Share

Chapter 5

Darius' POV

NAPIGILAN ang tangkang pagbangon ko dahil sa biglang pagsakit ng ulo. Napaupo ako sa gilid ng kama at wala sa sariling sinapo ang aking ulo gamit ang kamay ko.

"Fuck this hangover."

Gaano ba karami ang nainom ko kagabi at bigla na lang akong nawalan ng malay? Ni hindi ko maalala ang mga nangyari. Kumapit ako sa sidetable at tuloy na sana akong tatayo nang mapansin kong hindi ako nag-iisa sa kama.

I glanced around my surroundings. Nanlalaki ang mga matang napatitig ako sa babaeng katabi ko. "Shit!"

Hindi ko napigilan ang mapamura. It's Tessa, ang pamangkin ng mayordoma namin. Nakadapa ito sa kama at mahimbing na natutulog.

"What the fuck happened?"

Katulad ko ay hubo't hubad din ito. At malaya kong nakikita ngayon ang maganda at makinis niyang katawan na nakalantad sa akin.

Damn it! Bakit nasa kuwarto ko ang babaeng ito? Bigla akong natigilan nang mapansin ang paligid ko. Oh, shit. I'm not in my room, at sa tingin ko ay nasa kuwarto niya ako!

"Oh, fuck!" I groaned when I noticed the red stain on the bed. "She's a fucking virgin!"

Tatayo na sana ako pero bigla akong natigilan nang mapansin ang bagay na unti-unting nagigising at sumasaludo sa ibaba ko. Fuck! My body is reacting to this woman in front of me. Isipin pa lang na birhen ito nang makuha ko ay biglang gumapang ang init sa aking katawan.

Natigilan lang ako sa pag-iisip nang makarinig ng malakas na pagkahulog at pagkabasag ng baso. When I turned my gaze to the bedroom door, I was stunned to see Martha's shocked face. Kasama nito sina Manang Olga, si Papa at ang asawa nitong si Magda.

"What is happening in here!" Galit na pumasok si Papa sa loob ng kuwarto. "What the hell is happening, Darius!"

***

Masama ang tingin ko habang nasa loob ng dining room at nakaupo sa harap ng hapag. Nandito ang lahat, kabilang na si Martha na tahimik lang na nakaupo sa tabi ko. She's not saying anything, but I know that she's angry and hurting.

"This seems to be familiar," umpisa ni Papa na ikinapikit ko.

Alam ko na ang tinutukoy niya ay ang nangyari noon kina Daryl at Anika. Fuck, no. He couldn't be thinking of doing that?

"Tumahan ka na sa pag-iyak, hija."

Muling nakuha ni Papa ang atensyon ko sa sinabi niya. Nang balingan ko ng tingin kung saan siya nakatuon, nakita kong umiiyak si Tessa. Suot na ulit nito ang pangkatulong na uniform. Napalunok ako nang maalala kung ano ang nasa loob ng unipormeng iyon.

Damn it, Darius! Are you really thinking of that in the middle of this situation? Fuck!

"Ano ba talagang nangyari, Darius?" napatingin ako kay Papa sa tanong niya.

Wala akong maibigay na sagot dahil hindi ko rin alam ang nangyari. All I can remember is I was at the party, having a good time talking with the people around me.

"What? You can't remember?"

Lalong lumakas ang paghinga ko sa paraan ng pagtingin sa akin ni Papa. He's disappointed. Damn.

"Don Enrico," nabaling kay Manang Olga ang paningin namin nang magsalita ito. "Alam ko hong katulong lamang kami ng pamangkin ko sa inyong pamilya, pero kahit ganoon, pinalaki ko po nang maayos si Tessa. Mahirap kami pero inaalagaan namin ang dangal namin. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao?"

Bumuntonghininga si Papa. "Alam ko, Olga. Matagal na kayong naninilbihan sa pamilya ko, at parang anak na ang turing ko kay Tessa."

