Share

Chapter 17

Tessa's POV

HINAPIT ako ni Darius at pinaharap sa kaniya. Bumungad sa akin ang mga mata niya na parang nangungusap.

"It's not like that, Tessa. I'm sorry, okay? Masyado lang akong nadala."

Bahagya akong sumimangot kahit na ang totoo, kumakabog nang malakas ang dibdib ko.

"Nadala?"

"Masaya lang ako."

"Masaya?" Bahagyang kumunot ang noo ko. Hindi ko kasi maintindihan ang ibig niyang sabihin. "Bakit ka naman masaya? May nangyari bang magandang sa trabaho mo?"

Nginitian niya ako sabay hagod ng buhok ko sa gilid.

"How about we go out? Pasyal tayo o shopping."

Napasinghap ako sa tuwa dahil sa sinabi niya. "Gusto ko iyon! Sa wakas, makakapasyal na ako dito sa Manila! Ang tagal ko na rin gustong gawin iyon, e!"

"Sige na, magbihis ka na. Ako na ang tatapos nito."

Nilingon ko ang mga hugasin sa lababo. Kaunti lang naman iyon kaya pumayag na ako.

"O sige! Magbibihis na ako, ah?" Palabas na ako nang nilingon ko uli siya. "Maliligo pa pala muna ako. Sige, ah?"

Dali-dali akong tumakbo paakyat. Pagd
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status