Share

Chapter 10

Tessa's POV

MADALING-ARAW na pero gising pa rin ako. Hindi na ako nakatulog matapos ng nangyari kanina. Ang bawat salitang lumabas sa bibig ni Senyorito Darius, parang kutsilyong bumaon sa likod ko.

Ang sakit pala. Mas masakit ang mga salitang binitiwan niya kaysa sa totoong sugat. Mas mahapdi, mas malalim.

Pagsikat ng araw, huminga ako nang malalim at saka naligo. Pagkatapos no'n ay bumaba na ako sa kusina at nag-umpisang magluto.

Hindi ako basta-bastang susuko na lang. Ano ako? Hilo? Matapos ko siyang pikutin, susuko na lang ako sa ganitong kaliit na bagay? Mas lalo niya akong pinagtutulakan palayo, mas lalo lang akong kakapit sa kaniya.

Habang nagluluto ay nakarinig ako ng mga yabag na pababa ng hagdan. Napangiti ako nang maisip si Senyorito Darius.

Nakangiti akong lumingon nang marinig kong pumasok siya sa kusina. "Gising ka na pala."

Tiningnan niya lang ako gamit ng seryosong paningin. Kahit na parang kakainin niya ako nang buhay sa paraan ng pagtitig niya, masaya pa rin ako. Bum
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Bea Blair
mas malala pa cya kay daryl hehe
goodnovel comment avatar
Reese
tumaas altapresyon ko sayo darius..hihintayin ko 'yong time na ekw nmn maghabol.
goodnovel comment avatar
ludy epili
kuha mo talaga ang gigil ko sayo darius
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status