Share

Chapter 8

Tessa's POV

MATAGAL akong nakasandal sa pinto ng mansion matapos ng mga narinig. Naramdaman ko ang panghihina ng mga tuhod ko. Gusto kong bumagsak sa sahig at umiyak, pero hindi ko ginawa.

"Ginusto ko ito. Bakit ako iiyak?"

Huminga ako nang malalim at umakyat sa hagdan. Hindi na ako bumalik sa reception dahil paniguradong kukutyain lang ako ng mga bisita. Dumiretso ako sa silid ni Senyorito Darius, pero agad akong natigilan nang makita ang taong nasa loob.

Si Martha, nakaupo ito sa gilid ng kama ni Senyorito Darius at namumutla. Namumula rin ang mga mata niya na parang galing sa pag-iyak. Nang mabaling sa akin ang paningin niya ay mabilis na nag-iba ang kaniyang reaksyon.

"Anong ginagawa mo dito?"

Uminit agad ang ulo ko. Kinukutya na ako ng mga kaibigan ni Senyorito Darius, at pinagtatawanan ng mga bisita nila. Hindi ko hahayaan na pati siya, bastusin ako.

"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan. Anong ginagawa mo sa kuwarto ng asawa ko?"

"Asawa mo?" Napatayo siya mula sa pagkakaupo.

Pina
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Rhona Durangparang Benologa
ayan Tessa pinikot mo kasi si Darius.
goodnovel comment avatar
Rowena Elian
graviii din to malala dn ehhh nako Tessa massaktan kalang sa huli
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status