"Ano na pong mangyayari sa pamangkin ko, Don Enrico?"

Nabaling kay papa ang paningin naming lahat. Halos hindi ko na magawang lumunok sa paghihintay ng susunod niyang sasabihin. At parang binagsakan ako ng langit sa mga salitang lumabas sa bibig niya.

"Since the news about you and Martha hasn't been announced to everyone yet, you and Tessa will get married. Kailangan mong panagutan ang nangyari bago pa kumalat at muling malamatan ang pangalan ng ating pamilya."

"But tito... "

Nabaling kay Martha ang atensyon namin. Her eyes were puffy and hurt was all over her face. Ilang beses kong minura ang sarili ko sa aking isip dahil alam kong ako ang dahila kung bakit siya nasasaktan.

"I'm sorry, hija, I already made up my mind." Mula kay Martha ay bumaling sa akin si Papa. "Darius, you're getting married to Tessa."

***

Pagkapasok namin sa guest room kung saan nag-i-stay si Martha, tuluyang bumuhos ang mga luha sa pisngi nito. She cried in silent while I was standing there, and can't even do anything to stop her pain.

Natigilan at nabahala ako nang makitang lumapit siya sa built-in cabinet at sinimulang kunin ang mga damit niya at ipasok sa maleta.

"What are you doing?"

"Nag-iimpake." Tumigil siya sa ginagawa at bahagyang bumaling sa akin. "What do you expect? I'd stay here and watch you get married to someone else?"

Tuluyan niya akong hinarap. And I wanted to hurt myself when I saw the tears on her face. "Martha."

"Hindi mo na ba ako mahal?"

I let out a heavy sigh. "Mahal. Hindi magbabago ang nararamdaman ko para sa iyo. You know that."

"Then why? Nandito naman ako, bakit kailangan maglabas ka ng init sa ibang babae?"

Mabilis ko siyang nilapitan at hinawakan sa magkabilang braso. "I was drunk, Martha. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Kung nasa tamang pag-iisip ako, you think I'd do that? No. Never. Parang nakababatang kapatid na ang turing ko kay Tessa."

Matagal siyang natigilan habang nakatingin sa akin. Tears kept falling from her eyes. Naaawa kong pinahid gamit ng hinlalaki ko ang mga luhang iyon.

"What if umalis na lang tayo?"

This time, ako naman ang natigilan. Malungkot akong nag-iwas ng mukha. "I'm sorry."

"But Darius—"

"Nangako ako sa mga kapatid ko na hindi ko iiwan si Papa. Ako na lang ang mayroon siya."

It broke me again when a tear fell from her eyes while she's looking at me, helplessly begging for me to choose her. Fuck, I hate making her cry.

"Paano naman ako? Ikaw na lang din ang mayroon ako. Nangako ka sa puntod ng mga magulang ko."

"Martha." I tried to hug her but she avoided me.

"You can't do this to me. You promised me, Darius. Nangako kang pakakasalan ako."

"And I will keep that promise."

Napuno ng pagkalito ang mukha niya "What do you mean?"

I took her hand and brought it to my heart. "Even if I get married to her, I won't love her, Martha. And time will come, maghihiwalay kaming dalawa. When that time comes, I'll marry you."

Muling bumuhos ang masaganang luha sa magkabila niyang pisngi. "Darius... "

"Can you wait for me?"

Huminga siya nang malalim matapos pumikit nang mariin. "Paano ko matatanggap na lalaking pinakamamahal ko, ikakasal sa ibang babae? Alam mo ba kung gaano ito kasakit sa akin?"

I swallowed hard and nodded my head. "Yes, I know."

"Pero mas masasaktan ako kapag tuluyan kang nawala. Kaya kahit masakit, maghihintay ako."

Napangiti ako sa sinabi niya. I pulled her closer and kissed her on the forehead.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Alex Zeta
next po plese
goodnovel comment avatar
Caishadaff Aliz
next po plz
goodnovel comment avatar
Mariano Paran
next pls,,
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status