Share

Stealing My Husband From His Mistress
Stealing My Husband From His Mistress
Author: Miranda Monterusso

Prologue

Nakatayo ako sa harap ng pinto ng aming kuwarto at nagpabalik-balik ng lakad, habang ang aking asawa na si Darius, abalang nag-aayos ng mga gamit niya sa loob. Ang mga mata ko ay namamasa sa luha, ang aking puso ay nadudurog sa sakit.

"Martha... papunta na ako."

Sa narinig ay nagmamadali akong pumasok. Naabutan ko siyang katatapos lang na mag-impake kaya natigilan ako. Parang gustong sumabog ng puso ko sa sakit habang iniisip na iiwan na niya ako para kay Martha... ang kabit niya.

Nang tuluyang matapos sa ginagawa, humarap siya sa pinto kung nasaan ako. Sandali siyang natigilan nang magtagpo ang mga mata namin, pero parang wala lang sa kaniya ang mga luha ko't nilagpasan ako.

Ang bawat hakbang na ginagawa ni Darius papalapit sa pintuan ay parang mga tusok sa aking puso. Napapikit ako, sinusubukang pigilan ang mga hikbing gustong kumawala sa labi ko.

"Saan ka pupunta?"

Natigilan siya sa paglalakad. Hindi siya sumagot kaya tumakbo ako sa harap niya at pilit kinukuha ang atensyon niya.

"Ano ba? Kinakausap kita!"

Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya. "Hindi mo gugustuhin malaman."

Mariin akong nagkagat-labi. Ang mga labi ko ay nagtitimpi upang hindi umiyak, ngunit ang aking puso ay sumisigaw sa sakit na hindi kayang pigilan.

"Mag-usap naman tayo, please."

"I need to leave, Tessa."

"Wala akong kasalanan. Nagsisinungaling siya!" Kinuha ko ang kamay niya. Kulang na lang ay lumuhod ako para lang pakinggan niya ako.

Pumikit si Darius na parang nagpipigil ng sariling galit. Alam kong nalason na ni Martha ang isip niya, pero ayaw kong sumuko. Gusto kong ipaintindi sa kaniya na wala akong kasalanan. Na palabas lang ni Martha ang lahat!

"Let me go, Tessa."

"Sabihin mo muna sa akin kung saan ka pupunta!"

"Sa kabit ko!" Nagmulat siya at diretsong sinalubong ang mga mata ko. "Sa babaeng mahal ko! Sa babaeng dapat na kasama ko ngayon, pero nang dahil sa iyo, naghiwalay kami!"

Unti-unti kong nabitiwan ang kaniyang kamay. Ang sakit na nararamdaman ko ay hindi maipaliwanag sa mga salita. Sa pakiwari ko ay nawasak ang mga pangarap na binuo ko sa puso ko para sa amin dalawa. Hindi kayang ibsan ng anumang matatamis na salita o magagandang bagay ang sakit na ito.

"Huwag mo akong iwan!" sigaw ko nang subukin niyang lumabas ng kuwarto. Hindi siya nakinig kaya mabilis ko siyang sinundan.

"Kailangan niya ako, Tessa."

"Buntis ako!"

Bigla siyang natigilan. "At kung hindi lang dahil sa batang iyan, hindi ako mananatili rito!"

Naramdaman ko ang panginginig ng mga tuhod ko sa sinabi niya. "Darius... minahal mo man lang ba ako? Kahit kaunti... kahit katiting lang?"

Ilang ulit siyang lumunok na parang may nakabara sa lalamunan niya. "Hayaan mo na ako, Tessa. This is the least thing we can do for her."

Kumuyom ang mga kamao ko sa narinig. Pinahid ko ang mga luha ko at lalong lumapit sa kaniya. "Hindi! Ako na ang asawa mo, ako na ang may karapatan sa iyo! Ako lang!"

Sa sinabi ko ay tumalim ang mga mata niya. "Tessa, let go."

"Ayoko!"

"Nasa hospital si Martha ngayon nang dahil sa iyo! Kung may natitira ka pang konsensya sa katawan, hayaan mo na akong umalis!"

Itinulak niya ako bagay na hindi ko inaasahan, kaya kahit hindi malakas ang pagkakatulak niya, nawalan pa rin ako ng balanse at bumagsak sa sahig.

"Kailangan niya ako."

Napahawak ako sa tiyan ko nang sandaling talikuran ako ni Darius. May matinding sakit doon na hindi ko kayang tiisin. "D-Darius, masakit ang tiyan ko."

Tumigil siya sa paglabas ng pinto pero hindi niya man lang ako nilingon.

"Ang baby natin, Darius!"

"Ginagamit mo na naman ang batang iyan para makuha ang gusto mo!" mababa ngunit matigas niyang sabi.

Pikit ang mga matang umiling ako. "T-totoong masakit ang tiyan ko! Ahh!"

Umangat ang kamay ko sa ere, pilit inaabot si Darius. Kahit napakaimposibleng maabot siya ng kamay ko... katulad ng sitwasyon namin ngayon, ako ang asawa niya, sa akin siya kasal, pero hindi ako ang mahal niya. At hindi niya ako kayang piliin.

"Martga needs me, Tessa. She needs me more."

Unti-unting nanlabo ang paningin ko. Habol ang hiningang inipon ko ang natitirang lakas sa katawan ko at sumigaw, "Huwag kang umalis, Darius!"

Bigla akong natigilan nang makita ang kaunting dugo na umagos sa sahig. Nang sundan ko ng tingin kung saan iyon nanggaling, nakita kong galing iyon sa akin.

"B-baby ko... Darius... a-ang baby natin... "

Tuluyan akong nawalan ng malay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status