang wala lang sa kaniya ang mga luha ko't nilagpasan ako. Ang bawat hakbang na ginagawa ni Darius papalapit sa pintuan ay parang mga tusok sa aking puso. Napapikit ako, sinusubukang pigilan ang mga hikbing gustong kumawala sa labi ko."Saan ka pupunta?"Natigilan siya sa paglalakad. Hindi siya sumagot kaya tumakbo ako sa harap niya at pilit kinukuha ang atensyon niya.